Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1388 - Ang Mundo sa Gitna ng Kaguluhan (2)

Chapter 1388 - Ang Mundo sa Gitna ng Kaguluhan (2)

Gulat na gulat ang grupo dahil sa sinabing iyon ni Jun Wu Xie.

May giyera kahit saan?

Bago magtungo sina Jun Wu Xie sa Heaven's End Cliff kalmado na ang sitwasyon sa Lower Realm. Payapa ang sitwasyon sa Fire Country na kinasasakupan ni Jun Wu Xie at ang susunod na pinakamalaking bansa ay ang Condor Country na hinati ni Jun Wu Xie para sa Qi Kingdom at Buckwheat Kingdom. Itinalaga niya ang tatlong bansa para magkampihan at mas lumakas ang pwersa. Isa pa, ilan pang mga pwersa ang isinalba ni Jun Wu Xie, kaya hindi dapat magkaroon ng ganitong gulo sa loob lang ng isang taon!

"Anong nangyari? Pwede mo bang ikwento? Kaming lahat ay may importanteng pinuntahan, sa loob ng isang taon doon lang kami namalagi at wala kaming ideya sa nangyari dito." Nagsisimulang mabuhay ang pag-aalala sa puso ni Fan Zhuo. Naglabas siya ng isang gold ingot at inilagay sa mesa.

Agad na nandilat ang mga mata ng waiter nang kaniyang makita ang gold. Nanginginig na kinuha niya iyon at agad na itinago sa kaniyang manggas. Ngunit sa saglit na sandaling iyon, nakuha na ang atensyon ng lahat.

"Ano pa ang gusto niyong malaman? Malugod kong sasabihin sa inyo ang gusto niyong malaman."

Sinulyapan ni Fan Zhuo si Jun Wu Xie, nang senyasan siya ni Jun Wu Xie ay doon pa lang siya nagpatuloy sa pagsasalita: "Nabanggit mong mayroong giyerang nagaganap kahit saan, anong ibig mong sabihin? May partikular na bansa ba ang nagsimula nitong gulo?"

Umiling ang waiter: "Paanong isang bansa lang? Kung iyon ay isang kaguluhang sinimulan lang ng isang bansa, paanong ang lahat ng bansa ay nagkagulo? Ang totoo niyan..." Saglit na tumigil ang waiter at tumingin sa paligid habang mahigpit na hawak ang gold ingot bago nagsalita sa mahinang boses.

"Narinig kong nagsimula iyon nang nang tamaan ng epidemiya ang ilang bansa, marami ang namatay dahil doon. Ngunit ang nakakapagtaka ay ang mga taong may dala ng sakit na iyon ay hindi namatay. Sa halip ay mas lalo pa silang lumakas ngunit nawala ang kanilang katinuan. Para silang mga demonyo na walang ibang alam gawin kundi ang pumatay. Noong una, ang epidemiya ay sa maliliit lang na bansa ang tinamaan. Walang nakakaalam paano kumalat iyon. Ang mga tinamaan ng sakit na iyon ay naging tila demonyo na rin na nagkakalat ng kaguluhan. Maging ang mga sundalo ng bawat bansa ay walang magawa. Nito lang ay narinig kong nagtutulungan ang Fire Country, Qi Kingdom at Buckwheat Kingdom para kontrolin ang sitwasyon."

"Pero lumalala lang ang sitwasyon at walang nakakaalam ng dahilan kung bakit. Ang mga tinamaan ng epidemiya ay hindi nakakaramdam ng sakit o takot. Wala silang pakialam sa sarili nilang mga buhay. Wala ring nakakaalam kung sino ang nagtipon sa mga iyon at ngayon ay balak nilang maghasik ng kaguluhan. Wala nang bansa ang ligtas."

"Ang lugar na ito ay malayo sa kabihasnan. Pero kung kayo ay naglakbay pa patungong silangan, sigurado akong makakaengkwentro niyo sila. Nangangain sila ng tao at pambihira ang kanilang taglay na lakas. Wala silang pakialam kung babae ka o lalaki, matanda o bata, walang maliligtas. Labis na nakakatakot ang nangyayari ngayon." Detalyado ang sinabi ng waiter, kaya mukhang hindi nga ito nagsisinungaling.

Tuluyan nang nilukob ng takot sina Qiao Chu nang marinig nila iyon. Naranasan at nasaksihan na nila ang sitwasyong iyon noon!

Hindi iyon epidemiya. Iyon ay Poison Men na ginawa ng Soul Return Palace!

Agad na tumalim ang tingin ni Jun Wu Xie. Hindi niya akalaing ganito ang kanilang dadatnan!

Napansin ng waiter ang pagbabago ng ekspresyon ng grupo kaya naman dahan-dahan siyang umalis sa mesa ng mga ito.

Related Books

Popular novel hashtag