Ang lalaking may berdeng kasuotan ay napataas ang kilay habang nakatingin sa mukha ng
lalaki na mas allong nagiging maputla at humahalakhak na nagsalita: "Wala kang ibang dapat
sisihin kundi ang inyong Elder dahil hindi siya malapit sa iyong mga tao. Si Elder Hui ay
nagmamalasakit sa bawat sa amin sa Flame Demons Palace at sa isang napakahalagang bagay
tulad nito, natural lamang na sumama siya sa amin dito."
Ang lalaki mula sa Palace of All Life ay patuloy na pinandilatan ang lalaking may berdeng
kasuotan, hiniling na makalundag siya papunta doon upang gutay-gutayin ito.
"Bagama't ang Palace of All Life at Flame Demons Palace ay hindi magkaanib, ngunit wala rin
namang alitan sa pagitan natin. Bakit bigla ay inaatake kami ni Elder Hu?" Ang tanging pag-asa
niya ay ang magawang makumbinsi si Elder Hui na parang ang labanan na ito ay matatapos na,
siguradong sila ang matatalo sa huli!
Malamig ang tingin ni Eldr Hui sa lalaki at hindi nagsalita, tila hindi siya mag-aaksaya ng
hininga para sa lalaki.
Sa halip ay ang lalaking may berdeng kasuotan ang tumatawang sumagot: "Walang alitan?
Tingin mo ba wala kaming alam? Nang hindi mahanap ng Palace of All Life ang iksaktong
kinaroroonan ng libingan ng Dark Emperor, ay gumawa kayo ng plano gamit ang lahat ng
paraan upang makuha ang mga mapa na hawak ng seven palaces. Napansin din sa mga
nagdaang taon, ang Palace of All Life ay aktibong kumikilos sa Lower Realm."
Natigilan ang lalaki mula sa Palace of All Life, at may kaunting bahid ng konsiyensya sa
kaniyang mata.
Ang libingan ng Dark Emperor ay napakahirap hanapin at ang mga pinadala dito ng mga
mayayaman sa simula ay hindi na nakabalik pa. Ngunit ang pitong iba pang palasyo ay
nakakuha ng bahagi ng mapa sa libingan ng Dark Emperor at nagdala iyon ng matinding
pagkagipit sa Palace of All Life. Ang Twelve Palaces ay mayroong patas na halaga ng
kapangyarihan sa kanila at laging pantay sa kanila. Ngunit ang ilang palaces na kabilang sa
kanila ay laging naghahanap na mabaliktad ang sitwasyon sa pagnanais na magkaroon ng
awtoridad na kapangyarihan sa Twelve Palaces.
At ang mga kayamanan at mahiwagang artifacts na nakabon sa libingan ng Dark Emperor ay
magbibigay sa kanila ng pagkakataong iyon!
"Bagaman hindi na dapat nakakagulat na nais gawin iyon ng Palace of All Life, ngunit sa lahat
ng di-kanais-nais na mga bagay na inyong ginawa, hindi niyo na dapat pinili na kalabanin ang
Flame Demons Palace." Saad ng lalaki na nakasuot ng berdeng kasuotan at ang mata ay
biglang kumislap!
"Ano ang ibig mong sabihin!" Gulat na tanong ng lalaki mula sa Palace of All Life.
Sumagot ang lalaking nakaberdeng kasuotan: "Ang Flame Demons Palace ay ibinigay ang
bahagi ng aming mapa sa Qing Yun Clan sa Lower Realm ngunit ang Qing Yun Clan ay biglang
binura ng sinuman sa isang kisapmata. At aming nalaman na ang paraan na ginamit ay
kapareho sa paggamit ng Palace of All Life sa kanilang mga lason. Tingin mo ba talaga ay hindi
kami gagawa ng kahit ano pagtapos noon? Nangahas kayo na kunin ang pagmamay-ari ng
Flame Demons Palace, at ngayon ay pagbabayaraan niyo iyon ng iyong buhay!"
Nang araw na iyon, ang lalaking nakasuot ng berde at si Elder Hui ay nagtungo sa Cloudy Peaks
at hindi nila inaasahan na makatagpo ng hindi inaasahan sitwasyon na walang ibang
pagpipilian ng mga panahon na iyon kundi ang bumalik sa Middle Realm. Hindi nila inakala na
sa kanilang pagdating muli sa Cloudy Peaks ay nadiskubre nila na ang pinili nilang piyon, ang
Qing Yun Clan, ay binura sa napakaiksing panahon lamang, kung saan bawat isang disipulo sa
buong Qing Yun Clan ay nilason!
Ang Flame Demons Palace ay unang pinili ang Qing Yun Clan sapagkat ang Qing Yun Clan ay
may matatag at kagalang-galang na puwersa sa Lower Realm. Tila hindi ito matitinag ng mga
pahanon na iyon ngunit ang Qing Yun Clan ay biglang binura at ang mapa na iniwan nila sa
Qing Yun Clan ay nawala!
Ang natitirang katanungan, kung ang Qing Yun Clan ay ang ipinagmamalaking angkan na
dalubhasa sa Medicine, sino sa Lower Realm ang makakagawa na burahin sila ng ganoon?
Sa Twelve Palaces, bukod sa Palace of All Life na kilala sa kanilang mga lason, ay wala na silang
maisip na iba pa!
Ang burahin ang buong Qing yun Clan, ay isang gawain na hindi kayang gawin ng sinuman
mula sa Lower Realm at ang Flame Demons Palace ay agad itinuon ang kanilang atensyon sa
Palace of All Life!
At ngayon na nakita na nila ito, paano nila mapapayagan ang mga taong ito mula sa Palace o
All Life na mabuhay!?
Ang lalaki mula sa Palace of All Life ay nanlaki ang mata at napanganga. Wala siyang kaalam-
alam tungkol sa bagay na iyon! Kung tunay ngang nakuha na Palace of All Life ang mapa,
paano nangyari na wala siyang kaalam-alam tungkol doon? Maliwanag na isa iyong hindi
pagkakaintindihan!
Subalit, nang ibubuka pa lamang niya ang kaniyang bibig upang magpaliwanag, isang
matangkad at balingkinitan na anyo ang biglang nagpakita sa gitna ng dalawang grupo!