Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 133 - Regalo ng Pasasalamat (2)

Chapter 133 - Regalo ng Pasasalamat (2)

Matapos ito, biglaang tumayo si Jun Wu Yao at yumuko, ang kanyang mukha, isang hininga lang ang layo sa mukha ni Jun Wu Xie.

"Halika, naaamoy mo diba?"

Biglaan ang kanyang mga kilos ngunit natural pag lumalapit sa kanya. Nabigla si Jun Wu Xie, habang bumababa sa kanya ang panlalaking amoy niya, walang amoy ng dugo at pawis na bumati sa kanya.

"Ikaw… lumabas ka muna." Tumalikod si Jun Wu Xie nang maramdaman na uminit ang kanyang mga pisngi, naramdaman niyang parang may mali sa mga nangyayari.

"Bakit? Nahugasan ko naman na ng maayos ang aking sarili, diba?" Nginitian siya ni Jun Wu Yao, walang makitang intensyon ng pag-alis sa kanyang boses.

Sumimangot si Jun Wu Xie.

"Wag ka nang mag-alala, nakabalik na ng ligtas at maayos so lolo diba? Hindi bagay sa'yo ang nakasimangot." Tinaas ni Jun Wu Yao ang kanyang kamay at kininis ang kanyang nakakunot na noo.

Ang maging malungkot buong araw ay hindi bagay sa kanyang babae.

Tinignan siya ni Jun Wu Xie, habang nagpapahinga ang kanyang tingin sa kanyang maliwanag na mga labi, nanigas siyang saglit bago makapagsabi ng mahinang "salamat".

Hindi umalis ang kamay ni Jun Wu Yao sa mukha niya at maingat na hinawakan ang kanyang mga pisngi, mainit-init ang kanyang tingin sa kanya habang nakangiting may pang-aasar.

"Salamat sa akin?"

"Sa pagligtas kay lolo." Nahihiyang sinabi ni Jun Wu Xie, kundi dahil sa pagdating ni Jun Wu Yao, nawalan siya ng taong mahalaga sa kanya.

Bagaman malamig at walang pakialam si Jun Wu Xie, alam parin niya ang simpleng kagandahang-loob, dahil nga, linigtas niya ang isang importante niyang kapamilya.

Dahan-dahang pinunasan ni Jun Wu Yao ang mga butil ng tubig mula sa kanyang mapulang mga labi.

"Hindi mo na kailangang magpasalamat sa akin, sinabi ko na dati, nandito ako dahil sa pasasalamata, diba?" Nakatingin si Jun Wu Yao wa kanya ng may ngiti ulit na may lihim. Madali lang para sa kanya ang iligtas si Jun Xian. Wala siyang pakialam kung mabuhay o mamatay si Jun Xian ngunit importante kay Jun Wu Xie na mabuhay siya, at nais lang ni Jun Wu Yao ay maging masaya siya.

Basta masaya siya, gagawin niya ang lahat.

Nakatingin sa kanya si Jun Wu Xie nang may onting kawalan ng paniniwala. Gamit na palusot ang pasasalamat? Matagal na niyang tinapon ang palusot na iyon.

"Wu Xie."

"Hmm?" Naramdaman ni Jun Wu Xie na may mali, ngunit linigtas niya si Jun Xian kaya nagpasya siyang mas maging mapagparaya sa kanya.

"Kung gusto mo talagang magpasalamat sa akin, pwede ba akong humingi ng ibang kapalit?" Nagbabaga ang mga mata ni Jun Wu Yao na nakatingin sa kanyang mga labi.

"Basta mayroon ako." Sabi ni Jun Wu Xie na kalmado, kung paggawa ito ng gamot, basta humingi siya, at kaya niya, gagawin niya ito para sa kanya.

Hindi napigilan ni Jun Wu Yao na matawa nang makita ang kanyang seryosong pagsagot. Sino ang mag-aakalang siya ang babaeng nagsimula ng patayan ilang oras palang ang lumilipas? Pag tinignan siya ngayon, para siyang puting papel.

"Syempre, meron ka."

"Ano yun?" Nagbago ang ekspresyon ni Jun Wu Xie at tumingin sa kanya ng maalab.

"Sinabi mo basta meron ka, pangako mong ibigay sa akin, diba?" Hindi nagmamadali si Jun Wu Yao na sagutin ang kanyang mga tanong.

"Oo."

"Bale, desisyon mo ito." Sinabi niya at may nabuong ngiti sa kanyang mukha.

Biglaang naramdaman ni Jun Wu Xie na may mali ngunit bago pa siya makapag-isip ng maayos, lumapit na si Jun Wu Yao!

Minulat nu Jun Wu Xie ang kanyang mga mata, may naramdaman siyang mainit-init at malambot na nakadikit sa kanyang mga labi!

Related Books

Popular novel hashtag