Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1295 - Pag-aayos ng Marka (5)

Chapter 1295 - Pag-aayos ng Marka (5)

Bagama't bumagsak na ang Dark Emperor, ngunit ang Night Regime ay naroon pa rin.

Bagaman ang Night Regime ay hindi isinasangkot ang kanilang sarli sa mga gawain sa Middle

Realm, kung mayroong bagay na konektado sa Dark Emperor ang mangyari, ay hindi nila ito

palalampasin ng hindi pinahahalagahan.

Maski masamang salita lamang iyon laban sa Dark Emperor, ang salarin ay walang-tigil na

uusigin ng Night Regime!

Ang lalaking nakaberde at si Elder Hui ay hindi maging sa panaginip nila, inaasahan na ang

Dark Emperor na yumanig sa buong Middle Realm, ang nag-isa ng bawat isang pangkat na

nasasakupan niya, ay biglang magpapakita sa kanila ng mga sandaling iyon.

[Hindi namatay ang Dark Emperor! Buhay pa siya!]

"Dark Emperor pakiusap patawarin mo kami! Pakiusap patawarin mo kami!!!" Ang lalaking

nakaberde ay nanginginig na parang isang dahon sa hangin, at hindi siya naabala sa

katotohanan na ang kaniyang puso ay lumundag patungo sa kaniyang lalamunan sa halip ay

agad napaluhod sa dumanak na dugo upang yumuko sa kapatawaran ng tuluy-tuloy sa

harapan ni Jun Wu Yao.

Kung ibang tao lang sana ang kanilang nakasalamuha, maaaring may pagkakataon pa silang

mabuhay.

Ngunit iyon ang Dark Emperor…

Ang karit ng Death, ay nasa leeg na mismo nila.

Ang pangalang Flame Demons Palace ay walang silbi sa sitwasyong iyon. Ano ngayon kung

mula sila sa Twelve Palaces? Hindi nito masasagip ang mga buhay nila sa anumang paraan!

"Dark Emperor…" Si Elder Hui ay nakaluhod rin, hindi magawang tawagin lahat ng kaniyang

lakas upang lumaban. Hilakbot na nakatitig ang mga mata, hindi mapaniwalaan ang lahat ng

nangyayari sa kaniya.

Naningkit ang mga mata ni Jun Wu Yao habang nakatitig sa dalawang lalaki na nawala ang

mga kaluluwa sa sandaling nakita siya, at mas lalong lumapad ang ngiti sa kaniyang labi.

"Tila kayong dalawa ay iningatang mabuti ang aking Little Xie noon."

Ang boses na iyon ay tunay na nakakabatubalani, tila boses iyon ng mga diyos, ngunit ng

umabot iyon sa tainga nila, para kay Elder Hui, ang tunog nito ay para bang dumating na ang

kamatayan.

"Dark Emperor maawa ka, Dark Emperor pakiusap patawarin mo ako… Hindi ko na muling

gagawin iyon… Hindi na kailanman…" Ang lalaking nakaberde ay umiiyak at pumapalahaw na

parang isang sugatang aso, nanginginig sa lupa at hindi nangahas na iangat ang kaniyang ulo.

Siya ay takot na takot.

Wala sinuman ang makakapantay sa Dark Emperor. Hindi siya, at hindi rin si Elder Hui.

Sinumang nagkasala sa Dark Emperor ay siguradong isa lamang ang kahihinatnan.

At iyon ang hindi nagbagong patakaran na halos habang-buhay sa Middle Realm!

Nakakakilabot na tinitigan ni Ye Sha ang dalawang lalaki na minsang nagdala sa kaniya at kay

Jun Wu Xie sa malalang kalagayan noon. Ngayon sila ay mas malala pa sa palaboy, nakaluhod

at nakayuko sa ahrapan ni Jun Wu Yao, nagmamakaawa para sa kanilang buhay. Ang eksenang

iyon ay halos pumukaw ng nakakakilabot na ngiti sa labi ni Ye Sha habang inaalala kung gaano

kayabang ang dalawang lalaking iyon noon, nang halos puwersahin nila ang Young Miss upang

mamatay.

Ngunit sa sandaling iyon, sa harapan ni Lord Jue, umaakto silang parang inalilang mga aso!

Sa harap ng matinding kalakasan, ang mga ito'y balewala kundi mga insekto na dapat tirisin.

"Hindi niyo kailangang matakot. Hindi ko kayo papatayin." Saad ni Jun Wu Yao habang

nakangiti, ang mala-demonyong lila na mata ay nakangiti sa kanila.

Ang lalaking nakaberde ay nanginginig na itinaas ang ulo, ang mukha ay puro luha at kahabag-

habag ang hitsura habang tinatanong: "Ta… Talaga…"

Bahagyang tumawa si Jun Wu Yao. "Sa mas madaling sabi, ay hindi ko kayo agad-agad

papatayin."

Ang mata ng lalaking nakaberde ay napaluwa sa takot, ang nagkukumahog niyang kamay at

binti ay agad nangunyapit sa huling pagsubok na makatakas sa impiyernong iyon. Ngunit bago

pa niya maipihit ang kaniyang katawan, ay bigla siyang dinampot at inangat sa ere ng hindi

makitang puwersa!

"Huwag! Huwag mo akong patayin! Napagtanto ko ang aking kamalian… Napagtanto ko na

ang aking kamalian…" Ang lalaking nakaberde ay pumapalahaw at ang luhat at sipon nito ay

tumutulo sa kaniyang mukha. Kung alam lamang niya na ang munting bata ay may koneksyon

sa Dark Emperor, kahit gaanong lakas ng loob pa mayroon siya, ay hindi siya maglalakas-loob

na hawakan maski isang hibla ng buhok ng batang iyon.

Subalit, ang kaniyang desperadong pagmamakaaw ay hindi nakumbinsi si Jun Wu Yao na

magpakita ng awa.

Itinaas ni Jun Wu Yao ang kaniyang kamay at ang lalaki ay inangat sa ere ng isang hindi

makitang puwersa. Pagkatapos ay itinaas niya ang isang kamay at unti-unti ay may sinulid na

kulay ng dugo ang lumabas mula sa dulo ng kaniyang daliri.

Related Books

Popular novel hashtag