Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1355 - Isa Ba Itong Panaginip (1)

Chapter 1355 - Isa Ba Itong Panaginip (1)

Ang makita ang aura at kilos ng isang tao na biglang nagbago ay isang kaganapan na hindi

bihirang makita ni Jun Wu Xie, at kahit na magbago ang aura ng isang tao, ay hindi nito

tuluyang babaguhin ang isang tao. Ngunit ang "batang babae" na nasa harapan ni Jun Wu Xie

ay nagbigay sa kaniya ng pakiramdam na iyon ang eksaktong nangyari.

Parang sa isang iglap, ang nilalang sa kaniyang harapan ay hindi na ang musmos at bahagyang

madaldal na dalaga, sa halip ay isang binatilyo na may napakatalim na tingin at naglalabas ng

kagustuhang pumaslang sa buong katawan nito!

Ang dagundong sa lupa ay mas naging matindi at ang dumadagundong na pagkawasak ay

marinig saan man.

Ang Hell Rodent na nakaupo sa balikat ng "batang babae" ay biglang tumalon sa eksaktong

pagkakataon na ang bakal na maskara ay lumipat, ang kasinglaking palad na sukat nito ay

biglang nagbago at naging isang nakabibighaning ginintuang sabre tooth tiger nang lumapag

ito sa lupa~

"Sino ang matapang na mangaahas na sirain ang libingan ng Dark Emperor!" Ang maamong

boses ng batang babae ay biglang nagbago nang mga sandaling iyon sa isang malakas at

malinaw na boses ng isang binata. Bahagyang naningkit ang mata ng binatilyo at ang aura ng

pagpatay ay nakakakilabot na lumabas sa buong katauhan nito!

Sa isang matinding dagundong, isang pagkawasak ang biglang narinig!!!

Sa itaas ng bulwagan kung nasaan si Jun Wu Xie, isang malaking butas ang biglang nagbukas!

Durug-durog na bato ang nalaglag kasabay ang matinding alikabok, nalaglag sa mga

kayamanan na tumatakip sa sahig ng malaking bulwagan, kung saan matunog na kalansing ang

narinig.

Ang matinding alikabok ay nakabitin sa ere, pinalabo ang paningin ni Jun Wu Xie. Ang nagawa

niya ay maaninag ang ilang anyo mula sa malaking butas mula sa kisame.

Bago pa man niya makilala ang mukha ng mga taong iyon, ang binata na nakatayo sa kaniyang

tabi ay mabilis na tumalon at sumugod, may bahagyang itim na usok pa na naiwan sa lugar

kung saan ito nakatayo kani-kanina lamang!

"Lahat ng sumira sa Palace ng Dark Emperor ay mamamatay!"

Ang boses na puno ng nakakakilabot na kagustuhang pumaslang ay narinig habang ang binata

ay sumugod sa alikabok, tumalon sa itaas ng malaking butas kasama ang Hell Rodent na

naging sabre tooth tiger na nasa likuran lamang nito!

Sa sandaling nakalagpas ito sa nakakabulag na alikabok at akmang susugod na sa mga

nanghimasok, isang makisig at dakilang anyo ang nakita ng kaniyang mga mata!

Nakita ng mata nito ang isang kaakit-akit at walang-kupas na lalaki na kumikilos sa hangin, ang

paa nito'y naglalakad sa ere, ang hanging ay umiihip sa mahaba at itim na buhok na nasa

likuran nito, ang walang kapintasang mukha nito ay kababakasan ng galit.

Sa sandaling iyon, naramdaman ng binata na ang dugo sa buong katawan nito ay nagyelo, ang

nakakakilabot na pagpaslang sa mata nito'y naglaho habang nakatao lamang ito na nanlalaki

ang mata at nakanganga ang bibig sa kaakit-akit na lalaki na lumitaw sa kaniyang harapan.

"Dark…"

Bago pa man mailabas ng binata ang mga salita sa bibig nito, isang anino ang biglang sumugod

dito, binangga ito sa ere at nagpagulong-gulong sa bulwagan na nasa ibaba!

Sa sumunod na sandali, ang matinding epekto mula sa pagbagsak ay nalaglag sa mga

kayamanan na tumatakip sa lupa at parang sa isang ulan ay biglang bumuhos ng ginto at iba-

ibang alahas, at nagkalat sa buong lugar.

Nakatayo sa ibabaw ng malaking bulwagan, si Qiao Chu at ang iba pa'y nagtataka sa anyo na

marahas na binangga ni Ye Mei. Ang lahat ay mabili na nangyari at hidni nila alam kung ano

ang tunay na nangyayari.

"Mayroong… Mayroong tao sa loob ng libingan ng Dark Emperor?" Saad ni Qiao Chu habang

nagkakandahaba ang leeg, nais niyang makasilip sa ibaba ng butas. Ngunit dahil sa makapal sa

alikabok ay hindi niya makita kung ano ang nangyayari.

Nang aksidenteng mahulog si Jun Wu Xie sa libingan ng Dark Emperor, habang si Qiao Chu at

ang ibang kasama ay natataranta, doon nila nasaksihang muli ang nakakakilabot na lakas ni

Jun Wu Yao.

Ang lalaking laging may mala-demonyong ngiti sa mukha, nang mga sandaling nawala sa

paningin ang anyo ni Jun Wu Xie, ay nawala rin lahat ng bakas ng ngiti sa mukha nito.

Bagaman wala siyang sinabi na kahit ano, ngunit ang aura na lumalabas sa buong katawan nito

ay naging dahilan upang si Qiao Chu at ang iba pa'y nahirapan sa paghinga.

Related Books

Popular novel hashtag