Ang mala-demonyong pares ng lila na matang iyon, ngayon ay may bahid na ng tuwa, ngunit
ang sulyap na mula doon ay puno ng matalim at nakahihindik na pagpatay.
Sa panahong iyon, nang makita ni Jun Wu Yao si Jun Wu Xie, ay wala siyang sinabi na kahit
ano, o nagtanong tungkol doon. Ngunit ang pangyayaring iyon ay hindi nabura sa kaniyang
memorya.
Iyon ang panahon na halos muntik na itong mawala sa kaniya.
Nakaramdam siya ng takot, isang emosyon na hindi pa niya naranasan noon, at malinaw
niyang naramdaman iyon.
Hindi niya hahayaan na mamatay ang mga ito ng ganoon kadali. Hindi na mahalaga kung para
iyon sa sakit na dinanas ni Jun Wu Xie, o ang takot na naramdaman niya, hindi niya hahayaan
na mamatay ang mga ito ng ganoon kadali lamang.
Tanging ang pagbibigay ng ganitong pagpapahirap sa kanila, ang makakapagbigay ng payapa
sa naramdaman niyang takot sa kaniyang puso ng halos muntik ng mawala sa kaniya si Jun Wu
Xie.
Ang kaawa-awa at namimighating palahaw sa tainga ni Jun Wu Yao, ay parang isang
makabagbag-damdaming kanta na kinakanta ng papuri.
Ang makapal na alingasaw ng dugo na lumaganap sa paligid, ay tila hinatak siya sa nakaraan,
sa madugong kalupaan ng walang awa na pagpatay!
Nais ni Elder Hui na magmakaawa na mamatay, ngunit hindi niya magawa, ang tanging
nagawa ay manood habang nanlalaki ang mata habang ang katawan ng lalaking nakaberde ay
unti-unting nabubulok sa ilalim ng Blood Fiend. Ang sigaw na palahaw na lumabas mula sa
lalaking nakaberde ay makapunit tainga, ang lalamunan niya ay halos mawasak dahil sa
walang tigil na pagsigaw, ngunit hindi pa rin nito magawa na tapusin na ang lahat.
Ang paghihirap na iyon ay parang walang katapusan na kalaliman. Ang utak ng lalaking
nakaberde ay halos madurog sa ialim ng hindi makayanan na sakit at pahirap, ngunit ang mas
nakakatakot na aspeto ng Blood Fiend ay ginawa siya, sa buong proseso, ay nanitiling gising at
malinaw ang lahat.
Tanging ang manatiling gising, ang pagpapahirap ay mangyayari sa pinakamatindi nito!
Tahimik na nakatayo si Ye Sha at Ye Mei sa likod ni Jun Wu Yao, isang nag-aalab na emosyon
ang pumuno sa kanilang mga mata.
Ang sumunod sa tabi ni Jun Wu Yao sa mahabang panahon, ang dalawang lalaki ay malinaw na
nararamdaman kung gaano kalupit ang pagpaslang na nararamadaman ni Jun Wu Yao sa mga
sandaling iyon. Hindi nila naramdaman ang ganoong katinding pagpatay mula sa kanilang Lord
sa tinagal-tagal at tila nagdala sa kanila pabalik sa mga taon na iyon kung saan nasa tabi sila ni
Jun Wu Yao tuwing magpapaulan ng pagpatay saan man sila magpunta.
Ang dugo na lumamig na sa tagal ng panahon ay muling kumulo dahil sa emosyon nila sa mga
sandaling iyon.
Ito ang kanilang Lord na pinangakuan nila ng katapatan, at ang sagradong nilalang na gumawa
sa kanila!
Sa loob ng Night Regime, walang tama o mali, o katotohanan o kasinungalingan.
Ang tanging alam ng Night Regime ay sumunod sa utos ni Lord Jue.
Lahat at anumang utos!
Mula sa simula hanggang sa huli, ay nanatili ang parehong masamang ngiti sa mukha ni Jun
Wu Yao, parang ang lahat ng iyon ay hindi isang walang awa na pagpatay, hindi isang
pagpapahira, kundi isang interesanteng laro. Ang kaawa-awang iyak ng lalaking nakaberde, at
ang takot na lumalabas mula kay Elder Hui, ay mga laruan lamang upang malibang siya.
…
Sa loob ng masukal na kagubatan, ang grupo na nanatili sa paghihintay ay narinig ang kalunus-
lunos na pag-iyak na wala nang pag-asa, ang tunog na nagdulot ng kilabot sa buong katawan
nila.
At ang nakakasulasok na alingasaw ng dugo na natangay sa simoy mula sa masukal na
kagubatan ay masyadong makapal na halos mahilo sila.
"Big Brother Wu Yao… ano ang ginawa niya?" Tanong Qiao Chu habang napalunok ng malakas.
Nakatitig sa makapal na dahon ng kagubatan sa direksyong iyon, ang marinig lamang ang mga
tunog na iyon, at ang amoy na natangay sa hangin, ay nagpahindik sa kaniya hanggang sa
kaniyang buto.
"Mahigpit kong iminumungkahi na itago mo ang iyong pagkamausisa dahil wala iyang
maidudulot na mabuti sa iyo." Saad ni Fan Zhuo habang malalim na bumuntong-hininga,
sinubukang mabuti na pahupain ang tibok ng puso. Nararamdaman niya ang malakas at
matinding pagpatay na nagpapahirap sa kaniyang paghinga, ay unti-unting kumakalat sa
buong kagubatan.
Kung tama ang kaniyang hula, ang matinding pagpaslang ay nagmumula kay Jun Wu Yao.
Isang pagpaslang na matindi sa pakiramdam, at mula sa ganoong kalayo na distansiya, ay
nakaramdam siya ng pagkabalisa. Kung lalapit sila doon, natatakot siya na silang lahat ay hindi
kakayanin ang ganoong uri ng mapaniil na aura.
Hindi nagsalita si Jun Wu Xie. Nanatili lamang siyang tahimik na nakupo sa isang tabi, habang
buhay ang pusang itim sa kaniyang braso.
Ang pagpaslang na iyon, ay isang sayaw na inayos nito para sa kaniya.
Hindi niya ito pipigilan, at ni hindi niya gustong pigilan iyon.
Habang ang grupo ay nakalubog sa nakakatakot na kapaligiran, si Little Jue na tahimik na
nakaupo sa isang tabi sa simula pa lang, ay biglang tumayo ng walang sinuman ang
nakakapansin sa kaniya, at sinumulang maglakad ng kaniyang maiiksing binti, naglakad siya
patungo sa direksyon ng Heaven's End Cliff.