Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1359 - Ang Angkan ng Spirit Soul (1)

Chapter 1359 - Ang Angkan ng Spirit Soul (1)

Gabundok na ginto at pilak!

Nakita na nila ngayon!

Si Ye Gu na nakahiga sa lupa, hindi nais na titigan ng matagal si Jun Wu Yao, at hindi rin nais na

masdan si Ye Sha at Ye Mei, sa halip ay pinanood lamang ang mangmang na si Qiao Chu na

umastang parang probinsiyano na nakatulala at ang mata'y nanlalaki at nakanganga ang bibig

sa bulwagan na puno ng kayamanan.

[Tsk! Saan ba gaming ang mga hangal na ito? Bakit nila sinusundan si Lord Jue?!]

Ang isip niya ay puno ng hindi mabilang na mga katanungan, ngunit ang tanging nagawa

lamang ni Ye Gu ay patuloy na mahiga sa lupa at umastang mahina.

Tila matinding paghihirap bago nagawa na ibaling ni Qiao Chu ang tingin palayo sa mga

kayamanang iyon at nakita si Ye Gu na nasa lupa at ang mukha ay puno ng poot. Sa isang

tingin na iyon, si Qiao Chu ay nagulantang.

"Ang isipin na ang tagapangalaga ng libingan ng Dark Emperor ay isa lamang mahina at maliit

na nilalang! Ano ba ang iniisip ng mga tao mula sa Dark Regions?"

Nang lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ni Qiao Chu, si Ye Sha at Ye Mei na nasa isang tai

ay agad naramdaman ang malamig na pawis sa kanilang likuran.

Si Ye Gu bilang isang tao ay wala gaanong kinaiinisan, ngunit talagang nasusuklam siya kapag

sinasabi ng mga tao na siya ay "maliit"!

Dahil doon, noong sila'y nasa Night Regime, ay ilang tao rin ang kaniyang binugbog.

Ang mga pabaya at di-sadyang salita mula kay Qiao Chu ay nasaring ang isang ugat kay Ye Gu

at ang dalawang lalaki sa parehong sandaling iyon, ay agad na napalingon kay Ye Gu.

Tulad ng inaasahan, ang ekspresyon sa mukha ni Ye Gu ay nagdilim.

Nagpalitan ng tingin ang dalawang lalaki at parehong tumalon kay Ye Gu upang pigilan ito ng

buhay nila.

Tungkol sa ikinilos ni Ye Sha at Ye Mei, si Qiao Chu ay masyadong okupado upang

maramdaman ang anuman at inisip na iyon ay nakakpagtaka habang hangal na nagtanong:

"Big Brother Ye Sha, Big Brother Ye Mei, ang munting nilalang na iyan ay siguradong nagtamo

ng matinding pinsala. Kailangan niyo ba talaga maging maingat sa paligid niya?"

Nasa bingit na si Ye Mee ng pag-iyak ngunit kailangan niyang panatilihin ang kalmadong

ekspresyon sa harap ni Qiao Chu kaya naninigas na ngumiti ito at sinabi: "Siya ay mula sa Dark

Regions at mas mainam na maging maingat."

Sa parehong sandali, si Ye Sha ay bumulong sa napakahinang boses sa tainga ni Ye Gu: "Chief!

Kumalma ka!"

"Kalamahin niya ang binti ng lola niya! Saang bato ba tumubo ang hangal na iyan? Hindi pa

nga niya napapatubo lahat ng buhok niya at nagagawa na niyang suyuin si kamatayan! Kung

hindi ko siya babalatan, hindi ako si Ye Gu…" Himutok ni Ye Gu.

Ginamit ni Ye Sha at Ye Mei lahat ng lakas nila upang pigilan si Ye Gu ngunit ang painagsamang

lakas ng dalawang lalaki ay hindi pa rin sapat upang supilin ang lakas ni Ye Gu. Sa sandaling

nakikinita na ng dalawang lalaki na paliliparin na sila ni Ye Gu, ay biglang huminto ang

paglalakad ni Jun Wu Yao habang karge si Jun Wu Xie sa kaniyang braso, bahagyang pinihit

ang ulo at medyo naniningkit ang mata, ang sulyap niya ay dumaan sa anyo ni Ye Gu.

Biglang kumalma si Ye Gu.

Lihim na nakhinga ng maluwag si Ye Sha at Ye Mei. Sa ilalim ng Heavens, ang tanging tao na

magagawang kontrolin si Ye Gu ay tanging si Jun Wu Yao lamang.

Nang si Ye Sha at Ye Mei ay humihinga ng maluwag sa kaibuturan ng kanilang puso, isang anyo

ang biglang naglakad at tumayo sa tabi nilang dalawa.

Mas mainam sabihin, na ang anyong iyon ay tumayo sa harapan ni Ye Gu.

Pinipigilan ni Ye Gu ang apoy sa kaniyang kalooban nang makita niya ang isang kaakit-akit na

kabataan na biglang lumitaw sa kaniyang harapan at ang kilay niya ay biglang nagsalubong ng

di-sadya.

Minasdan ni Rong Ruo si Ye Gu na nakasuot ng kalahating maskara sa mukha nito at munting

alon ang biglang umusbong sa mata niya. Ang sulok ng mga labi niya ay bahagyang nanginig

habang nakatuon ang tingin sa mukha ni Ye Gu, ang katawan niya ay bahagyang nanigas.

"Little Ruo," Tawag ni Fei Yan habang naglakad patungo sa tabi ni Rong Ruo nang mapansin

ang kakaibang reaksyon mula kay Rong Ruo.

Hindi sinagot ni Rong Ruo si Fei Yan at sa halip ay nagpatuloy itong masdan si Ye Gu at

pabulong na nagtanong.

"Ikaw ay… mula sa angkan ng Spirit Soul?"

Bahagyang natigilan si Ye Gu sa tanong na iyon at lumingon siya upang masdan si Rong Ruo sa

mata. Sa sandaling iyon ay may bumakas na pagkagulat sa mata niya.

"Angkan ng Spirit Soul? Little Ruo, sinasabi mo ba na siya ay nagmula sa angkan ng Spirit

Soul?" Nagtatakang tanong ni Fei Yan.