Hindi pa sanay si Jun Wu Xie sa spiritual powers ng mundong ito, at hindi pa niya alam kung gaano na siya kalayo sa pulang aura ng kanyang spirit.
Hindi siya pinayagang maghintay ng sitwasyon. Kailangan nang alising ang nagbabanta sa Pamilya ng Jun.
Wala nang masyadong oras.
…
Sa loob ng Palasyong Imperyal ng Qi, nakaupo ang Emperador sa kanyang silid, nangingitim ng nakakatakit ang mukha.
Nasa tabi lang si Mo Xuan Fei, nakayuko.
Sa loob lamang ng isang gabi, natikman ng mga namumuno ang pait ng pagkatalo, at napulbos ang kanilang awtoridad at lingas.
"Basura ka! Tignan mo ang ginawa mo! Ang tagal na sumunod ni Jun Wu Xie sa'yo? Hindi mo nakita ang mga kakayanan niya! At ngayon, dinuraan niya tayo! Napahiya ako!" Tinitigan ng Emperador so Mo Xuan Fei ng may galit. Hindi niya inakalang ang dalagang isinasantabi ng mga tao, ay magiging bayani ng lahat.
Ang mga nangyari ngayong gabi, ay hindi posibleng kusang gawa ng isang malupit na dalaga.
Nakayuko lang si Mo Xuan Fei. Magmula ng sila'y pumasok sa kwarto, sinisisi na siya, at hindi siya makasagot.
"Hi… hindi ko alam na ganito ang mangyayari… Nung kasama ko siya, hindi siya bobo, pero hindi ko rin masasabing matalino siya." Sinubukan niyang ipag-laban ang kanyang sarili. Kailan siya nag-iba?
"Ang lakas ng loob mong magsalita! Pinaalala ko lagi sa'yo na kahit ayaw mo sa kanya, magtiis ka alang-alang sa Palasyo ng Lin. At maaga mong pinakita ang 'yong totoong balak! Maswerte kang hindi ka pinaghihinalaan ni Jun Wu Xie dahil hindi ka rin niya mapapatawad! Tapops na ang lahat, ngunit nabuhay pa si Jun Wu Xie! Walang hiya!" Nagwala ang Emperador. Hindi siya galit na maagang nagtaksil si Mo Xuan Fei, ngunit dahil hindi niya naibsan ang dahilan ng kanilang mga problema! Buhay parin si Jun Wu Xie!
Pag nagtagumpay si Mo Xuan Fei, hindi mangyayari ang mga nangyari ngayong gabi.
"Ama! Kung hindi ako kumilos, paano ako makakalapit kay Yun Xian? Ayaw ko kay Jun Wu Xie, ngunit ginusto mong samahan ko parin siya, upang hindi sila mabastos. Tapos gusto mong malapit ako kay Bai Yun Xian. Bilang disipulo ng angkan ng Qing Yun, hindi niya ako titignan kapag 'kasintahan' ko parin si Jun Wu Xie." Nadismaya si Mo Xuan Fei na nabuhay si Jun Wu Xie sa nangyari sa paghulog sa mataas na bangin.
Masama ang tingin ng Emperador kay Mo Xuan Fei, ngunit alam na totoo ang kanyang mga sinabi.
Sa totoo lang, alam ng Emperador ang mga ginawa niya, at hinayaan pa siyang gawin ito.
Sa kasamaang-palad, pumalpak siya, at nabuhay si Jun Wu Xie, at nagkaroon ng malaking pagbabago.
"Sa mga nangyayaring mga bagay-bagay., wala nang silbi ang pagmumukmok. Nabuking ang ating mga masasamang balak sa Palasyo ng Lin sa pagkabuhay ni Jun Xian at wala na tayong magagawa. Patikim palang ang mga ginawa ni Jun Wu Xie ngayong gabi sa mga paparating. Madalas silang magkita ng Prinsipeng Tagamana, at iniimbitahan siya sa Palasyo ng Lin. Mukhang mayroon na silang alyansa." Sinabi ng Emperador nang may pagkakaintindi sa bigat ng sitwasyon.
"Ama, ibig-sabihin mo….. May binabalak si Jun Wu Xie na pagpapalit ng rehimen kasama ang Prinsipeng Tagamana?" at namutla si Mo Xuan Fei.