Maging si Jun Wu Xie ay hindi magawang ipaliwanag kung bakit ganoon katindi ang rekasyon
niya nang maharap kay Little Jue na balot ng dugo. Natanggap na niya na karaniwan na sa
mundong ito ang patakaran kung saan ang malakas ay pinagpipiyestahan ang mahihina at
maging siya mismo ay sumunod sa parehong patakaran na iyon nitong mga nakaraan.
Ang mga nagwawagi ay nagtatagumpay habang ang mga talunan ay nagpapasakop, mula't
sapul, tanging ang tunay na makapangyarihan ang may huling halakhak.
Ang mahihina ay laging nagiging sakripisyo sa buong kasaysayan.
Bagama't alam niya ang linya ng katwiran, ang imahe ni Little Jue na may bahid ng dugo ay
hindi kaaya-aya sa kaniyang paningim.
Ang batang iyon, ay dapat mabuhay na malayo sa pagkabalisa.
Sapagkat ang tulad niya ay bihira, at iyon ang dahilan kaya ang mga tao ay pinahahalagahan
siya.
Ngunit ngayon, isang malaking tanong ang nananatili sa puso ni Jun Wu Xie.
Ang kasalukuyan bang Little Jue, ay ang parehong munting Emperor na nakilala niya sa
simula?
Ang isang bata na kasing- dalisay niyon, ay talagang dadaluhong sa pagpasalang sa ilalim ng
epekto ng Scarlet Blood?
Hindi masiguro ni Jun Wu Xie kung ang kasalukuyang Little Jue ay tuluyan ngang nawala ang
mga nagdaan alaala, bagaman ang kilos at salita nito'y limitado sa mga payak na salita, at
hindi nito magawa na maunawaan ang mas kumplikadong mga salita, inaayon ang mga kilos
halos sa likas na pakiramdam.
Ngunit ang pakiramdam na iyon ba ay nagmula sa sariling kamalayan ng munting Emperor, o
mula sa Soul Calming Jade?
Hinahangad ni Jun Wu Xie na sagipin ang kaluluwa ng munting nilalang na tumunaw sa puso
ng mga tao, at hindi ang isang spirit na ginawa mula sa hangin.
Nang walang sinabi si Jun Wu Xie, si Fan Zhuo at ang iba pa ay minabuting huwag na silang
magsalita at nanatili silang tahimik na nakaupo.
Sa loob ng karwahe, hinubad ni Little Jue ang damit na basang-basa ng dugo at nagpalit ng
bagong kasuotan ngunit hindi agad lumabas doon. Namaluktot siya at niyakap ang kaniyang
tuhod at isiniksik ang kaniyang sarili sa isang sulok ng karwahe, ang mata ay kababakasan ng
pagdadamdam at hindi mapakali.
Bagama't marami siyang hindi naiintindihan, ay nararamdaman pa rin niya.
[Hindi masaya si Little Big Brother.]
Hindi nangahas si Little Jue na lumabas, hindi nangahas na tumingin sa mata ni Jun WU Xie.
Natatakot siya, ngunit hindi niya alam kung ano ang kinakatakutan niya, tamhik na tumulo ang
luha sa kaniyang malalaking mata, dumadaloy ng walang nakakapansin sa kaniyang pisngi, at
sa huli ay nalaglag sa kuwelyo ng kaniyang kasuotan.
Tahimik sa buong kagubatan, at walang sinuman ang nagsalita.
Matapos ang ilang sandali, nagbalik si Jun Wu Yao kasama si Ye Sha at Ye Mei na nasa likuran
niya. Walang bahid ng dugo sa kanilang tatlo ngunit ang matinding alingasaw na maaamoy sa
hangin kaya napagtanto nila kung ano ang ginawa ng mga iyon.
"Pinaghintay ko yata kayo ng matagal." Saad ni Jun Wu Yao at huminto tatlong hakbang
malayo kay Jun Wu Xie. Nais niyang balutin si Jun Wu Xie at yakapin ito ngunit naalala niya na
ang munting nilalang niya ay hindi gusto ang amoy ng dugo na nakakapit pa rin sa kaniyang
kasuotan.
Sinulyapan ni Jun Wu Xie si Jun Wu Yao at bahagyang tumango. Ang ekspresyon sa munting
mukha na iyon ay pareho pa rin kung ano ang madalas na hitsura nito ngunit napansin ni Jun
Wu Yao na may mali.
Nalipat ang sulyap ni Jun Wu Yao sa puso na itinapon sa may damuhan at mabilis na nakita
ang hanay ng munting mga yapak na naiwan sa may damuhan. Ang sulok ng mga labi niya ay
kusang napangiti.
"Anong nangyari? May ginawa ba ang munting nilalang na nagpagalit sa'yo?"
Umiling si Jun Wu Xie, ngunit malipas ang ilang sandali sinabi niya: "Ang hangarin niya ay
mabuti, ngunit hindi ko hangad na maging ganito."
Bahagyang tumawa si Jun Wu Yao at sinabi: "Hindi mo hangad na ang kamay ng munting
nilalang ay mabahiran at mamantsahan ng dugo tama?"
Tumango si Jun Wu Xie.
"Little Xie, talagang napakainteresante mo… Anong ipinag-aalala mo? Nag-aalala ka ba na ang
munting nilalang ay hindi na ang munting Emperor na minsang nakilala mo? Nag-aalala na
itong mahilig sa pagpatay ay nanggaling sa hindi pamilyar na kaluluwa?" Ang boses ni Jun Wu
Yao ay puno ng tuwa, ngunit tama ang naging hula niya sa iniisip ni Jun Wu Xie sa kaniyang
utak sa mga sandaling iyon.