Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1352 - Isang Araw na Paglalakbay sa Libingan (6)

Chapter 1352 - Isang Araw na Paglalakbay sa Libingan (6)

Matapos pumasok sa pintuang bato, ay may bumungad na malapad na pasilyo. Kumpara sa

pasilyo na puro haligi na dinaanan niya kanina, ang isang ito sa kaniyang harapan ay mas

maliwanag at higit na mas malinis at mula sa pader hanggang sa sahig, iyon ay gawa sa puting

laryo. Hindi maliwanag na matukoy ni Jun Wu Xie kung saan gawa ang mga laryo ngunit

nagawa niyang matukoy ang pagkakaiba na ito'y hindi karaniwan na makikita sa Lower Realm.

Ang batang babae ay tila walang maramdamang poot sa pusang itim na biglang nagpakita at

ngayo'y naglalakad sa tabi niya habang buhat niya sa kamay ang timba ng tubig.

"Nahiwalay ka ba sa iyon Master? Alam niyo bang hindi dapat kayo nagpupunta sa lugar na

ito? Anu't ano man, nakikita ko na ang iyong spirit ay hindi matatag, lubha ka bang napinsala

noon?" Nag-aalalang tanong ng batang babae sa pusang itim.

Huminto sa paglalakad si Jun Wu Xie at maingat na tumingin sa batang babae.

Ang pusang itim ay isang spirit body at malinaw na ang tingin sa kaniya ng batang babae ay

isang ring spirit.

Ngunit…

[Paano nito nagawa na madiskubre siya?]

Tila naintindihan ng batang babae ang di-ipinahahayag na tanong ni Jun Wu Xie at naupo ito at

nakangiting minasdan si Jun Wu Xie.

"Nagtataka ka ba kung paano ko nagawa na madiskubre ka?"

Tumango si Jun Wu Xie.

Bahagyang tumawa ang batang babae at itinuro ang ilong nito: "Dahil nagmula ako sa angkan

ng Spirit Soul. Ang mga mamamayan ng angkan ng Spirit Soul ay sensitibo sa mga spirit bodies

at nagagawa ko rin maramdaman na ang iyong spirit ay medyo magulo ngayon. Nakita ko na

hindi ka nagtataglay ng malakas na kapangyarihan kaya pinahintulutan kita na sumunod sa

akin. Katulad ka rin ni Little Squeak, pareho kayong hindi masama. Kung sakaling isa kang

masama na may agresibong lakas, ay hindi ako magiging mabait sa iyo alam mo ba iyon?"

Mabagal na nagsalita ang batang babae at ang nais nitong sabhin ay medyo magulo.

Halos naramdaman ni Jun Wu Xie na ang batang babae ay maaring nalayo ng matagal na

panahon na sa mundo at ang kakayahan nito na ihayag ang sarili ay halos pareho sa estado ni

Jun Wu Xie noong simula kung saan hindi gaanong maayos ang pagsasalita. Ngunit ang

kaibahan nilang dalawa ay ang batang babae ay hindi matigas o hindi nais magsalita, at sa

halip ay mahilig itong makipagkuwentuhan.

Kahit na tungkol lamang sa kung paano nito nalaman ang tungkol sa spirit bodies ay

napakarami na nitong sinabi.

Iyon ang isang bagay na tatanggapin ni Jun Wu Xie na hindi nila pagkakapareho…

Ngunit ang mga salita ng batang babae ay nakuha ang atensyon ni Jun Wu Xie.

Angkan ng Spirit Soul…

Nabanggit ni Poppy kanina na ang Hell Rodent ay maaring itinugma sa isang tao na mula sa

angkan ng Spirit Soul at kung mamasdan ang ugnayan sa pagitan ng batang abbae at Hell

Rodent, ay hindi mahirap tiyakin ang pagkakakilanlan nito.

Ang mga tao mula sa angkan ng Spirit Soul ay ipinanganak na may likas na kagustuhan sa mga

spirit bodies at dahil si Jun Wu Xie at ang pusang itim ay nagpalitan ng kanilang mga spirit, ang

estado ng kanilang spirit ay di-sinasadyang maging magulo, na naging dahilan upang isipin ng

batang babae na si Jun Wu Xie ay isang sugatan na ring spirit na walang taglay na kakayahan

sa pag-atake.

At iyon ang naging dahilan upang ibaba ng batang babae ang kaniyang depensa.

Imbis na sabihin na ang batang babae ay pabaya, mas masasabi na ito'y may malaking tiwala.

Hindi iisipin ni Jun Wu Xie na ang batang babae na nagawang itulak ang isang pintuang bato ay

isang mahinang nilalang. Higit doon, ang mapili na manatili sa libingan ng Dark Emperor,

maaring siya ay piniling mabuti ng mga tao mula sa Dark Regions. Bukod sa mga puntong iyon,

kung ang batang babae ay nandito na simula ng itayo ang libingan ng Dark Emperor, kung

gayon… ito'y humigit kumulang isang libong taon na ang edad!

"Ngunit natatakot ako na ang iyong Master ay hindi na magtatagal ang buhay. Ngunit iyon ay

ayos lang! Kahit na mamatay na ang iyong Master, maari kang magbalik sa Spirit World at

maghintay ng bagong Master." Inosenteng saad ng batang babae, winika ang buhay at

kamatayan na parang iyon ay isang mababw na bagay lamang.

Tumayo ang batang babae at nagbukas ng isa na namang pintuang bato na nasa pasilyo

habang buhat sa kamay ang timba ng tubig. Ang eksena na tumambad sa kaniyang mata sa

likod ng pintuang bato na iyon ay pareho sa nakit ni Jun Wu Xie sa bulwagan kanina, ang

buong sahig ay puno ng hindi mabilang na kayamanan.

Related Books

Popular novel hashtag