Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1308 - Muling Paglakad sa Panganib (2)

Chapter 1308 - Muling Paglakad sa Panganib (2)

Isa iyong Destiny Dish. Sa huna ay pareho ito sa isang aguhon sa dating buhay ni Jun Wu Xie,

kung saan kapag ang isang tao ay naliligaw, ay magagamit ito upang ituro kung saan ang

tamang daan. Hindi iyon isang bagay na kakaiba at nagdala rin si Jun WU Xie ng ganoon noong

huli. Ngunit dahil sa wala silang tiyak na puntirya noon, ay hindi sila gaanong umasa doon at

ginamit lamang nila iyon upang hanapin ang daan nila pasulong.

Ngunit ngayon, ang mga bagay ay iba na.

Ang kumpletong walong mapa na pinagsama-sama ay ipinakita ang kinaroroonan ng Dark

Emperor at ang buong lupain sa ibaba ng Heaven's End Cliff na nakalatag sa ilalim ng makapal

na hamog at lahat ng detalye ay nakalarawan at malinaw na nakaukit sa isip ni Jun Wu Xie. At

dahil sa ang direksiyon ay nakatarangka sa Destiny Dish, ay nagawa nilang malaman ang

kasalukuyang kinarorooanan nila sa mapa at malaman kung ano ang aasahan nila sa kanilang

paglalakbay.

Ayon sa ipnapakita sa mapa, ang pinakamalayo na narating ni Jun Wu Xie at ng iba pa noon ay

wala pa sa sangkapu ng paglalakbay na kanilang gagawin at ang naranasan nila ay idinaing

nilang lahat kung gaano kapanganib iyon.

Sangkapu lamang ng paglalakbay at iyon ay naging napakahirap. Sa mga lugar na kailangan

nilang bagtasin matapos noon kung wala sa kanila ang mapa, huwag nang sabihin ang

panahon na kailangan nila ito, ang napakaraming hadlang na kasama ay sapat na upang kunin

ang kanilang buhay.

Ayon sa nakikita nila sa mapa, habang papalapit sila nang papalapit sa libingan ng Dark

Emperor, ay mas lalong mapanganib ang paligid, lahat ng mga nakita nila sa kanilang huling

paglalakbay, ay pawang mga larong pambata lamang kumpara dito.

"Nakasaad dito sa mapa ang naabot ng halimaw na iyon. Kailangan lamang natin iwasan ang

mga lugar na iyan kapag tayo'y nakarating doon." Itinuro ni Fan Zhuo ang mga lugar na

ipinapakita sa mapa. Alam na nila ayon sa personal na karanasan kung gaanong nakakatakot

ang halimaw na iyon na bumubuga ng berdeng apoy.

Ang bagay na iyon ay muntik nang kunin ang buhay ni Jun Wu Xie at kung hindi ginamit ni Lord

Meh Meh ang sariling katawan upang gawing pananggalang niya, maaring si Jun Wu Xie ay

namatay na doon mismo.

Sinulyapan ni Jun Wu Xie ang lugar sa mapa na itinuro ni Fan Zhuo at walang ekspresyon na

tumango siya.

Ang lugar kung nasaan ang halimaw ay may marka ng pulang bungo sa mapa, at ang bungo na

ganoon ang hitsura, ay may karamihan ang bilang sa mapa. Malinaw na ang mga bagay na

nakakatakot tulad ng halimaw na iyon, ay hindi bihira doon. Isa lamang ang nakasagupa nila

noon, at halos karamihan sa kanila ay malubhang napinsala noon. At ngayon na nasa kanila na

ang mapa, alam na nila ang mga lugar na dapat iwasan.

"Ang Dark Regions ay hindi nag-aatubili. Ang mga halimaw na iyon ay inilagay doon upang

bantayan ang libingan ng Dark Emperor at naglagak sila nang napakarami doon. Sa aking

palagay kung ilan sa mga nilalang na iyon ay inilagay sa kamay ng sinuman sa MIddle Realm,

ang pagtamo ng kapangyarihan sa isang lugar ay hindi magiging problema." Pagdadahilan ni

Qiao Chu habang hinahagod ang kaniyang baba. Bagaman ang halimaw ay muntikan na siyang

patayin, ngunit aaminin niya na ang mga nilalang na iyon talaga namang malulupit!

Nakaupo si Ye Sha at Ye Mei sa isang tabi, tahimik na lumingon kay Jun Wu Yao.

[Ang mga halimaw na iyon na pinag-uusapan ni Qiao Chu at ng iba pa…]

[Sa katotohanan ay mga alaga lamang ni Jun Wu Yao na kinuha para sa kaniyang sarili sa

tuwing siya ay mababagot at walang magawa…]

Ngunit ang salitan "alaga" ay tanging kay Jun Wu Yao lamang. Sa harapan ng ibang tao, ang

mga dambuhalang hayop na iyon ay isang bangungot.

Isang tinatamad na ngiti ang bumakas sa labi ni Jun Wu Yao habang nakaupo at bahagyang

humilig sa isang tabi, sumandal sa likuran ni Jun Wu Xie, minamasdan nang tahimik ang gilid

ng mukha ni Jun Wu Xie.

Sa sandaling bumaba siya sa Heaven's End Cliff, agad niyang napagtanto na ang lugar na iyon

ay ginawa nga ng Dark Regions, kung saan malaking bahagi ng mga bagay doon, ay mga bagay

na binanggit niya sa mga tao ng Night Regime sa mga panahon na siya ay nababagot.

Isama na ang katotohanan na ang mga kaniyang mga "nakakagiliw na alaga" ay ginampanan

ang papel ng tagabantay.

Ngunit hindi niya naisip na magkakaroon siya ng pagkakaton na "tignan at tiyakin" ang mga

depensa na itinayo para sa sarili niyang libingan.

Related Books

Popular novel hashtag