Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1325 - All Consuming Sands (1)

Chapter 1325 - All Consuming Sands (1)

Sa loob ng bone Corroding forest, ang mga yelong bumabalot sa mga dahon at baging ay napakaganda lang tignan. Subalit sa mga taong hindi nakakaalam ng tungkol sa katangian ng Bone Corroding Tree, hindi mo iyon makikita sa ganoong paraan.

Nagkalat din ang mga buto o kalansay ng tao sa bandang paanan ng puno, nabubulok na ang mga laman ng tao kasama ang mga damit. Maging ang mga buto ay kulang kulang na rin.

Sa bawat sulok ng Heaven's End Cliff, maraming nakapaloob na panganib. Bawat parte ay iba-iba ang pagsubok na dala.

Bawat lugar ay mukhang resulta ng masusing pagpaplano at preparasyon. At ang tanging hangarin ay ang hadlangan ang mga taong nagbabalak na hanapin at guluhin ang pamamahinga ng Dark Emperor.

Kung wala ang kumpletong mapa, paniguradong aabutin ang isang grupo ng ilang taon bago matunton ang puntod ng Dark Emperor.

At ang mga naiwang buto ng mga namatay ang patunay.

Ang Bone Corroding Forest ay isang malawak na lugar na puno ng tipak ng yelo. Sa paglalakbay nila Jun Wu Xie, labis ang kanilang pahirap para makatawid sa Bone Corroding Forest. Inabot sila ng limang araw sa loob ng kagubatang iyon. Paminsan-minsan ay nagpapahinga sila ngunit hindi nila magagawang umupo doon.

Nagkalat ang dagtang lason sa paligid. Kapag nagtagal sila doon ay paniguradong hindi maganda ang kanilang sasapitin. Kahit pa na kasama nila si Poppy ay hindi nila nagawang mangahas at magbaka-sakali.

Napakababang klima at pagod, ilan lang sa mga dinadaing nila ngayon. Ngunit ayon sa mapa, halos one third pa lang ang kanilang nalalakbay.

Hindi nila lubos akalain na ganoon kalawak ang Heaven's End Cliff.

Sa ikaanim na araw, nagkaroon na ng pagbabago sa klima. Unti-unting naiibsan ang ginaw. Ang bagay na iyon ay malaking tulong na para sa grupo.

At sa ika-pitong araw, natatanaw na nila ang dulo ng Bone Corroding Forest na labis naman nilang ikinatuwa.

Ngunit ang tanawin pagkatapos ng kagubatang iyon ay naging dahilan para unti-unting maglaho ang ngiti sa kanilang mga labi.

Sa mismong oras na nakalabas sila sa Bone Corroding Forest ang klima ay uminit ng sampung beses!

Nanggaling sila sa napaka-lamig na lugar at ngayon ay para silang nasa tabi ng araw.

Ibang-iba ito sa Bone Corroding Forest. Napakalawak na buhangin, tuyot at napupuwing sila sa mga buhanging inililipad sa kanilang mga mukha. Sa sobrang gaspang noon ay parang masusugat ang kanilang pisngi.

Sila Qiao Chu ay naliligo na sa sariling pawis at pwede nang pigain ang kanilang mga damit!

Isang napakalawak na disyerto ang tumambad sa kanilang paningin.

"Anong...klaseng...lugar ito…" Nakatitig si Qiao Chu sa malawak na buhangin sa kaniyang harapan. Ang kaninang namumutlang mukha nito dahil sa sobrang panggiginaw ngayon ay pulang-pula dahil sa sobrang init.

Para silang nasa loob ng oven sa mga oras na iyon. Nakakahilo ang alinsangang kanilang nararamdaman.

Hindi sila makapagsalita dahil sa sobrang gulat. Ang hindi maipaliwanag na phenomenon ay sadyang pambihira!