Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 134 - Regalo ng Pasasalamat (3)

Chapter 134 - Regalo ng Pasasalamat (3)

"!!!!!!"

Kumalat ang init sa kanyang bibig, at may naramdaman siyang pangingilig sa kanyang mga labi.

Gusto niyang umatras, ngunit dahil siya'y nakulong sa banyera, wala siyang maatrasan.

Bago pa siya makalaban pa, hinawakan ni Jun Wu Yao ang kanyang batok, at hinila siya papalapit sa kanya.

"Nangako ka, hindi ka pwedeng umatras. At… huminga ka sa ilong mo." Dahil natikman na niya, hindi na mapigilan ni Jun Wu Yao ang kanyang sarili. Nalulunod siya sa mga matang nakatingin sa kanya. Huminga siyang malalim habang binubulong ang paalala, at bago pa makasagot, ay lumapit nanaman para sa isa pang halik.

Nablangko ang isip ni Jun Wu Xie, nakiliti ng hininga ni Jun Wu Yao ang kanyang pisngi, nawala lahat ng lakas niya, at hindi siya nakalaban.

Dahan-dahang sinulit ni Jun Wu Yao ang nangyayari. Sa kanyang pagnanasa sa tamis ng sandali, binuhat niya si Jun Wu Xie, at yinakap.

Ang maliit na itim na pusa, na nakaupo sa labas, ay nakita si Jun Wu Xie na buhat at yakap ng walang hiyang Jun Wu Yao, at muntik nang bumagsaka ang baba nito sa gulat.

Alam niyang walang alam ang panginoon niya tungkol sa relasyon ng lalaki at babae, at inaabuso ito ng walang hiyang ito!!

[Panginoon! Kailangan mong lumaban!]

[Itulak mo siya!]

[Anong klaseng pasasalamat ang hinihingi nitong hayop na ito!? ]

[Kabastusan!]

[Patayin mo siya!]

[Saksakin mo siya ng iyong karayom!]

[Gawin mo siyang daga!]

[Mamatay ka, bastos!!!!!]

Walang silbi. Hindi makapag-isip ng maayos si Jun Wu Xie at hindi niya matanggap ang mga isipan ng maliit na itim na pusa.

Naiiyak nalang ang pusa sa pagkawala ng unang halik ng kanyang panginoon sa kanyang dalawang buhay, ang pagnakaw ng walang-hiyang bastos na ito!

Masisiraan na ang itim na pusa!

Ang nagpalungkot pa…..

Hindi siya ang kalaban ng bastos!

Ang magagawa nalang niya ay manood, umiyak, at magluksa sa pagkawala ng kamusmusan ng kanyang panginoon!

Matapos ang mahabang saglit, Bumitaw na ang mga labi ni Jun Wu Yao mula sa mga labi ni Jun Wu Xie.

Hindi pa gumagaling si Jun Wu Xie at nanigas pa ang kanyang mga mata.

Ngumiti si Jun Wu Yao at binalutan ng balabal si Jun Wu Xie, at binuhat siya palabas sa banyera.

"Sayang, nagpipigil lang akong kainin ka….." Dinala niya si Jun Wu Xie sa kanyang kama, tinitignan ang kanyang mga pisngi, na namumula, at ang medyo nakasarado niyang mga mata.

Maaga pa. Kahit na masarap, ay hindi pa oras para pitasin at lasapin.

Para sa isang kritiko, hihintayin niyang mamulaklak, bago pitasin.

At si Jun Wu Xie ay isa palang usbong na hindi pa namumulaklak. Hindi pa tama ang oras.

Sandali. Kailangan pang maghintay.

"Lumaki ka na." Dahan-dahang sinabi ni Jun Wu Yao.

"Ikaw!" Nagising bigla si Jun Wu Xie, tinaas niya ang kanyang kamay at ang balabal na nakabalot sa kanya ay nalaglag mula sa kanyang balikat.

Sa sandaling iyon, tumahimik ang kwarto.

Sinulyapan siya ni Jun Wu Yao, nakataas ang kilay, at mas natuwa.

"Labas!" Binalot ni Jun Wu Xie ang kanyang balabal sa kanyang sarili, nakatitig sa kanya na tila papatayin siya.

Dalhin mo sa'kin ang mga karayom ko!

"Sige, natanggapko na ang aking pasasalamat, at sa totoo lang….. ito ang pinakamagandang regalong natanggap ko." Tumawa si Jun Wu Yao, kita ang saya sa kanyang mga mata. Mahaba pa ang paglalakbay natin, may oras pa tayo. Hindi ba?

Ang una niyang tikim sa bulaklak ay nag-iwan ng matagal na samyo sa kanyang bibig.