Sa loob ng nangangasul na icicles, ay makikita pa ang bakas ng dugo.
Ang bakas na iniwan ng mga manlalakbay ay isang talampakan bawat bahid ng pula na icicle
ay isang bunton ng puting mga buto ang makikitang nanigas sa yelo. Ang mga kakaibang
eksena na iyon ay tila pulang bulaklak na sumibol sa ilalim ng yelo, ang pulang icicles ay tila
kahawig ng istamen, isang hibla ng bulaklak.
Ang mga icicles ay makapal na nagsama-sama, ang puwang sa pagitan ng mga iyon ay ay isang
talampakan lamang ang layo. Ang icicles ay matutulis na tila sa talim at isang maling hakbang
ay pupunit sa balat.
Kumpara sa mga lugar na nadaanan ni Jun Wu Xie at mga kasama nito, ang lugar na iyon ay
malamig ang kagandahan, ngunit ang kagandahan nito ay nagbdala sa kanila ng pakiramdam
ng pagkabalisa.
"Mayroong hindi tama." Saad ni Jun Wu Xie sa naniningkit na mata.
"Anong mali? Sa nakikita ko, ang lugar na ito ay hindi mahirap lagpasan maliban lang sa
napakaraming icicles. Kailangan lamang natin ng ibayong pag-iingat sa paglalakad yun
lamang." Saad ni Qiao Chu habang kinakamot ang ulo.
Umiling si Jun Wu Xie habang tinititigan ang tumpok ng mga buto sa ilalim ng namumulang
yelo.
Sa ilalim halos ng mapulang icicle, ay may tumpok ng mga buto. Bukod sa ilang lugar na
walang buto, isang hanay muli ng mga buto ang makikita paglipas ng ilang hakbang mula
doon. Ang maiksing distansiya sa pagitan ng mga iyon ay nagbigay ng pakiramdam kay Jun Wu
Xie ng pakiramdam na mayroong hindi tama sa lugar.
Tulad ng sinabi ni Qiao Chu, ang mga icicles na iyon ay hindi malaking balakid at kahit na
magalusan sila, iyon ay mababaw na sugat lamang. Ang malaking bahagi ng icicles sa kanilang
harapan kung ikukumpara sa mga lugar na dinaanan nila bago iyon, ay mukhang mas madaling
daanan at tila hindi ito isang banta sa mga dadaan.
Hindi naniniwala si Jun Wu Xie na ang mga tao mula sa Dark Regions ay maglalagay ng isang
karagatan ng walang kuwentang icicles sa lugar na iyon sa ibaba ng Heaven's End Cliff.
"Mayrrong hindi tama sa mga icicles na ito." humakbang paharap si Jun Wu Xie at naglabas ng
isang pilak na karayom at itinusok iyon sa icicle malapit sa kaniya.
Ang pilak na karayom ay ibinaon sa yelo at ang bahagi ng karayom na nasa loob ay agad
nangitim!
Naningkit ang mata ni Jun Wu Xie at sinabi sa malamig na boses: "May lason ang mga yelo."
"La… Lason?" Nanlaki ang mata ni Qiao Chu. Napakahirap paniwalaan na sa loob ng
napakalinaw na yelo, ay may itinatago iyon na nakamamatay na lason.
Tumaas ang paningin ni Jun Wu Xie sa dagat ng icicles at sinabi sa nakakhindik na boses: "Ang
hamog sa paligid natin ay nagtataglay na ng maraming lason at dahil sa alinsangan na nasa
hamog, ay babalot iyon sa mga icicles na patuloy na mamumuo at maninigas. Ang lason sa
nasa ulap ay kakabit sa suson ng mga namuong yelo at sinuman na magalusan ng icicles na ito
ay malalason, at ang epekto nito ay mabilis."
Ang icicles ay mukhang hindi mapanganib at ang mga tao ay walang-ingat na ipagwawalang
bahala lamang ang mga iyon. Lalo na kung ang mga taong iyon ay dumanas na ng matinding
pagod at pagkabalisa sa mahabang panahon, marami ang ibaba ang kanilang depnsa. Para sa
mga taong iyon na nagawang makarating dito, karamihan ay maaring nakakaramdam ng
pagkabalisa ng mahaba-habang panahon at hapo na rin, kaya hindi nila gaanong binigyan
pansin ang nakatagong panganib sa mga icicles, at lakas-loob na nagpatuloy.
Ang dumaan sa mga icicles na magkakalapit sa isa't isa, sinumang dumaan ay madaling
masusugatan ng mga iyon. Dahil sa tulis at talim ng mga iyon, kahit na ang isang tao'y balot na
balot, ay madali nito mapupunit ang damit at sugatan ang balat.
Kailangan lang nito ng kaunting pagdaiti sa dugo ng isang tao, at ang lason na nagtatago sa
mga icicles na iyon ay kukunin na ang buhay ng isang tao.
Ang mga sinabi ni Jun Wu Xie ay nagawang mapasinghap sa takot si Qiao Chu. Tulad ng mga
taong iyon na nakahiga sa tumpok ng yelo, hindi niya akalain na ang kamatayan ay nagtatago
sa bagay na napakadetalyado.
"May ibang daan ba na maaari nating daanan? Sa matinding kapal ng mga icicles, mahirap
siguruhin na hindi tayo masusugatan nito." Saad ni Hua Yao habang ang mga kilay ay
magkasalubong. Ang Spirit Fire Globe na itinapon ni Jun Wu Xie ay gumulong na palayo, at
binalot ng umiikot na hamog, at ang liwanag sa kanilang paligid ay unti-unting naglalaho.