Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1326 - All Consuming Sands (2)

Chapter 1326 - All Consuming Sands (2)

Sa dulo ng bone Corroding Tree para bang mayroong gumuhit ng boundary sa pagitan ng dalawang lugar na may magkasalungat na panahon.

Naglaho na ang hamog na bumabalot sa katawan ng bawat isa habang ang hangin ay para silang sinasabuyan ng buhangin.

Gulat na gulat si Jun Wu Xie dahil doon.

Mula sa nauna niyang buhay hanggang sa araw na ito, marami na siyang naengkwentrong kakaibang bagay. Ngunit ang ganitong pangyayari ay ngayon lang niya nasaksihan.

Sa napakaiksing pagitan ngg dalawang lugar, magkasalungat na magkasalungat ang klima.

Isang atras ay napakalamig at isang hakbang paharap naman ay napakainit!

Napakaimposible noon para mangyari, ngunit heto, nakatambad sa kanilang harapan ang katotohanang iyon.

"Hindi tao ang mga taga-Dark Regions. Paano nila nagawa nito?" Tanong ni Fei Yan. Hindi na nagkaroon ng sapat na oras mara makapag-adjust ang kanilang katawan.

Parang pinatigas sa nagyeyelong lugar ang katawan ng isang tao at bigla na lang itatapon sa pugon at doon, ito ay sasabog.

Sobra ba talagang makapangyarihan ng mga taga-Dark Region at nagawa nilang magkaroon ng kontrol sa panahon?!

"Iyan ay boundary barrier." Sagot ni Jun Wu Yao. Isang kakaibang sensasyon ang naramdaman nito sa kaniyang palad. Nararamdaman pa ng kaniyang kamay ang lamig ngunit nababalot iyon sa init.

Umangat ang isang kilay ni Jun Wu Yao.

"Boundary barrier?" Tanong ni Jun Wu Xie na ngayon ay nakatitig na kay Jun Wu Yao.

"Bagay na magbibigay ng dibisyon sa dalawang lugar. Hindi iyon komplikado, pero para sa ganito kalapad na lugar, sigurado akong pinaghirapan talaga ito." May bahid ng papuri ang boses ni Jun Wu Yao nang kaniya iyong sabihin.

Ikinatuwa naman nila Ye Sha at Ye Mei ang narinig.

"Big Brother Wu Yao, ito ba ang tamang oras para purihin sila?" Tanong ni Qiao Chu, para na siyang iiyak sa mga sandaling iyon. Halos mamatay na siya kanina sa sobrang panlalamig. Hinihiling niyang sana naman ay uminit ng kaunti, ngunit ang kaniyang nasa harapan ay sobrang init naman. 

Wala iyong pinagkaiba sa pugon!

"Ang agarang pagbabago sa panahon tulad ng mula sa matinding lamig pagkatapos ay biglang mapupunta sa napakainit na lugar ay hindi maganda sa katawan. Maaari iyong ikamatay ng isang tao. Masasabing sinadya nga ng mga taga-Dark Region na gawing ganito ang lugar na ito para protektahang maigi ang puntod ng Dark Emperor. Maging ang hangin at klima ay kanilang minanipula.

 Kahit na hindi pa nakakaharap ni Jun Wu Xie ang mga taga-Dark Region, mayroon na siyang ideya kung anong klase sila.

Isang lugar na nagpapakita ng walang hanggang katapatan sa isang tao. Ang nakakasurpresa pa ay kahit na matagal nang namayapa ang kanilang Dark Emperor, wala ni isa sa mga ito ang nakaisip na palitan ang kanilang Emperor. Sa halip ay nagpursigi ang mga itong protektahan ang karangalan ng Dark Emperor sa pamamagitan ng pagsuko ng kanilang posisyon sa Middle realm at nagmatigas na huwag pumili ng bagong lider.

At dahil doon, labis na humahanga si Jun Wu Xie sa mga ito.

Kailanman ay hindi pa siya nakakarinig ng may ganoong katibay na katapatan.

Kahit na ang dami niyang brutal na nalaman tungkol sa Dark region, ngunit ang dulo ng kanilang mga sandata ay nakatutok lamang sa kanilang mga kaaway at hindi kailanman itututok sa mga inosente. Bihira ka lamang makakita ng mayroong ganoong pagkatao.