Ang madilaw na bungo na iyon na tanging buto na lang ang naiwan at ang hungkag na mata ay
nakaharap kay Jun Wu Xie na sa unang tingin ay tila nakatitig kay Jun Wu Xie.
Kung nagkataon na ang pusang itim iyon, siguradong mawawalan na agad ito ng malay.
Ngunit si Jun Wu Xie ay tinapunan lamang iyon ng tingin, kalmado at hindi apektado.
""Little Squeak!" Ang boses ng batang babae ay may bahid ng galit habang naglakad ito sa
malalim na tumpok ng mga kayamanan patungo sa jade na trono at dinampot ang bungo.
Ang Hell Rodent na masayang niluluwa ang mga kayamanan ay biglang tumigil nang marinig
ang pagsigaw mula sa batang babae. Isang Luminous Pearl na kasinglaki ng itlog ng manok ang
palabas pa lamang sa nakangangang bibig ng Hell Rodent habang nakatayo at kumukurap ang
mata na may blankong ekspresyon sa kaniyang Mistress.
Ilang beses ko ba sinabi ang tungkol dito? Huwag mo itago ang mga buto ng mga masasamang
tao na iyon!" Uyam na saad ng batang babae na nakasimangot ang mukha habang tinititigan
ang bungo ng tao sa kaniyang kamay, ang mata niya ay puno ng panghahamak.
Iniluwa ng Hell Rodent ang Luminous Pearl at nagmamadaling tumakbo patungo sa batang
babae. Tumayo ito gamit ang likurang mga paa at inunat ang munting pares ng mga kamay.
Ibinigay ng batang babae ang human skull sa Hell Rodent at sinabi: "Ang maruming bagay
tulad nito ay lunukin na diretso. Huwag mo hayaan na dumihan nito ang lugar ng Lord Dark
Emperor."
Pagkatapos sabihin iyon ay ginamit niya ang manggas ng kasuotan at pinunasan ang mga lugar
kung saan gumulong ang bungo kanina.
"Isang beses pa na maglabas ka ng maruming bagay ay paparusahan na kita." Pinagsabihan ng
batang babae ang Hell Rodent na may nanunuyang paghihigpit matapos nitong punasan ang
mga lugar.
Masunuring tumango ang Hell Rodent at nag-aksaya ng ilang oras bago muling nagluwa ng
mga kayamanan. Nang mapuno ang buong bulwagan ay saka pa lamang isinara ng Hell Rodent
ang bibig nito.
Isang beses pang sinipat ng batang babae ang buong lugar at nang makita na wala ng kakaiba
ay pumihit na ito upang maglakad sa pintuan na nasa loob. Buhat ang Hell Rodent ay itinulak
niya ang pintuan upang bumukas at ang isang paa nito'y nakatapak na sa labas nang tila may
maalala ito, muli siyang sumilip at nagsalita sa bulwagan na puno ng kayamanan.
"Hindi ka ba lalabas diyan? Isasara ko na ang pintuan at kung hindi ka pa rin lalabas diyan ay
makukulong ka dito. Hindi mo magagawang buksan ang pintuang ito."
Ang boses na iyon ay umalingawngaw sa malaking bulwagan at sinapul diretso ang puso ni Jun
Wu Xie.
Ang mga salitang iyon ay tila para sa kaniya.
[Posible kayang napansin nito ang presensiya niya?!]
"Huwag ka mag-alala, hindi kita sasaktan. Kung ayos lamang sa iyo, maari kang maglakad na
kasama ko. Kung makukulong ka dito, siguradong hindi ka makakalabas." matiyagang saad ng
atang babae.
Saglit na natilihan si Jun Wu Xie. Malinaw na alam na ng batang babae na nndoon siya ayon sa
tono ng boses nnito ngunit wala siyang naramdaman na panganib.
Matapos ang ilang sandali, dahan-dahang lumabas si Jun Wu Xie sa ilalim ng jade na trono sa
anyo ng pusang itim.
Sa sandaling nakita ng batang babae si Jun Wu Xie ay nagliwanag ang mukha nito dahil sa
magandang ngiti.
"Isa palang pusa. Ang iyong spirit ay medyo magulo at hindi ko nagawang maramdaman ang
iyong kalooban. Huwag kang mag-alala, alam kong isa kang spirit body at hindi kita sasaktan.
Halika at sumunod ka sa akin."
Saglit na nag-alinlangan si Jun Wu Xie bago siya dahan-dahang naglakad palapit dito. Ang mata
ng munting Hell Rodent na nasa balikat ng batang babae ay biglang nanlaki nang makita si Jun
Wu Xie, medyo nagtataka at naguguluhan ang tingin nito.
[Nakita nito ang itim na pusa kanina, ngunit… tila may kakaiba. Ang spirit nito ay parang iba
kaysa kanina.]
Itinaas ni Jun Wu Xie ang mata nito upang masdan ang batang babae na nakangiti habang
inihakbang nito ang paa upang maglakad palapit dito.
Nilagpasan niya ang pintuang bato at ang batang babae ay isinara iyon na may ngiti sa mukha.