Nang tuluyang mawala ang Spirit Fire Globe, ang lugar na iyon ay puno pa rin ng makapal na
kumpol ng icicle. Napakalawak ng lugar, walang may alam sa kanila at kung magagawa nilang
makadaan sa lugar na iyon sa sandaling panahon lamang ay hindi iyon masama, ngunit kung
iyon ay napakahaba, ang panahon na gugugulin nila upang makatawid ay mahaba-haba.
Ang nga puwang sa pagitan ng bawat icicles ay maliit at kailangan nilang tingnang mabuti ang
bawat hakbang, na magiging dahilan ng kanilang pagbagal.
At sa paglipas ng mga oras, ang balisa at mga ugat ay magdadala ng pagod at pagal at kapag
nawala sila sa konsentrasyon kahit sandali lamang, ay paniguradong magiging pain sila sa
icicles.
At sinabi na ni Jun Wu Xie. Ang epekto sa kanila ay mabilis at kahit kasama nila si Jun Wu Xie.
Sa ilalim ng malupit at hindi magandang kondisyon, ang tanggalin niya ang lason sa kanila
agad ay magbibigay sa kaniya ng hirap.
Kahit sa paanong paraan pa nila tingnan, iyon ay isang matinding sugal.
Subalit, umiling si Jun Wu Xie.
"Ayon sa mapa, ang lugar na ito ay ginuhitan ng dalawang puting linya sa kabuuan at ibig
sabihin nito ay malawak ang tinatakpan nito at walang ibang paraan kundi ang dumaan dito."
Sa sandaling iyon, ang lahat ay natahimik.
Nakatayo sa isang tabi si Jun Wu Yao at tumingin kay Jun Wu Xie na malalim ang iniisip, isang
ngiti ang nabuo sa sulok ng kaniyang labi.
[May dapat na ba siyang gawin? O dapat pa siyang maghintay?]
[Ang utak ba ng munting nilalang niya ay makakagawa ng paraan upang malagpasan ang
balakid na ito?]
At sa katahimikang iyon ay biglang nilusong ni Jun Wu Xie ang kaniyang bue spirit energy sa
matinding liwanag!
Sa sandaling iyon!
Itinulak niya ang kaniyang palad sa hangin sa hile-hilerang nakatayo na mga icicles sa kaniyang
harapan!
Ang kaniyang blue spirit energy ay naging isang maliwanag na kalahating buwan na kisap, na
lumaganap na tila isang malupit na karit sa icicles!
Isang dagundong ang yumanig sa ere!
Ang malinaw na icicles ay sumabog at naging durog na yelo dahil sa puwersa mula sa kaniyang
spirit energy habang ito'y kumakalat sa isang malaking bahagi, nagningning sa ilalim ng baga
ng Spirit Fire Globe, na parang isang milyon na bituin ang nahulog at nagkalat sa yelo.
Ang lugar kung saan pinasabog ni Jun Wu Xie ay nagbukas ng isang patag na daanan, ang
matatalim at matutulis na icicles ay naglaho ng walang bakas, bukod sa durog na yelo na
bumalot sa ibabaw ng lupa.
"Maari na tayong maglakad." Matapos masiguro ni Jun Wu Xie ang tibay ng ivicles, ay agad
siyang lumingon upang tingnan ang mga kasama na nasa likuran niya.
Tinitigan ni Qiao Chu si Jun Wu Xie, bakas sa mukha ang matinding gulat.
[Simple at malupit… Bakit hindi niya naisip iyon?!]
Hindi naisip ni Jun Wu Xie na napakahirap noon, at hindi rin niya naramdaman na ang ideyang
iyon ay mahusay. Kaya… Bakit ang ekspresyon ni Qiao Chu at ng iba pa ay parang may ginawa
siyang kagila-gilalas?
[Dinurog lamang niya ang ilang icicles hindi ba? Kailangan ba nila magulat sa bagay na iyon?]
Ang ginawa ni Jun Wu Xie ay simple at epektibo dahil ang kailangan na lamang nila ay patagin
ang mga icicles at magbukas ng daanan upang sila'y makahayo na. Sa paraang iyon, ay hindi
na nila kailangan matakot sa nakamamatay na icicles, iyon rin ay magpapabilis sa kanila.
Iyon ay isang hindi kumplikado at mabisang paraan. Sa ilalim ng karaniwang mga pangyayari,
ay hindi imposible sa sinuman ang maisip iyon, ngunit matapos dumanas ng mahabang
pahirap at pagkabalisa sa ilalim ng Heaven's End Cliff, ang isip ng mga tao ay wala sa maayos
na kondisyon kung saaan ay matatakot silang basagin ang kahit ano sa lugar na magdadala ng
mas matinding sakuna sa kanila.
Higit doon, ang lugar na iyon ay dinisenyo ng mga tao mula sa Dark Regions. Sa lakas at
katanyagan ng Dark Region, iyon ay magdadala sa tao ng matinding panggigipit.
Sa ganoong tigal na pag-iisip, ay pipigilan nito ang isip ng maraming tao.
Takot at hinala, iyan ang pumipigil sa utak ng tao at nagkukulong sa pag-iisip nila sa isang
makipot na lagusan.
At si Jun Wu Xie ay hindi aaksayahin ang kaniyang isip sa walang kuwentang emosyon tulad ng
takot at hinala.