"Sino ka!?" Tanong ng lalaki na nakaberde habang nakasimangot ang mukha at nakatitig kay
Jun Wu Yao na biglang nagpakita. Inakala niya na ang lalaki ay mula sa Lower Realm at ang
liwanag mula sa kaniyang Purple Spirit ay malawak na nagbag, handa nang alisin ang hindi
kilalang nilalang na sagabal sa kanilang daan.
Ngunit bago pa man siya makakilos, si Elder Hui na nakatayo sa kaniyang tabi ay bigla siyang
hinawakan sa balikat.
"Elder Hui?" May pagtatakang tanong ng lalaki na nakberde habang nakatingin kay Elder Hui.
Naningkit ang mata ni Elder Hui habang nakatuon ang paningin kay Jun Wu Yao.
"Huwag kang gumawa ng padalus-dalos na kilos." Malamig na saad ni Elder Hui.
"Bakit?" Naguguluhang tanong ng lalaki. Maging sa mga tao mula sa Palace of All Life, ay agad
silang kumilos upang paslangin agad. At ngayon maharap sa isang lalaki na mula sa Lower
Realm at sinabihan sila na Elder Hui na wag padalus-dalos ang kilos?
"Tignan mo." May itinuro ang baba ni Elder Hui at ang mata ng lalaking nakaberde ay natungo
ang direksyon doon, ang sulyap nito na nasa mukha ay bumaba sa paa ni Jun Wu Yao!
Bigla, ay napagtanto niya na ang paa ni Jun Wu Yao ay hindi nakatapak sa lupa, sa halip ay
nakalutang ito sa lupa, halos isang palad lapad.
Sa isang sulyap na iyon, ang lalaking nakaberde ay naligo sa malamig na pawis.
Ang lalaki mula sa Palace of All Life ay humihingal habang nakatitig kay Jun Wu Yao, at
kaniyang napansin ang kakaibang kababalaghan na nangyayari kay Jun Wu Yao.
Tulad ng lalaking nakaberde, siya man ay natigagal!
Ang paglutang ay ginagamit lamang ng mga pambihirang tao at sa buong Twelve Palaces,
bukod sa Twelve Palace Lords, wala ng iba pa ang nakakagwa noon. Higit doon, maging ang
mga Palace Lord, ay saglit lamang na nagagawa ang paglutang kung saan ay nagagwa iyon sa
pamamagitan ng pagtipon ng kanilang spirit powers sa ilalim ng kanilang mga paa at
napapanatili iyon sa sandaling oras lamang. Ngunit ang lalaking ito na nasa kanilang harapan
ay lantaran na ginamit iyon kapalit ng paglalakad at ang mas nagpakilabot sa kaniya ay hindi
niya matuklasan ang kahit kaunting bakas ng spirit power mula sa lalaki.
Sa sandaling iyon, ang mga tao mula sa Flane Demons Palace at Palace of All Life ay agad
napagtanto, na kahit anuman ang pagkakakilanlan ng lalaki na nasa kanilang harapan, ay
nagtataglay ito ng kapangyarihan na higit pa sa kanilang mga Palace Lords!
Ang isang puntong iyon ay sapat na upang magdala ng takot sa kaibuturan ng kanilang mga
puso.
Bagama't ang Twelve Palace Lords sa Middle Realm ay hindi maituturing na walang-katulad at
hindi magagapi, sila ay itinuturing na parte ng mayayaman. Hindi marami ang may kakayahan
na lagpasan sila at sinuman ang mayroong kapangyarihan na mas malakas kaysa kanila, ay
nagtataglay din ng kaparehong makapangyarihan na pinagmulan.
Sa sandaling iyon, kahit na ang mga taong iyon ay mula sa Flame Demons Palace o Palace of
All Life, ay hindi sila ganoon kamangmang upang hamunin si Jun Wu Yao sa anumang paraan.
Ang sagupaan at ingay ng mga sandata na kanina lamang ay pumuno sa buong lugar, ay agad
naglaho ng walang bakas sa pagpapakitang iyon ni Jun Wu Yao.
"Maari ko bang malaman ang pagkakakilanlan ng mahalagang estranghero? Ang Flame
Demons Palace ay may hinaharap na munting pribadong bagay ngayon at kung nagalit ka
namin sa anumang paraan, ako ay nakikiusap sa iyong pang-iintindi." Ang malamig at
aroganteng si Elder Hui ay biglang naging kapita-pitagan at ang tono ng boses nito ay naging
magalang at mapayapa.
Isang ngisi ang bumakas sa mukha ni Jun Wu Yao at ang sulyap nito ay pinasadahan ang mga
tao mula sa Flame Demons Palace ngunit wala ni isang salitang lumabas sa bibig.
Ang katahimikan niya ay mas lalong nagpakaba sa mga taong nakatayo sa Heaven's End Cliff.
Maya-maya, si Ye Sha at Ye Mei ay biglang nagpakita, agad nagbago ang mukha ng lalaking
nakaberde at ni Elder Hui!
Hindi ba't ang lalaki na nakaitim na roba ang nagpasabog ng kaniyang sarili noon sa Cloudy
Peaks? Hindi ba't namatay siya ng oras na iyon ng sumabog ang kaniyang katawan sa ilang
milyong piraso? Paano… nangyari na narito ito ngayon?
Ang lalaking nakaberde ay biglang nataranta. Sinubukan niyang kumbinsihin ang sarili na ang
lalaking nakikita niya ay hindi ang parehong lalaki na nakasagupa nila noon sa Cloudy Peaks,
ngunit kahit saan niya tignan, ang mukha ng lalaki ay parehong-pareho sa nakita niya noon sa
Cloudy Peaks! At maging ang damit nito at kilos ay parehong-pareho!
Ang mas nagpakilabot sa kaniya, ay ang mga salitang tinanong ni Jun Wu Yao sa lalaking iyon!