Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 131 - Simula Palang Ito (Pang-limang Bahagi)

Chapter 131 - Simula Palang Ito (Pang-limang Bahagi)

Huminga ng malalmim si Jun Xian, nakikita na ang kabuoan ng plano, at namangha sa lalim ng pagpaplano ni Jun Wu Xie.

Ilang taon na siya?

Nakakatakot, kahit na apo pa niya siya.

Ang dalagang laging nakakulong sa tahanan, ay mas mapagpasya, at mas may kakayanan kaysa sa maraming lalaking kilala niya, gaano kahusay ang dalagang ito?

Hindi pumatay si Jun Wu Xie gamit ang kanyang mga kamay, ngunit ang mga utos niya ay naging sanhi ng pag-agos ng maraming dugo sa kaharian.

Hindi lang si Jun Xian, pati si Jun Qing at Mo Qian Yuan ay nagulat sa pag-aasikaso nu Jun Wu Xie sa lahat ng pangyayari.

Tinignan ni Mo Qian Yuan si Jun Wu Xie ng may pagkamangha, at kapanatagan.

Maswerte siya, na si Jun Wu Xie ang kakampi niya. Kundi, napatay na siya ni Jun Wu Xie.

"Ginusto mo….. ako dito, hindi lang para marinig lahat ng ito, ngunit para rin bantayan ako. Tama ba ako?" Naisip bigla ni Mo Qian Yuan.

Tahimik siyang tinignan ni Jun Wu Xie.

"Alam mo na pagkatapos ng lahat ng nangyari, magagalit siya. Hindi siya magbabalak na lumaban sa Palasyo ng Lin, ngunit ako ang aatakihin kapag nanatili ako sa aking tahanan dahil nakitang magkakampi tayo. Aatakihin na ako kaya inimbitahan mo ako dito para pag-usapan ang mga plano sa hinaharap upang protektahan ako mula sa kanya! Diba?" Pinilit ni Mo Qian Yuan.

Sinira na ng Palasyo ng Lin ang mga relasyon nila sa Pamilyang Imperyal, at hindi nagpakita ang Emperador ng kahit-anong gantimpala kay Mo Qian Yuan. Dagdag pa ang madalas na pagkikita nila ni Jun Wu Xie, kikilos talaga ang Emperador para alisin ang tinik sa kanyang tagiliran.

"Hindi ka naman pala tanga." Sinabi ni Jun Wu Xie.

Kumuba lalo si Mo Qian Yuan sa kanyang kinauupuan, gulat parin na papatayin siya ng Emperador ng walang pagsasaalang-alang at sa plano ni Jun Wu Xie na nakita na ang mga nangyari bago pa ang lahat.

"*ahem*... Wu Xie." Lininis ni Jun Xian ang kanyang lalamunan, pasulyap-sulyap kay Mo Qian Yuan.

Masyado yatang bastos ang kanyang apo sa Prinsipeng Tagamana.

"Walang problema, ginagawa niya ito para sa aking kaligtasan. Siya na ang naging tagapag-ampon ko, dahil pag wala siya, matagal na akong patay." Sinabi niyang pabiro, dahil gusto siyang patayin ng kanyang ama, at linigtas siya ng tagalabas, isa ngang biro.

Nagbuntong-hininga si Jun Xian, nabalitaan na niya ang mga nangyayari sa Pamilyang Imperyal.

"Mukhang napag-usapan na ito?" Tahimik na pinagmasdan ni Jun Qing kay Jun Wu Xie at Mo Qian Yuan sa tabi. Naisip niyang may nabubuong romansa sa kanilang dalawa dahil sa madalas na pagbisita ni Jun Wu Xie sa prinsipe. Ngayong nakikita niya sila, nagkamali ata siya.

"Oo. Ngunit maaga ang mga pangyayari." Kalmadong sinabi ni Jun Wu Xie, hindi napansin ang nakakatawang tingin sa kanya ng kanyang tito.

Sa halip, si Mo Qian Yuan ang nakakita. Namula siya at yumuko, nahiya.

Nakita ni Jun Qing ang pagkakaiba sa mga reaksyon ng dalawa at isinantabi muna ang bagay na iyon dahil sa mga mas importanteng pinag-uusapan.

"Wu Xie, kailan ka pa nagsimulang magplano ng ganito?" Hindi naintindihan ni Jun Qing kung paano naisip ng isang dalagang laging nakakulong sa kanyang kwarto ang palitan ang Tagapamahala!

"Ilang buwan na." Magmula ng siya'y bumalik sa Palasyo ng Lin, pinag-iisipan na niya ito. Sa simula, para ito sa kanyang sarili, ngunit ngayon, para na ito sa buong Pamilya ng Jun.

Related Books

Popular novel hashtag