Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 135 - Spirit Growth

Chapter 135 - Spirit Growth

Umalis ang mapanlinlang na Jun Wu Yaw, at abg maliit na itim na pusang nagtatago sa tabi ay tumalon sa kama. Tinignan niya si Jun Wu Xie, na may namumulang pisngi.

"Panginoon, kailangan nating pag-usapan ang buhay."

"Huh?" Tinignan ni Jun Wu Xie, na mahigpit na binabalot ng kanyang balabal, ang kanyang pusa, sumagot ng pagulat at nakataas ang mga kilay. Medyo namumula pa ang kanyang mga labi, at may bakas pa ng mga nangyari kanina na nag-iwan ng nakakakilig na pakiramdam.

[Lumaki ka sa isang kapaligirang sarado sa mundo. Wala kang nakitang walang-kinalaman sa medisina. Hindi mo naranasan, at wala kang alam, tungkol sa pakikitungo ng tao sa tao. Kahit na sumali ka sa organisasyon pagkatapos, kinulong mo ang sarili mo sa laboratoryo, at ang lahat ng katulong mo ay babae kaya wala kang pakikitungo sa mga lalaki. Iyon ang dahilan kung bakit wala kang alam tungkol sa pakikitungo sa mga lalaki.] Tinitigan ng maliit na itim na pusa si Jun Wu Xie.

Sa mahahabang taong nabuhay siya sa nakaraan niyang buhay, hindi siya nag-isa kasama ang lalaki, kaya wala siyang laban sa mga atakeng tulad ng nangyari.

Pag ang bastos na Jun Wu Yao ay hinayaan, mauubos ang panginoon balang araw.

Hindi ito pwedeng mangyari!

"Edi…..?" Hindi alam ni Jun Wu Xie kung ano ang nais sabihin ng maliit na itim na pusa.

[Bale, parang ngayon, malinis pa….]

Sa isang iglap, ang malambot na unan ay napunta sa mukha ng maliit na itim na pusa bago pa nito matapos ang sasabihin nito.

"Meow!!"

"Tama na!" Namula si Jun Wu Xie, at ayaw na niyanng marinig ang tungkol sa mga nangyari kanina.

[....]Hindi nakapagsalita ang maliit na itim na pusa. [Panginoon! Ang inyong ekspresyon….. Hindi bagay sa inyo! Kailangan niyong mag-aral ng tamang pakikitungo ng babae at lalaki!]

Hindi na hinayaan ni Jun Wu Xie na magsalita pa siya, at pwede nalang itong magmukmog at kumamot sa baba ng higaan.

Nagdamit si Jun Wu Xie at huminahon. Umupo siya at pinahinga ang kanyang baba sa kanyang mga palad, tinitigan ang lotus na nagsisimula palang sumibol.

Nagsimula nang mamulaklak ang lotus at ang samyo nito ay lumalakas. Nararamdaman ni Jun Wu Xie ang paglakas ng kanyang spiritual strength. Ang naipon niyang lakas sa kanyang palad ay umilaw ng pula at lumalakas na rin.

Ang planong gamiting ang Prinsipeng Tagamana para kunin ang trono ay mas maagang mangyari kaysa pinlano at ang kanyang spiritual power ay hindi pa sapat ang lakas. Sa lahat ng pitong yugto, ang pagpunta sa susunod ay napakahirap. Ang pulang aura ng spirit ang pinakamadali sa lahat, at kainakailangan ng karaniwang tao ng tatlong taon para gawin itong kahel, at dalawang taon naman para sa mga likas na matalino.

Ang magpunta sa dilaw mula sa kahel, ay nangangailangan ng dobleng oras. Anim na taon….

Kapag mas malakas, mas matagal ang kailangan: At ang pagitan ng karaniwang tao at ng likas na matalino ay mas lumalaki habang mas lumalakas sila.

Ang mga pinagpala ay kayang bawasan ang oras na kailangan para linangin ang mga kapangyarihan at abutun ang hindi kaya ng karamihan.

Para sa karaniwang tao at hindi nakakiling, kapag sila'y tumigil at nanatili sa isang yugto, bumabababa ang posibilidad na makamit ang mas mataas na yugto.

Kung ang isang tao ay nangailangan ng mahigit sa labing-dalawang taon para gawing dilaw ang kahel na aura, imposible na para sa kanya ang lumampas pa sa dilaw.

Related Books

Popular novel hashtag