[Translator's Note mula sa Misty Cloud Translations: BABALA sa KARAHASAN! Kung maaari ay
iwasan ang kabanatang ito kung pakiramdam mo ay hindi ka mapalagay o hindi kayang
paglalarawan ng karahasan. Maraming salamat sa pagbasa sa MistyCloudTranslations.com.
Ngiyaw]
Sa ituktok ng Heaven's End Cliff, ang lalaking nakaberde ay hindi na magawang mag-ingay.
Ang malaking bahagi ng kaniyang katawan ay naging lawa na ng dugo at tanging ang ulo na
lamang niya ang natitira. Ang ulo na nadungisan ng dugo ay nakabitin sa ere, ang butas ng
ilong nito ay bahagyang sumiklab…
Hindi pa siya namamatay, buhay pa siya…
Sa sandaling iyon ay wala siyang ibang hiling kundi ang mamatay, kung saan hindi na niya
kailangan na pagdusahan itong tila walang katapusan na pagpapahirap.
Ang katawan niya ay unti-unting nabubulok, kinakain unti-unti, dumaranas ng pahirap na higit
pa sa kayang tiisin ng isang tao.
Mas pipiliin na lang niyang hindi mabuhay, kaysa ang tiisin ang nakakakilabot na bangungot na
iyon.
Pinanood iyon ni Jun Wu Yao na may ngiti. Kung hindi lamang dahil si Jun Wu Xie at mga
kasama nito ay nagmamadali na makababa sa Heaven's End Cliff, sa abilidad niyang kontrolin
ang bilis ng Bood Fiend,ay magagawa pa niyang magdusa ito sa mas mahirap na pagkamatay.
Isang buwan, o kaya ay taon…
Durugin ang kaniyang buto at ikalata ang kaniyang abo, ngunit hindi sapat lahat ng iyon upang
pahupain niya ang poot sa kaniyang puso.
Si Elder Hui na ginawa upang masaksihan ang buong proseso ngayon ay wasak na wasak na
ang puso. Matapos mamatay ng lalaking nakaberde, ay susunod na siya.
Kung maaari, ay mas pipiliin niyang mamatay na ngayon, at kahit na mamatay siya sa ilalim ng
ilang libong hiwa, ay masa madaling kamatayan iyon kaysa sa pagpapahirap na ipaparanas ng
Blood Fiend sa kaniya!
Dahan-dahang lumipat ang tingin ni Jun Wu Yao, at natuon sa anyo ni Elder Hui, at sa boses na
ang tunog ay tila nariyan na ang kamatayan, ay kaniyang sinabi.
"Ikaw na."
Biglang napaangat sa ere si Elder Hui. Sa ilalim ng mapaniil na aura ni Jun Wu Yao, ay nakitqa
niya ang sarili na hindi magawang gumalaw, hindi rin magawa ang mahinang pagdaing.
Kahit na isang Elder sa Flame Demons Palace, siya ay pinababa na maging isang kaawa-awa at
nanginginig na nilalang, ang labi niya ay namumuti na sa takot.
Inilabas muli ni Jun Wu Yao ang Blood Fiend, at sa eksaktong sandli na iyon ay pumunit sa
katawan ni Elder Hui ang Blood Fiend!
Isang pulang anyo ang biglang sumunggab sa kaniya!
Nagulat si Ye Sha at Yei Mei at agad kumilos ng biglang itaas ni Jun Wu Yao ang kaniyang mga
kamay upang pigilan sila.
Sa katawan ni Elder Hui, isang munting anyo ang nakakapit sa harapan ng dibdib nito!
Sa munting pares ng maputing kamay na iyon, matatalim na kuko ang tumubo doon, at
pumunit sa dibdib ni Elder Hui!
Saganang dugo ang umagos palabas sa malaking sugat na nagmantsa ng pula sa dibdib ng
munting anyo.
Isa iyong bata, na may inosente at walang malay na mukha, maliban sa pares ng mapupulang
matang iyon at ang ulo nitong may mapulang buhok!
"Si Little Jue." Agad nakilala ni Ye Mei ang munting anyo at ang mukha niya ay agad napuno ng
gulantang na ekspresyon.
Ang sulok ng mga labi ni Jun Wu Yao ay umangat habang nakatingin kay Little Jue.
Sa sandaling iyon, ay wala sa mata ni Little Jue ang kamusmusan na lagi nitong ipinapakita at
sa halip ay puno iyon ng purong kahayupan na pagnanasang pumatay. Ang alikmata nito ay
patayo ang guwang, tila mata ng ahas at ang nakakagiliw nitong munting pangil sa kaniyang
bibig ngayon ay humaba, at napakatalim.
Tinitigan nito ang maputlang mukha ni Elder Hui at ibinuka ang kaniyang bibig, at kinagat ang
mga pangil na iyon sa dibdib ni Elder Hui!
Sa sumunod na sandali, isang tumpok ng laman ang walang awa na napunit mula sa dibdib ni
Elder Hui!
Sa malaking awang ng sugat na iyon, ay maraming laman ang ginutay-gutay, ang dugo ay
umagos palabas at ang kaniyang tadyang na nasa loob ng dibdib ay malinaw na masisilayan!
Sa ilalim ng tadyang na iyon, isang tumitibok na puso ang makikita!
"Lord Jue…" Agad nagsalita si Ye Sha nang makita iyon.
Subalit humalukipkip lamang si Jun Wu Yao at tumingin ng kalmado at di natitinag kay Little
Jue na ngayon ay puno ng matinding pagnanasa ng pagpaslang.
"Tila hindi lamang ako ang nais maghiganti para kay Little Xie."