Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1296 - Pag-aayos ng Marka (6)

Chapter 1296 - Pag-aayos ng Marka (6)

Ang kulay dugo na sinulid ay mabilis na itinusok upang humukay sa dibdib ng lalaking

nakaberde. Ang lalaking nakaberde ay nagpumiglas habang ang mata ay nanlaki at ang

katawan ay nagsimulang mangisay!

Ang ibabaw ng balat na hindi natatakpan ng kaniyang kasuotan ay nagpakita ng linya-linyang

kulay dugong sinulid na nagsisimula itong balutin, ang sinulid ay nagniningning ng bahagyang

pula, tila isa itong makapal na sapot ng gagamba na bumabalot sa buong katawan nito.

sa isang iglap, ang hinliliit nito sa kanang kamay ay nagsimulang maging patak ng dugo, ang

buto at laman niya ay unti-unting natutunaw, at naging makapal at malapot na dugo,

tumutulo patak bawat patak sa lupa.

"ARRRGH!!!"

Ang mapanglaw na palahaw ay pumunit sa lalamunan ng lalaki. Malinaw na nararamdaman

niya ang matinding sakit sa kaniyang laman at buto na unti-unting nabubulok at natutunaw.

Ang hindi mailarawan na sakit ay halos magpawala sa kaniyang ulirat, ngunit nalaman niya na

siya ay pinanatiling may malay ng labag sa kalooban niya.

Bawat maliit na sakit ay malinaw na napapapintig sa kaniyang ugat sa buo niyang katawan!

"Blood Fiend… Blood Fiend…" Napatulala si Elder Hui habang ang daliri ng lalaking nakaberde

ay nabubulok hanggang maging dugo at ang sariling katawan niya ay di-sinasadyang

nagsimulang manginig.

Blood Fiend…

Isang natatanging abilidad na taglay ng Dark Emperor, kung saan ay ang sinuman ay magiging

lawa ng dugo. Ngunit magagawan niyang kontroling at manipulahin ang bilis ng pagkabulok,

upang maramdaman ng tao ang bawat sandali ng napakasakit na pagpapahirap sa

pamamagitan ng unti-unting pagkabulok ng katawan, habang ang takot at kilabot ay sumisira

sa utak ng tao.

Isa iyong pagpapahirap na wala sino man ang makakatiis.

Mayroong isang alamat tungkol sa isang lalaki na nasa tuktok ng kapangyarihan sa Middle

Realm. Nang pag-isahin ng Dark Emperor ang Middle Realm, ang lalaking iyon ay hambog na

inisip na magagawa niyang hamunin ang kapangyarihan ng Dark Emperor at ang lalaking iyon

ay "biniyayaan" na patikimin ng Blood Fiend.

Sa oras na ang Blood Fiend ay makapasok sa katawan, ang taong iyon ay hahatulan ng

kapalaran na mas masahol pa sa kamatayan. Ang lalaking iyon ay pinahirapan sa loob ng

tatlong araw at tatlong gabi, simula sa dulo ng kaniyang daliri at patuloy na kumalat. Sa

simula, ay mga daliri, sumunod ang palad, umakyat patungo sa braso, balikat at kumalat

pababa matapos iyon, mula sa dibdib hanggang sa binti. Sa huli, tanging ang ulo na lamang

nito ang naiwan at ang mas nakakatakot ay sa pinakahulo, kahit na ulo na lamang ang natira

sa lalaki, ay nanatili itong buhay…

Ang kilabot ng Blood Fiend ay tunay na nagdala ng takot sa mga tao sa Middle Realm at

walang sinuman ang naglakas loob na galitin ang Dark Emperor simula noon.

Silang lahat ay natakot, at nasindak…

Ngunit si Elder Hui ni sa panaginip ay hindi niya naisip, na isang araw ay mararanasan niya ang

kilabot ng Blood Fiend.

Lahat init sa kaniyang katawan ay tila tinakasan siya sa isang iglap, ang tainga niya ay puno ng

walang tigil na palahaw na nagmumula sa lalaking nakaberde. Isa iyong makabagbag-

damadaming sigaw na nagpatalon sa kaniyang puso. Bago pa man niya maranasan ang

pagpapahirap, ang takot niya ay nagpawala sa kaniyang isip.

Ito ay sinabi na kapag ipinataw ang Blood Fiend, ang taong tinamaan ng Blood Fiend ay

malinaw na mararamdaman ang bawat matinding sakit habang ang kaniyang lamang-loob ay

unti-unting nabubulok.

Ang isipin pa lang iyon ay nagpatayo sa kaniyang balahibo.

Blankong nakatitig doon si Elder Hui at sa sandaling iyon, ay nakabuo siya ng determinadong

pasya!

Bigla ay tinipon niyang lahat ang kaniyang spirit energy sa kaniyang palad at itinaas ang

kaniyang braso upang ipalo iyon sa tuktok ng kaniyang ulo!

Siguradong ikamamatay niya iyon, ngunit hindi niya nanaisin na matikman ang uri ng

pagpapahirap na ibibigay ng Blood Fiend sa kaniya.

Ngunit bago pa man makarating ang palad sa ulo niya, ang buong katawan niya ay biglang

pinamanhid ng biglang puwersa. Pakiramdam niya ay mayroong pumipigil sa kaniya, at hindi

niya maigalaw ang sarili maski kaunti.

"Pinayagan na ba kitang mamatay?" Ang boses ni Jun Wu Yao ay biglang narinig, ang boses na

iyon na puno ng tuwa, ay tila ang pinakamasama niyang bangungot na umalingawngaw sa

kaniyang tainga.

Nais niyang magmakaawa, ngunit hindi niya magawang igalaw ang bibig. Kaya naman, ang

tanging nagamit niya ay ang mata niya na puno ng takot at nakatitig kay Jun Wu Yao.

"Panoorin mo ng buo ang palabas habang unti-unti siyang namamatay, dahil ikaw ang

susunod." Saad ni Jun Wu Yao habang ang sulok ng kaniyang bibig ay napangisi, tulad ng sa

isang demonyong uhaw sa dugo.

Related Books

Popular novel hashtag