Ilang mga manlalakbay ang kalat-kalat na nakaupo sa isang tea stall sa tabi ng daan. Kanya-kanyang inom ng tsaa upang pawiin ang uhaw.
Maririnig ang tunog ng mga kumboy at karwahe na tumigil sa gilid ng daan. Ilang mga kabataan ang lumabas doon na nakasuot ng makulay at magarbong damit. Dahil doon sadyang naging kapansin-pansin sila kumpara sa mga taong naroon.
"Ano pong gusto niyong order-in?" Tanong ng waiter nang kaniyang lapitan ang grupo.
"Kahit anong makakain kung anong andiyan, dagdagan mo na rin ng tsaa at tubig." Saad ng payat na binatilyo habang papaupo ito sa isang mesa kasama ang grupo.
Paparating na ang summer kaya naman nagsisimula nang uminit ang panahon. Kalahati ng mga nasa tea stall ay manipis ang kasuotan. Ang init ay nagdudulot ng pagtuyot ng lalamunan ng bawat isang naroon.
"Nakakamatay ang init, Diyos ko! Bigla ko tuloy hinahanap-hanap yung lamig sa lugar na iyon." Reklamo ni Qiao Chu saka nangalumbaba sa mesa. Isang taon silang hindi lumabas ng Heaven's End Cliff at halos walang pagbabago sa klima doon. Nasanay ang kanilang katawan sa ginaw kaya naman init na init sila sa kasalukuyang panahon.
Umupo si Jun Wu Xie sa harap ni Qiao Chu, para sa ikakagaan ng kaniyang pagbiyahe, nagbihis-lalaki pa rin siya.
"Bakit parang may nararamdaman akong kakaiba dito?" Tanong ni Fei Yan habang inililibot ang tingin sa paligid. Nang mapansin niyang ang dudungis ng kasuotan ng halos lahat ng tao doon labis niya iyong ikinagulat.
Isang taon silang nasa loob ng Heaven's End Cliff pero hindi niya nakakalimutan na mayroong village dito. Kahit na hindi man sila kasing yaman katulad ng sa ibang lungsod, malilinis ang mga ito noon. Ngunit ngayon, isang taon lang ang nakalipas, ang laki na ng ipinagbago ng mga tao dito.
Bakas ang pagal sa mukha ng mga manlalakbay, makikita mo rin ang nerbiyos sa kanila. Kung ilalarawan ang mga ito, matatawag niyang refugee ang mga ito.
"Baka sumapit ang taggutom." Buntong-hiningang saad ni Fan Zhuo.
"Paano mo nasabi?" Tanong ni Fei Yan na nakataas ang isang kilay.
`
"Haha. Hindi kami sinapit ng taggutom dito. Tingin ko hindi alam ng ating mga bisita ang sitwasyon dito." Pagtatanong ng waiter.
"Hindi nga. Ano bang nangyari dito?" Tanong ni Fei Yan.
"Nitong nakaraang na taon, nagkaroon ng kaguluhan dito. Kaming mga mahihirap na nakatira pa sa malayong lugar. Pero wala halos pinagkaiba ang sitwasyon namin dito kumpara sa mayayamang lungsod o bansa. Mula sa pinanggalingan niyo, mukhang papunta kayo sa silangan. Makinig kayo saakin, maniwala kayo huwag na kayong tumuloy. Walang katahimikan sa lugar na ito, swerte niyo na lang at malayo ito sa kabihasnan. Pero kapag tumuloy pa kayo papuntang silangan at makarating sa border ng ibang bansa, baka ikapahamak niyo lang." Saad ng waiter na ang layunin ay tulungan at bigyang ideya ang grupo nina Jun Wu Xie.
Umangat ang isang kilay ni Jun Wu Xie, "May kaguluhan dito?"
"Oo. Hindi niyo ba alam? Isang taon na rin ang nakakalipas nang magsimula iyon. Ay giyera sa bawat sulok ang mga refugees ay walang ibang nais kundi ang mailigtas ang kanilang mga buhay. Nakikita niyo ba ang mga kustomer na iyon? Kakatakas lang nila mula sa silangan. Delikado ang lugar na iyon sa ngayon. Noon kinaiinggitan ang mga taong nakatira doon dahil sa marangya ang buhay doon. Mukhang wala nga kayong ideya sa nangyayari doon, mainam kung hindi na kayo tutuloy doon." Mahabang salaysay ng waiter.