Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1327 - All Consuming Sands (3)

Chapter 1327 - All Consuming Sands (3)

Malakas at makapangyarihan, subalit hindi kailanman ginamit iyon laban sa mga mahihina. Iyon ang ipinagkaiba nila sa mga taga-Twelve Palaces.

"Magpalit kayo ng damit." Maya-maya ay utos ni Jun Wu Xie. Kung papasok sila sa disyerto sa kanilang kasalukuyang suot, malamang wala pang dalawang oras ay tuyong-tuyo na sila.

Gayong ang kanilang spirit power ay matutulungan sila sa pag-adjust ng temperatura ng kanilang katawan, pero magagamit lang nila iyon sa malamig na klima. 

Kaya naman, wala silang nagawa kundi magpalit ng kanilang suot na damit para maghanda sa susunod na pagsubok na kanilang susuungin.

Mabuti na lang at masusi ang kanilang ginawang paghahanda bago sila sumabak papuntang Heaven's End Cliff. Ngayon ay kailangan lang nilang bawasan ang makakapal nilang suot.

Ang kanilang mga damit ay nakalagay lahat sa Cosmos Sack ni Jun Wu Xie sakali mang kailanganin nilang magpalit.

Kahit hindi sabihin ng bawat isa sa kanila, ang simpleng paghinga lang ay masakit na dahil nasisinghot nila ang pinong buhangin.

Pinunit nila ang kanilang mga damit at itinali sa kanilang mga mukha para takpan ang kanilang bibig at ilong. Nang sa gayon ay hindi nila masinghot ang mga pinong buhangin.

Masyadong malambot ang buhanging iyon na tipong sa isang tapak lang ay lumulubog sila sa kanilang kinatatayuan. 

"Isa itong kumunoy." Saad ni Jun Wu Xie. Ginamit nito ang kaniyang spirit powers sa kaniyang mga paa para bawasan ang kaniyang bigat.

Hindi ordinaryong disyerto ang kanilang kinaroroonan, bagkus ay isa iyong malaking rehiyon ng kumunoy. Kaunting pagkakamali lang ay maaari nila itong ikalubog ng tuluyan.

Wala na ang hamog kaya naman malinaw na nilang nakikita kung gaano kalapad ang lugar na sinasakop ng disyertong iyon.

Hindi na nila kailangang gamitin ang Spirit Fire Globe para makita ang kanilang daraanan. Ngunit sa daanang ito, hindi nila alam kung saan sila tatapak.

Sa oras na tumapak sila sa buhangin ay hihigupin nito ang kanilang paa. Iba iyon sa mga basang putik na nadaanan nila. Doon ay mayroon silang sapat na espasyo para maapakan, ngunit sa lugar na ito ay wala. Dito ay mahirap na silang iligtas kung sakali mang magkamali sila.

Halos sumuka na ng dugo ang grupo dahil sa panibagong pagsubok. Naiintindihan na nila kung bakit napakarami nang tao ang ginamit ng Twelve Palaces para papuntahin dito.

Halos walang katapusang panganib at pagsubok. Iba-iba bawat rehiyon. Kung wala sila sa sitwasyong ito, marahil bigyan pa nila ng parangal ang mga taga-Dark Region dahil sa galing ng mga ito. Ngunit ngayon wala silang magawa kundi ang mapailing na lang.

"Kakaiba talaga ang Dark Region." Bulalas ni Qiao Chu habang tinatampal-tampal ang kaniyang batok. Yuyukod talaga siya sa mga taga Dark Region. Paano nila nagawa ito?

Hindi naman nagmadali si Jun Wu Xie sa pag-iisip sa kung anong susunod nilang gagawin. Hindi na bago sa kaniya ang mga kumunoy, naengkwentro niya na ito sa kaniyang naunang buhay.

Halos nakaharap na ng organisasyon ang iba't ibang sitwasyon, ilan doon ay nangyari sa disyerto. Mayroon siya noong ginamot na assasin mula sa organisasyon at ang target nito ay ang disyerto. Pinagmasdan at sinundan nito ang kaniyang target sa loob ng halos tatlong buwan bago nagkaroon ng pagkakataon na umatake. Hindi lang nakatakas ang target, muntikan itong nilamon ng kumunoy. Mabuti na lang at ang kaniyang mga kasamahan ay hindi pa gaanong nakakalayo at nagawa siyang tulungan ng mga ito.

Ang lalaking iyon ay nabaril at dinala kay Jun Wu Xie. Mayroon na itong butas sa balikat ngunit nagawa pa rin nitong magkwento ng magkwento tungkol sa karanasan niya sa disyerto.