"Hindi ka dapat matakot, ang aking elder brother ay hindi mananakit ng spirit body." Mabilis
na sabi ng batang babae sa naniniguradong boses, iniisip na ang pusang itim ay natatakot.
Inilipat ni Jun Wu Xie ang sulyap sa paligid, tila tinatanong ang batang babae kung nasaan ang
kaniyang elder brother.
Naningas ang ngiti sa mukha ng batang babae at bumakas sa mata nito ang kalungkutan.
"Hindi ko siya nakikita at hindi niya rin ako nakikita. Pero alam ko na nandito siya… lagi kong
kasama si Big Brother at kahit na hindi kami nakakapag-usap ay ayos lamang."
Hindi maintindihan ni Jun Wu Xie ang naririnig niya.
"Talagang ayos lamang. Kasama ko naman dito si Little Squeak at paminsan-minsan ay may
mga nagpupunta rin na spirit bodies. Ngunit dahil ang kanilang mga Master ay pinapatay ni Big
Brother, ay hindi sila nagtatagal dito kahit na gusto ko silang manatili upang makipag-usap sa
akin." Kagat-labi na saad ng batang babae, bigla niyang itinaas ang ulo upang masdan ang
pusang itim.
"Hiling ko lang na sana hindi na lumapit pa ang iyong Master sa lugar na ito. Kung pipilitin
niyang pumasok ay siguradong mamamatay siya." Nang sabihin ang mga salitang iyon, ang
mata ng batang babae ay nabahiran ng kaseryosohan.
"At kapag namatay ito ay kailangan mo na magbalik sa Spirit World…" Ang direksyon ng mga
salita ng batang babae ay biglang nagbago at ang mata nito'y muling nabahiran ng lungkot.
"..." Nagsisimula ng maintindihan ni Jun Wu Xie. Ang batang babae ay tunay na nakulong ng
mahabang panahon at bawat munting bagay, ay nagagawa niyang sabihin halos lahat.
Ito marahil ang epekto ng matagal na pagkakakulong at ayon sa magulo at wala sa kaayusan
na paraan ng batang babae upang ihayag ang sarili sa pananalita, hindi maiwasan ni Jun Wu
Xie na makaramdam ng matinding pakikiramay sa batang babae.
Hindi mahirap masabi mula sa mga salita ng batang babae na ang elder brother nito ang tunag
na nangangalaga sa libingan ng Dark Emperor ngunit hindi nalalaman kung bakit it'y narito rin
sa lugar na ito.
[Dahil ang magkapatid ay malapit sa isa't isa?]
[Ngunit bakit ang magkapatid ay hindi nagkikita?]
Hindi pa makagawa ng palagay si Jun Wu Xie.
Habang ang batang babae ay "kung anu-ano ang sinasabi" sa pusang itim, bigla, isang malakas
na dagundong ang yumanig sa buong bulwagan kung nasaan sila!
Lahat ng mga kayamanan na tinipon sa bulwagan ay nayanig sa dagundong na iyon, isang
malinaw na kalansing ang narinig sa ere.
Bigla!
Isang alingawngaw na pagsabog ang narinig mula sa kung saan na hindi malayo sa kanila.
Ang batang babae na nakaupo ay biglang napatayo at bakas ang pagkagulat sa mukha, habang
pinipilit na tumayo sa yumayanig na lupa!
"Mayroong umaatake… Mga kalaban… Ang mga masasamang tao…" Ang mukha ng batang
babae ay agad nagpakita ng gulat.
Matinding gulat ang bumakas sa mata ni Jun Wu Xie, ngunit hindi niya iniisip na ang kaguluhan
na iyon ay mula sa isang kalaban. Kung tama ang kaniyang iniisip, isang tao lamang ang
makakagawa ng malaking kaguluhan sa libingan ng Dark Emperor.
Nang iniisip ni Jun Wu Xie kung kukunin ang pagkakataon na iyon upang makatakas, isang
nakakamanghang pangitain ang naglaro sa harapan niya!
Ang buong katawan ng batang babae ay napatayo at biglang lambungan ng itim na usok, ang
usok ay tuluyang nilamon ang bata. Ang nababasag na tunog ng bakal ay umalingawngaw sa
mukha nito at ang bakal na maskara na nakatakip sa kaliwang bahagi na mukha ng batang
babaeay biglang nawasak. Ang nadurog na mga piraso mula sa nawasak na maskara ay hindi
nalaglag sa sahig at sa halip ay nagtipon at nagsama-sama sa nakakamanghang bilis, at
nagpalit ng puwesto upang takpan ang kanang bahagi na mukha ng batang babae!
Ang mas nakakagilalas ay ang kalahating mukha na iyon na nalantad ay wala na ang bahid ng
maamong batang babae. Pareho pa rin ang mukha ngunit iyon ay ibang-iba kung saan iyon ay
nag-uumapaw sa matalim na mukha ng isang binata!