Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1324 - Bone Corroding Forest (10)

Chapter 1324 - Bone Corroding Forest (10)

Sa madilim na Bone Corroding Forest, kumaluskos ang mga dahon dahil malakas na hanging umihip. Bukod sa dilim ay mas lalo pa silang pinahirapang maglakad dahil sa maputik na daan. Kailangan nilang manatiling nakayuko para maiwasang masugat ng mga dahon at baging.

Kahit na hindi nila ikamamatay sa ngayon ang pagkasugat, pambihirang sakit ang sasapitin nila sa oras na sila ay madaplisan ng matatalim na yelo.

Sa mga oras na iyon, ang mga matatangkad ay labis na nahirapan. Tanging si Jun Wu Xie at Little Jue lang ang maliit at halos hindi nila kailangang yumuko. 

Ang limang mga kabataan ay hindi nagkakalayo ang taas at madalas silang mapansin dahil dito. Subalit dito sa Bone Corroding Forest ang katangian nilang iyon ay labis na nagpapahirap ng kanilang sitwasyon.

Noong sila ay nagsimulang pumasok sa gubat, hindi pa sila nakakatayo ng tuwid!

Kung ganoon lang sana ang sistema, hindi sasama ang kanilang loob, ngunit…

Kasalukuyan nilang nasasaksihan ang mga taong mas matangkad pa sa kanila pero kalmadong naglalakad sa Bone Corroding Forest!

Tulad na lang ng spirit body na si Poppy…

Pati na sina Ye Sha at Ye Mei…

At higit sa lahat, si Jun Wu Yao…

Si Poppy ay isang ring spirit na may kakayahang magkalat ng lason. Ngayon ay para na lang normal na tubig ang dagta ng Bone Corroding Tree dahil dito. Nasaksihan pa nila nang dumantay ang baging sa kamay ni Poppy, agad na nangitim ang baging at natuyo…

Patunay lang kung gaano ka-makamandag ang lason!

Sina Ye Sha at Ye Mei naman ay hindi nababahala sa dagta ng Bone Corroding Tree. O baka ayaw lang talaga nilang pagurin ang sarili nila sa paglalakad ng nakayuko.

At si Jun Wu Yao…

Minabuti nilang huwag nang tignan ito. Hindi siya tao, isa siyang diyos!

Sina Lord Meh Meh at Sacrificial Blood Rabbit ay karga nina Ye Sha at Ye Mei. sa buong paglalakad nila sa kagubatang iyon, komportableng nasa bisig nina Ye Sha at Ye Mei ang dalawang hayop. Paminsan-minsan ay inaabutan pa iyto ng Imperial Snow Lotus para ito ay kanilang kainin.

Ang dalawang hayop ay animo naririto hindi para danasin ang hirap, sa halip ay mag-enjoy na animo sila ay nasa isang bakasyon!

"Meh~" Gumalaw-galaw ang tenga ni Lord Meh Meh habang nakatitig sa Bone Corroding Tree.

"Puu?" Ang Sacrificial Blood Rabbit naman ay dinidilaan ang sariling balahibo habang nasa bisig ni Ye Mei.

Masayang nag-uusap ang dalawang mabalahibong nilalang at walang nakakaalam kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito.

"Little Black, ano ang pinagdadaldalan ng dalawang iyan?" Nakasunod si Qiao Chu sa likuran ni Jun Wu Xie. Halos mabali na ang kaniyang likod dahil sa kanina pa ito nakayuko. Narinig niya ang ingay nina Lord Meh Meh at Sacrificial Blood Rabbit at iyon na lang ang kaniyang pinagtuunan ng pansin para malibang.

Lumingon ang itim na pusa sa direksyon ni Qiao Chu na ngayon ay pulang-pula na ang mukha dahil sa matagal na pagkakayuko.

"Pinag-uusapan nila kung pwede bang kainin ang mga dahon ng Bone Corroding Tree at kung masarap ba ito."

"..." Natigilan si Qiao Chu at parang gusto nitong durugin ang dalawa sa mga oras na iyon!

Ngunit hindi niya ginawa dahil…

Alam niyang wala siyang laban sa dalawang nilalang na iyon!

Related Books

Popular novel hashtag