Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 130 - Simula Palang Ito (Pang-apat na Bahagi)

Chapter 130 - Simula Palang Ito (Pang-apat na Bahagi)

Deka-dekadang katapatan at ang ibabalik, ay ang bintang sa buhay. Kahit ang bulag na sumusunod ay magigising sa katotohanang iyon.

Nagpasya ang Emperador na sirain ang Pamilya ng Jun, at kundi dahil kay Jun Wu Xie, na pumigil sa paninira, baka bumagsak na ang Palasyo ng Lin.

Nang makitang tinanggap na ni Jun Xuan ang kanyang desisyon, napanatag si Jun Wu Xie. Mas gugustuhin niyang harapin ang suklam ng mga tao sa langit, at abusuhin at pahiyain ng mga mamamayan, kaysa ikahiya at ikagalit ng kanyang tito at lolo.

"Wag kang mag-alala, lolo. Nakahanda na ako. Hindi masasaktan ang Pamilya ng Jun."

"Nabalitaan ko mula sa iyong tito ang pinakawalan mong Soaring Cloud Signal. Wala ka talagang takot. Alam ko lahat ng nangyari ngayon, at masaya akong nagawa mo ng maayos ang lahat. Ngunit gusto kong malaman lahat ng mga plano mo sa mga hinaharap, wag kang magtago ng kahit ani mula sa akin." Sinabi ni Jun Xian ng may matigas na mukha, ngunit hindi ito makita sa kanyang mga mata, na puno ng pagmamahal at pag-aalaga.

"Oo, sasabihin ko." Tumango si Jun Wu Xie.

"Balak kong pilitin ang Emperador na bitiwan ang kanyang tungkilin at gawing Emperador ang Prinsipeng Tagamana."

Muntik tumigil ang puso ng mga nakikinig sa kanyang sinabi.

Pagbitaw sa tungkulin!?

Nais parin niyang bumaba ang Emperador mula sa trono!

Muntik nang lumabas ang puso ni Jun Qing.

"Lahat ng ginawa ko ngayon ay para mapilitan ang Emperador na pakawalan si lolo. Pangalawa, para maubos ang mga utusan at alagad ng Emperador. Huli, kailangan kong mag-ipon ng suporta mula sa mga mamamayan at gumawa ng mabuting mga kodisyon para sa atin."

Ang pagligtas kay Jun Xian ang simula, at ang dalawang sumunod ay para masabotahe ang reputasyon ng Pamilya ng Hari.

Ang patayan ng mga mga opisyal at mga heneral ngayon ay nagbawas ng mga kapangyarihang tutol sa Palasyo ng Lin, marami sa kanila ay matapat sa Emperador. Ngayong wala na sila, mas mahirap na para sa Emperador ang ipagpatuloy ang kanyang mga masasamang balak sa hukuman.

Kasama ang mga ebidensya, ang pagpatay sa mga salot na opisyal ay nagpataas ng husto sa reputasyon ng Palasyo ng Lin!

"Pinlano mo ang lahat ng ito? Pinasa mo lahat ng puri sa prinsipe para matugunan ang mga balak mo?" Naintindihan na ni Jun Xian ang mga plano ni Wu Xie. Naputulan na ang mga pakpak ng Emperador, at pinatulan ni Jun Wu Xie ang pagkakataon para ipakita si Mo Quan Yuan sa mga tao.

Lahat ng ito, para malatag ang pundasyon sa paglipat ng kapangyarihan!

"Oo." Sumagot si Jun Wu Xie ng hindi tinatago ang kanyang mga balak.

Dahil hindi masikmura ng Emperador ang Pamilya ng Jun, papalitan niya ang Emperador!

"Upang maayos na makuha ang trono, kailangang makuha ng Prinsipe ang suporta ng mga mamamayan." Dinahilan ni Jun Wu Xie.

Ang tahimik na Mo Qian Yuan ay napatalon. Nang pinatay ni Jun Wu Xie si Wei Qun Hua, naramdaman niyang ginising ni Jun Wu Xie ang kanilang natutulog na alyansa.

Kundi dahil sa mapangahas na kamay ng Emperador, natagalan pa si Jun Wu Xie.

Ang malisya ng Emperador ang nagdala ng maramihang pagpatay ni Jun Wu Xie!

"Pinasara mo ang Kaharian sa hukbo para ihanda ang pagbaba ng Emperador mula sa trono?" Nang bumaba ang mga balak ni Jun Wu Xie kay Jun Xian, nakita niya ang lalim ng pagpaplano, at na nagawa niya ang plano kahit na bulag siya sa galit, na hindi niya kayang gawin.

"Oo, hinanda ko lahat ng tawagin ko ang hukbo. Kapag hindi nila pinakawalan si lolo, papasukin ko ang Palasyo. Pag pinakawalan nila siya, isasarado ko ang Kaharian, at pipilitin ang kanyang pagbaba. Hangga't hawak ng hukbo ang kaharian, hindi matatawag ng Emperador ang kanyang mga sundalo. At kapag umakyat si Mo Qian Yuan sa trono, lalaya na tayo mula sa mga pagdududang ito." Pinaliwanag ni Jun Wu Xie ang kanyang mga plano, nagliliwanag ang mga mata.

Ipakita ang mga krimen, patayin ang mga opisyal, isarado ang kaharian, nakita na ni Jun Wu Xie ang lahat ng ito bago pa siya lumabas kasama ang hukbo.

Pakawalan man o hindi, mamamatay parin ang Emperador!

Related Books

Popular novel hashtag