Dahil sa katahimikan ni Jun Wu Xie ay mas naging sigurado si Jun Wu Yao sa kaniyang hula at
napagtanto na bihira makitang si Jun Wu Xie na nagpapakita ng ganoong kilos para sa
kapakanan ng isang tao, agad niyang napagtanto na si Little Jue ay may puwang sa puso ni Jun
Wu Xie, tulad ng sinabi niya noon, kung saan nakita niya ang munting bata bilang kaniyang
"little brother".
"Ang Scarlet Blood ay ginawa ayon sa binagong Scarlet Darkness ng Dark Emperor at ang
Scarlet Darkness ang nagdala sa Dark Regions sa buhay. Sa buong MIddle Realm, walang
nangahas na galitin ang Night Regime at alam mo kung bakit?" Tanong ni Jun Wu Yao.
"Dahil sa kanilang lakas." Sagot ni Jun Wu Xie.
Ngumiti si Jun Wu Yao at sinabi: "Sa iyong sagot, oo at hindi rin."
Naupo siya sa tabi ni Jun Wu Xie, dahil ang isip ni Jun Wu Xie sa ngayon ay hindi mababagabag
sa amoy ng dugo na nasa kaniyang kasuotan sa mga sandaling iyon.
"Bagama't ang Night Regime ay mayroong makapangyarihang lakas, ngunit hindi sila
kinakatakutan dahil lamang sa kanilang lakas, pati ang likas na hindi mapawing uhaw sa dugo
na nasa loob nila. Kadalasan, sila ay grupo lamang ng mga makapangyarihan na mandirigma,
ngunit sa tuwing makaksagupa sila ng anuman na may kinalaman sa Dark Emperor,isang
matinding uhaw sa dugo ang di-mapigilang mahahayag sa kanila. Ang kababalaghang iyon ay
dahil sa walang kamatayang katapatan na inukit sa kanilang mga spirit at sa tuwing pupukawin
ito ng sinuman, ang epekto ng Scarlet Darkness ay mananaig sa kanilang katawan, at gagawin
silang isang kawan ng demonyo na umakyat mula sa kailaliman ng Hell."
Ang Night Regime ay tapat sa Dark Emperor lamang. Hindi nila binigyang pansin ang mga
alitan sa Middle Realm at nabuhay sila upang ipagtanggol ang isang tao lamang.
"Ang Scarlet Blood ay hindi isang produkto na buo ngunit malaking bahagi nito ay kapareho sa
Sacrlet Darkness. Bagaman totoo na ang spirit ng munting Emperor ay isinakripisyo, ngunit
ang Soul Calming Jade ay nagawang gamitin ang natitira sa katas ng kaniyang kaluluwa,
habang sinusubukan nito na maghanap ng ilang bakas ng nawala nitong spirit upang palitan
ito ng bago. Hindi mo kailangan na mag-alala na ang spirit sa batang iyon ay sa ibang tao
sapagkat mananatili iyon sa kaniya at hindi magbabago iyon. Ngunit dahil ang mga kakulangan
sa kaniyang spirit ay malubha, ang kamalayan niya ay hindi magagawang masabi ang tama sa
mali, o ang katotohanan sa kasinungalingan. Ang tanging magagawa niya ay ang reaksiyon
ayon sa kaniyang pakiramdam at kung hindi ako nagkakamali, ang katotohanan na sinagip mo
siya noon ay nag-iwan ng malalim na tatak sa kaniya."
"Kahit na ang kaniyang spirit ay lubhang naglaho, lahat ng mga nakita niya ay mag-iiwan pa rin
ng malabong bakas. Sa sandaling ito, ang tanging tao na pinagkakatiwalaan ng munting bata
ay ikaw at sa mata niya, ikaw ay parang ang Dark Emperor sa Night Regime." Bahagyang
lumingon si Jun Wu Yao at nakita niya ang simangot sa mukha ni Jun WU Xie na unti-unting
nawawala at ang mata niya ay napuno ng tuwa.
Nanatiling tahimik si Ye Sha at Ye Mei , at ibinaba nila ang tingin.
Walang ibang nakakaintindi sa mga sinasabi ni Jun Wu Yao kundi sila. Ang uri ng pakiramdam
na nagmula sa kaibuturan ng kanilang spirit ay isang bagay na walang makaksira at ang
sumasabog na kapangyarihan na ibinibigay nito sa kanila ay hindi mapupukaw ng sinumang
tao, at tanging sa Dark Emperor lamang ang kanilang katapatan.
Isang bagay iyon na sila mismo ay hindi magawang kontrolin.
Nang makita nila ang reaksiyon ni Little Jue, ay agad nilang naintindihan kung anong nangyari
kay Little Jue. Binigyan ni Jun Wu Yao si Little Jue ng patak ng kaniyang dugo, ngunit hindi siya
nag-iwan ng tatak sa kaluluwa nito. Marahil nahulaan ng kanilang Lord Jue na ang munting
Emperor ay mayroong walang katapusang pagpapahalaga kay Jun Wu Xie kaya't iniligtas niya
ang munting nilalang upang manatili sa tabi ni Jun Wu Xie.
Ang Scarlet Darkness ay hindi kailanman ginamit sa isang bata sapagkat ang kamalayan ng
bata ay mahina at magiging napakahirap sa bata na kontrolin ang likas na udyok na dala ng
Scarlet Darkness. Higit pa doon, si Little Jue ay orihinal na tinamaan hindi ng Scarlet Darkness
kundi ng Scarlet Blood…
Ang kinopyang Scarlet Blood, ay hindi rin magiging kasing tatag ng orihinal na Scarlet
Darkness.
Kahit na binigyan ni Jun Wu Yao si Little Jue ng kaniyang dugo matapos siya tamaan, ang
Scarlet Blood ay hindi pa rin maibibigay ang buong epekto ng Scarlet Darkness.