Pagkatapos mahulog nila Jun Xian mula sa kanilang mga kabayo, may mga manlilingong sumugod sa kanila. Wala silang laban dahil sa kanilang panghihina at pinatay lahat ng gwardya. Hinuli si Jun Xian at dinala sa Bayang Imperyal.
Ang mga gwardya mula sa hukbo ay matagal nang sumusunod kay Jun Xian at mga kakampi niya, maituturing nang pamilya. Nagluksa si Jun Xian sa kanilang pagkamatay.
Dinala siya sa isang kulungan, kundi dahil sa pagdating ni Jun Wu Yao, hindi na siya nabuhay para makita ang kanyang anak at apo.
Kinwento niya ang mga nangyari, kahit na napapailing ang mga nakikinig sa kanya.
Nahiya si Mo Qian Yuan at yumuko dahil galing siya sa Bayang Imperyal, mas alam kaysa sa iba, ang mga taong may salarin.
Nangitim ang mukha ni Jun Qing. Sa kanilang pagtatangkang burahin ang Pamilya ng Jun, ginamit nila si Yue Yang nang alam na hindi sila papayag na mamatay ang kanilang tagapag-ampon sa ganung paraan. Responsable ang Pamilya ng Jun sa trahedya ng Pamilya ng Lin.
"Karamay kami ng mga Lin." Pumikit si Jun Xian sa sakit. Isang matagal nang sundalo, binigay niya ang kanyang buhay para sa bansa, ngunit ang Emperador na pinaglaanan niya ng kanyang hindi matitinag na katapatan, ay masama pala.
Walang sinabi ang sakit ng kanyang katawan sa nararamdaman ng kanyang puso.
"Gagaling si lolo pagkatapos ang ilang araw ng paggagamot." Nagliligpit si Jun Wu Xie matapos marinig ang kwento.
Magmula ang pagalis mula sa Palasyo, nakapagtatakang kalmado parin siya.
Dahil dito, mas kinabahan si Mo Qian Yuan, na nakita ang kanyang kalupitan.
"Lolo, tito, pagod na kayo, magpahinga po kayong maaga." Pinaalala ni Jun Wu Xie habang tumatayo.
"Wu Xie, sandali." Umupo si Jun Xian at tinignan si Mo Quan Yuan.
Naintindihan ni Mo Xuan Yuan na hindi siya dapat makinig at umalis. Pinigilan siya ni Jun Wu Xie: "Umupo ka."
Tumigil si Mo Qian Yuan, at tahimik na sumunod.
"Lolo, alam ko ang iyong sasabihin. Hindi ako nagpadalosdalos ngayon. Nagpasya akong ang sinumang may masamang balak laban sa Pamilya ng Jun ay mamamatay. Alam kong pipilitin mo akong magbago, ngunit patawarin mo ako, hindi na magbabago ang aking isipan." Lumuhod si Jun Wu Xie sa tabi ni Jun Xian ng may mga matang determinado.
Alam niyang mapagkumbaba ang pagpapalaki kay Jun Xuan, ngunit nakatanggap ng matataas na puri mula sa nakaraang Emperador mula sa kanyang mga kakayahan sa gyera. Ang kanyang pagtitiis sa Emperador ngayon ay pagbabalik-loob lamang sa mga biyaya ng naunang Emperador.
Ngunit hindi ibig-sabihin nito na susunod si Jun Wu Xie!
Nagulat si Jun Xian kay Jun Wu Xie na nakaluhod sa tabi ng kanyang higaan, at kahit na pagod, hinila si Wu Xie patayo.
"Ano ang naiisip mo!?"
"Hindi na magbabago ang isip ko." Hinayaan niya ang sarili niyang mahila, ngunit hindi na magbabago ang isip niya.
"'Tong bata….. saan niya nakuha yung tigas ng ulo niya?" Nagbuntong-hininga si Jun Xian.
"Pinipilit kitang magbago ng pag-iisip dahil nag-aalala akong malagay ka sa panganib, dahil sa iyong mga kilos na nakakabastos sa kapangyarihan ng Imperyal na Pamilya, at masaktan ang iyong sarili. Kung ikaw ay determinado, babantayan kita kahit na mamatay pa ako. Marami kang pinatay para pangalagaan ang kabanalan ng Pamilya ng Jun. Hindi na siguro sapat ang matandang mga buto ko, ngunit matutulungan ka na hindi pasaning mag-isa ang mga kabigatan."