Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1334 - Ang Naglahong Libingan (4)

Chapter 1334 - Ang Naglahong Libingan (4)

Ang mga magulang ni Fan Zhuo at ng iba pa ay maaring sinuwerte, nagawang makapasok sa

libingan ng Dark Emperor at ang suwerteng iyon ay nagkataon na nangyari sa parehong araw

kaya naman ang mga taong malapit sa libingan ng Dark Emperor noong araw na iyon ay

nagawang makita ang kinaroroonan ng tunay na puntirya.

Matapos makapasok na loob ng libingan ng Dark Emperor, ay saka nila nadiskubre ang bawat

isa. Upang malimitahan ang bawat isa mula sa iba't ibang palaces, ay naisip nila gumawa ng

mapa. Bagaman iyon ang kanilang sinabi, alam ng lahat na ang mapa ay paimbabaw na

solusyon lamang sa kanilang sitwasyon sapagkat hangga't naaalala nila ang lahat nang

nangyari doon, ang mapa ay walang silbi.

Ngunit pagkatapos noon, ay walang nakakaalam kung ano ang kanilang naranasan. Nang

lisanin nila ang libingan ng Dark Emperor, bigla ay nakalimutan nila ang lahat…

Dahil sa palagay niyang iyon ay naalala niya ang sinabi ni Wen Yu sa kaniya noon. Malala ang

naging pinsala ni Wen Yu at inisip niya na hindi na siya mabubuhay pa nang matagal. Ngunit

nang siya ay mawalan ng malay sa loob ng libingan ng Dark Emperor, ay mayroong naglabas sa

kaniya sa Heaven's End Cliff.

Bukod doon, wala na siyang kahit anong maalala, kung saan ang lahat ng alaala niya sa loob ng

libingan ng Dark Emperor ay naging blanko.

Tungkol sa puntong iyon, ang naisip ni Jun Wu Xie sa simula, dahil sa si Wen Yu ay lubhang

napinsala kaya nakalimutan nito ang lahat tungkol doon. Ngunit ngayon na naisip niya ang

tungkol doon, pinagtatakhan kung hindi niya maalala, o kaya naman… ang alaala nito ay

tahimik na nabura?

Minasdan ni Jun Wu Xie ang walang hanggan na dagat-dagatang bulaklak at isang pagsupil ang

bumadha sa kaniyang mga mata.

Hindi maaring magkamali ang mapa, at ang libingan ng Dark Emperor ay naroon lamang.

Ngunit hindi nila ito makita, o mahawakan, tila naglaho ito doon.

Sa loob ng ilang taon, gaano karami na bang piling mandirigma ang pinadala ng Twelve Palaces

upang pumasok sa Heaven's End Cliff? Kahit hindi alam ni Jun Wu Xie ang bilang ng mga iyon,

alam niya na ang mga taong iyon ay higit na mas malakas kaysa sa kanila.

Nagawa ng mga iyon na makarating doon tulad nila, ngunit nang makita itong walang hanggan

na dagat-dagatang bulaklak ay inalis lahat ng pag-asa sa kanila.

Hindi ba nila ito natunton, o natunton nila ito ngunit hindi nila alam iyon?

Kung hindi dahil sa mapa na nasa kamay niya, ay hindi masisisguro ni Jun Wu Xie na nakatayo

na sila sa harapan mismo ng libingan ng Dark Emperor.

Nasaan ang libingan ng Dark Emperor?

Biglang tumayo si Jun Wu Xie at naglakad pa sa dagat-dagatang bulaklak.

Nang isang munting anyo ang biglang lumitaw sa kaniyang harapan.

Isang kuwintas na bulaklak na gawa sa mga bulaklak na lila ang lumitaw sa kaniyang harapan.

Ang mamula-mulang munting mukha ni Little Jue ay nakatingala at puno ng pag-asam habang

nakatingin kay Jun Wu Xie, ang nga kamay niya ay naka-unat upang ihandog ang kuwintas na

bulaklak kay Jun Wu Xie.

"Little Big Brother, regalo… regalo para… sa iyo…" Ang boses ni Little Jue ay nahihiya, at may

bakas ng kaba.

Nagulat si Jun Wu Xie at kaniyang itinaas ang mga kamay upang guluhin ang pulang buhok ni

Little Jue. Tila ang bata ay nagtungo doon upang mamasyal, hindi nagpakita ng kahit kaunting

pangamba o pagkasira ng loob. At iyon ay isang magandang bagay, mabuhay ng walang

inaalala ay mas mainam kaysa patuloy na mabuhay na mapanglaw at malungkot.

Naupo si Jun Wu Xie at tumingala kay Little Jue.

"Tulungan mo ako na ilagay iyan."

Napakurap si Little Jue at gamit ang munti at nanginginig na mga kamay ay dahan-dahan

niyang itinaas ang kuwintas na bulaklak na hindi ganoon kaganda ang kagagawa at inilagay

iyon sa ulo ni Jun Wu Xie.

"Maganda." Matapos ilagay iyon ni Little Jue kay Jun Wu Xie, nahihiya itong humakbang

paatras na ang munting mga kamay ay nasa kaniyang likuran, alumpihit ito at bahagyang

nahihiya.

Bahagyang napangiti si Jun Wu Xie habang ang sulyap niya ay lumagpas sa balikat ni Little Jue.

Sa sandaling lumagpas ang sulyap niya, ay bahagya siyang nanigas, isang gulantang na tingin

ang bumakas sa kaniyang mata. Dahan-dahan siyang tumayo at tinitigan ang walang hanggang

dagat-dagatang bulaklak na nakalatag sa kalupaan.

Related Books

Popular novel hashtag