Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1349 - Isang Araw na Paglalakbay sa Libingan (3)

Chapter 1349 - Isang Araw na Paglalakbay sa Libingan (3)

"Tumatakbo ka na naman sa buong lugar. Kapag dumating ang araw na makulong ka,

mahihirapan ka dahil doon." Saad ng munting bata habang sumalampak sa sahig, inunat ang

kamay upang buhatin ang Hell Rodent na tumatakbo patungo sa kaniya habang isang

malambing na ngiti ang bumadha sa kalahati ng mukha nito na walang takip.

Tumayo ang Hell Rodent sa likod na paa nito, ang itim na mata nito ay nakatingin sa Mistress

niya, mukhang kaakit-akit at masunurin.

Bahagyang tumawa ang munting bata at inilagay ang Hell Rodent sa kaniyang balikat bago ito

pumihit upang magtungo sa pintuang bato kung saan ito nanggaling.

Ninais ni Jun Wu Xie na lumabas mula sa ilalim ng trono nang makita niya na muling bumalik

ang bata ngunit ngayon ay may bitbit itong timba na puno ng tubig.

Walang magawa si Jun Wu Xie kundi ang muling magtago sa ilalim ng trono.

Ang katotohanan na sa loob ng libingan ng Dark Emperor ay mayroong isang munting bata

tulad nito ay talagang nakakapagtaka at wqalang salita na akma para doon. Kung mamasdan

ang batang babae, masasabi na ito'y nasa labindalawang taong gulang ngunit malaya itong

nakakagalaw sa loob ng libingan. At ang pintuang bato na hindi halos gumalaw kahit

pagsamahain pa ang lakas ni Jun WU Xie at ng kaniyang dalawang ring spirit ay parang isang

karaniwang kahoy na pintuan lamang sa batang babae, binubuksan iyon sa pamamagitan ng

kaunting pagtulak lamang niya!

Kahit na mukhang hindi mananakit ang hitsura ng batang babae, alam ni Jun Wu Xie na hindi

dapat niya tingnan ito na parang isang karaniwang batang babae.

Binuhat ng batang babae ang kahoy na timba sa gitna ng bulwagan at nililis ang manggas ng

kaniyang kasuotan. Kinuha ang basang tela mula sa timba, lumuhod ito at sinimulang kuskusin

ang bawat baldosa sa sahig.

"..." Nanatiling walang imik si Jun Wu Xie habang nakatgo sa ilalim ng puting jade na trono at

nanoon, nang makita ang munting bata na maingat na kinukuskos ng telang iyon ang bawat

sulok hanggang ito'y maging malinis, ay talagang nagpatahimik sa kaniya.

Ang libingan ng Dark Emperor ay mukhang itinayo ng matagal na panahon na ngunit kung

titingnan ang kilos ng munting bata, tila sanay na ito sa kaniyang ginagawa.

Hindi lubos maisip ni Jun Wu Xie na sa libingan na ilang libong taon na ay mayroong tao na

maglilinis sa buong lugar. Sa nakikita niya ngayon, ang munting bata ay hindi itinuturing ang

lugar na ito na isang libingan, mas tamang sabihin na palasyo na dati'y tirahan.

Sa totoo lang, sa sandaling makarating siya sa loob ng libingan ng Dark Emperor, ay napansin

na niya ang lugar. Imbis na tawagin itong libingan, mas angkop na tawagin itong isang

malaking palasyo. Maaring sabihin na sa puso ng mga tao mula sa Dark Regions, ang Dark

Emperor ay hindi pumanaw at nabubuhay sa kanilang mga puso. Ang itayo ang libingan na ito

at ibaon ang bawat isang piraso ng kayamanan nito doon ay upang pahintulutan ang Dark

Emperor na magpatuloy sa pagpapakasasa sa lahat ng mayroon siya noonmg nabubuhay pa

ito.

Puspusan ang batang babae sa pagkuskos ng sahig na para bang wala itong nararamdaman na

kapaguran maski kaunti. Ang malapad at malawak na bulwagan ay maingat at matiyagang

kinuskos nito habang humuhuni ng isang tugtugin, hindi nagpakita kahit bahagyang pagtanggi

habang patuloy ito sa kaniyang gawain.

Paminsan-minsan ay bumubulong ito sa Hell Rodent na nasa kaniyang balikat.

"Little Squeak, hindi ka na dapat tumatakbo sa iyong sarili lamang. Kung sakaling makita mong

muli ang masasamang tao na iyon, ano ang gagawin nila sa iyo sakaling mahuli ka nila?"

Maaring napagod na ang batang babae kaya pansamantala itong tumigil upang hawakan ang

mapintog na Hell Rodent habang nakaupo sa malinis na sahig.

Tila naramdaman ng Hell Rodent ang pagpapaalala sa boses ng kaniyang Mistress kaya't ito'y

galit at palalo na umingit habang inugoy nito ang matambok na likuran at nagpaikot-ikot sa

palad ng batang babae, at pumukaw iyon ng tawa mula sa munting bata.

"Magmaktol ka hangga't iyon gusto, pero hindi ka na pinapayagan na magtatakbo ng walang

ingat. Sapagkat kung hindi, at malaman ng Dark Emperor ang tungkol doon sa hinaharap,

siguradong malalagot ka." Saad ng batang babae habang tinutusok ang malambot na tiyan ng

Hell Rodent.

Si Jun Wu Xie na nanatiling nakatago ay biglang naramdaman ang pagsikdo ng kaniyang puso.

[Kung sakaling malaman ng Dark Emperor ang tungkol doon sa hinaharap?]

[Ano ang ibig sabihin niyon?!]

[Maari kayang buhay pa ang Dark Emperor?]

Ang nakakpagtakang isipin na iyon ay biglang nabuo sa utak ni Jun Wu Xie. Hindi alam ng

batang babae na naroon siya sa loob ng bulwagan at ang mga salita nito'y sinasabi niya sa

munting Hell Rodent, kaya, hindi maaring walang katotohan sa mga salitang sinasabi nito!