Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1309 - Muling Paglakad sa Panganib (3)

Chapter 1309 - Muling Paglakad sa Panganib (3)

Ang pagkakataon na tulad nito, kung saan ang isang tao ay huhukayin ang sariling "libingan",

ay isang bagay na hindi mararanasan ng isang karaniwang tao. Ngunit kahit paano sa puso ni

Ye Sha at Ye Mei, ay hindi nila mahulaan kung ano ang tumatakbo sa isip ni Jun Wu Yao. Sa

buong paglalakbay doon, ay hindi nila nakita maski kaunting galit kay Jun Wu Yao at sa halip

ay nakangiti ito sa buong paglalakbay.

Silang dalawa ay walang magawa kundi ang manahimik

[Sabagay…]

[Hangga't gusto iyon ng Young Miss, ay walang hindi ibibigay si Lord Jue sa kaniyan…]

Matapos ang kaunting pahinga, ang grupo ay nabawi muli ang kanilang kondisyon sa talutok

at nagpatuloy na sa huling daan patungo sa libingan ng Dark Emperor!

Ang mga daan na kanilang tinahak noon, ngayon ay mas naging madali sa kanila na bagtasin.

Dahil sa kaya na nilang tukuyin ang kasalukuyang kinaroroonan nila sa mapa, kailangan

lamang nila masiguro na hindi sila maliligaw sa direksyon na naiplano at makakarating sila sa

kanilang destinasyon.

Sa patnubay na ibibigay ng mapa, ay magagawa ni Jun Wu Xie at mga kasama niya na

maiwasan ang karamihan sa panganib. Sa buong paglalakbay, ang nakakalason na hamog na

nasa paligid at ang ginaw ay nanunuot sa kanilang buto. Ininom nila ang toxin neutralizing

elixir at gumamit lamang ng kaunting spirit powers upang mapanatili ang temperatura ng

kanilang katawan. Dahil iyon ang ikalawang pagkakataon nila doon, ang lahat ay mas naging

madali.

Ngunit itong katiwasayan na nararanasan nila sa ngayon, ay naging posible dahil sa hindi

mabilang na buhay na isinakripisyo bilang kapalit. Gabundok na mga bangkay ang nabuo sa

bawat parte na nakalarawan sa mapa, bawat simbulo ay nakamarka.

Iyon ang kumpletong mapa na hawak ni Jun Wu Xie sa kaniyang kamay, basang-basa ng dugo.

Sa oras na magpatuloy sila, ay hindi sila maaaring huminto ng ilang araw. Walang

pagkakataonpara sa kanila na magpahinga at wala silang magawa kundi ang manatiling gising

sa pamamagitan ng paggamit nila ng spirit powers.

Kahit na nasa kanilang kamay ang mapa, ay hindi nila maaaring ibaba ang kanilang depensa.

Dahil sa pagliko nila upang maiwasan ang nakamamatay na halimaw at matapos makatawid sa

mapanganib na maputik na latian, si Jun Wu Xie at ang kaniyang mga kasama ay nakarating sa

lugar na hindi pa nila nararating noon.

Sa lugar na iyon, ang temperatura ay bumaba ng ilang antas, at ang Spirit Fire Globes na nasa

kanilang mga kamay ay nagliwanag sa kadiliman.

Subalit, maningning na batik ng ilaw ang nagliwanag sa hamog, mapusyaw at hindi masakit sa

mata, nakikita sa makapal na hamog, tila walang tigil sa pagkislap.

"Bakit… magkakaroon ng liwanag sa lugar na ito?" Nagulat si Qiao Chu. Ang nagkalat na

ningning na mga ilaw, ay malinaw at buhay na buhay, ngunit sa loob ng walang katapusan na

bahagi na madilim na hamog na paikot-ikot, ay nahirapan siyang paniwalaan na may ganoong

liwanag na biglang lilitaw.

Nais sana ni Qiao Chu na humakbang upang hulihin ang kakaibang liwanag, ngunit agad siyang

hinatak ni Hua Yao.

"Hindi iyan liwanag." Saad ni Jun Wu Xie habang bahagyang inaangat ang ulo, tinitigan ang

napakaraming munting tila-bituin na liwanag na nagtatago sa makapal na hamog. Bahagyang

naningkit ang mata niya at kaniyang inilabas ang isang Spirit Fire Globe na kasinglaki ng itlog

ng isang gansa mula sa kaniyang Cosmos Sack. Matapos punuin iyon ng maraming spirit

energy, ay ibinato niya iyon gamit ang buong lakas.

Ang malaking Spirit Fire Globe na may napakaliwanag na apoy ay bumantok sa makapal na

hamog, at agad na binigyan ng liwanag ang lugar na nasa kanilang harapan.

Isa iyong malinis na nagyelong lawa na napakalinaw, matatalim na icicle ang nakausli sa

ibabaw nito, tila malalaking pangil ng isang halimaw na pumuno sa buong lugar. Ang Spirit Fire

Globe na kasinglaki ng itlog ng gansa ay gumulong sa pagitan ng naglalakihan na mga icicles,

kung saan kalugodlugod na kalansing ang maririnig sa tuwing tatama ito sa mga iyon.

Tila salamain ang mga icicles, sinasalamin nito ang liwanag na nagmumula sa Spirit Fire Globe,

at nagbato ng liwanag sa bawat isa, kung saan pinagliwanag nito ang napakalaking bahagi ng

lugar sa kanilang harapan…

Malalaking haligi ng icicles ang nakatayo sa harapan ni Jun Wu Xie at mga kasama. Sa suson ng

asul na yelo, ay bahagya nilang nakikita ang pusting mga buto na natakpan ng makapal na

yelo, ang kasingputi ng niyebe na mga buto ng tao ay nakakalat sa paligid ng yelo, nagmukha

itong kakaibang disenyo sa unang tingin, at nagbigay sa lugar ng panandaliang uri ng tahimik

na kagandahan.

Related Books

Popular novel hashtag