Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1282 - Ito ay isang Rebolusyon (2)

Chapter 1282 - Ito ay isang Rebolusyon (2)

Bagama't nalinaw itong nakasulat ng itim na tinta sa puting papel, nahihirapan pa rin si Jun

Xian na paniwalaan iyon.

At sa sandaling iyon, ay pinalaya ni Jun Wu Xie ang kaniyang spirit power upang mag-alab

palabas sa kaniya!

Sa buong katawan ni Jun Wu Xie, ay isang nakakabulag na purple na ilaw ang matinding

nagliwanag. Nanlaki ang mata ni Jun Xian ang ito'y napanganga habang tinititigan ang

nagbabagang Purple Spirit sa palibot ng katawan ni Jun Wu Xie at ang mata niya ay hindi

makapaniwala.

Nang ang Qi Kingdom ay naipit sa isang krisis kamakailan, ay talagang nasorpresa ang ama at

anak ng Jun Family nang inilabas ni Jun Wu Xie ang kaniyang blue spirit. Ngunit kumpara sa

Purple Spirit na nakikita niya ngayon, ano lang ba ang blue spirit?

"Ito… Ito'y totoo…" Nanginginig ang boses ni Jun Xian habang sinasabi iyon.

Binawi ni Jun Wu Xie ang spirit power na naglalagablab sa kaniyang katawan at seryosong

tumingin kay Jun Xian at sinabi: "Ang paraan ay hindi naman ganoon kahirap na pag-aralan at

ibinibigay ko ang paraan sa'yo ngayon Grandfather dahil hiling ko na gamitin mo ito

Grandfather sa mabuting paraan sa pamamagitan nang pagtuturo nito sa lahat ng mandirigma

ng Qi Kingdom."

Ang Middle Realm ay ilang ulit na nilusob ang Lower Realm dahil lamang sa dominanteng

lakas, bakit hahayaan ni Jun Wu Xie na gawin nila ang kanilang mga gusto?

[Kung ang Lower Realm ay magagawa rin ang paraan na iyon kung saan pansamantala nila

maitataas ang antas ng kanilang spirit power, kung gayon kapag ang mga tao mula sa Middle

Realm ay nagpunta at sinubukang gumawa ng kaguluhan muli sa Lower Realm, ay hindi na

magiging ganoon kadali para sa kanila!]

"Saan nagmula ang tungkol dito? Magagawa ba talaga ito ng kahit sinong pangkaraniwan na

mandirigma?" Ang boses ni Jun Xian ay kababakasan na ng hindi makontrol na kasiyahan.

"Hindi na mahalaga kung saan ito nagmula. Grandfather, magtiwala ka na ang ibinigay ko ay

magagawa ng karaniwang tao. Isinulat ko na ng detalyado ang pamamaraan at lahat ng

kailangan doon. Kailangan kong umalis muli makalipas ang ilang araw at hangad ko na lubusan

mo itong magamit Grandfather." Hindi nais ni Jun Wu Xie na mapalapit sa mga bagay-bagay

tungko sa Middle Realm at iniwan niya ito dahil nais niyang bigyan ng oportunidad ang Lower

Realm na magawang iapagtanggol ang kanilang mga sarili.

Hindi lamang iyon para sa Qi Kingdom. Naghanda rin siya ng dalawang hanay upang ipadala sa

Buckwheat Kingdom at Fire Country.

Bagama't siya ang Young Miss ng Lin Palace sa Qi Kingdom, siya rin ang Emperor ng Fire

Country, at ang Buckwheat Kingdom ay kaalyado ng Fire Country.

Sa tatlong magkakaanib na hukbo, ay hindi nais ni Jun Wu Xie na maghirap sila dahil sa

kahinaan.

"Ang ibinigay mo sa akin ay masyadong mahalaga at ang ipalaganap ito sa ating mga tauhan,

ay mangangailangan ito ng matinding preparasyon. Ngunit wala kang dapat ipag-alala

hahawakan kong mabuti ang bagay na ito." Saad ni Jun Xian, bakas sa boses ang pagka-antig.

Sa pamamaraan na ito, ay hindi na nila kailangan pa mangamba sa kakulangan ng Purple

Spirits.

Bagama't ang Purple Spirits ay hindi maikukumpara sa tunay na Purple Spirits, ngunit kung

iisipin, kung ang isang hukbo ay ilang miyon na mas malakas ay may mga tauhan na magagawa

na gamitin ang paraan na ito, sa loob ng ilang minuto lamang, isang napakagandang tanawin

iyon! Sa mga sandaling iyon, hindi mapigilan ni Jun Xian ang dugo na rumagasa dala ng

matinding kasiyahan na kaniyang nararamdaman!

Nakipag-usap pa si Jun Xian kay Jun Wu Xie ng ilang sandali pa at pagkatapos ay hindi na siya

naghintay pa ng matagal at agad na nagtungo sa kampo ng Rui Lin Army at hinanap si Jun

Qing.

Ang pagkakaroon ng walang katumbas na kayamanan, ay mangangailangan ng maingat na

pagpapalano upang maayos itong maipatupad.

Pinanood ni Jun Wu Xie ang palayong likuran ni Jun Xian at isang init ang bumalot sa kaniyang

puso. Upang makapaghatid ng ligaya sa miyembro ng kaniyang pamilya, kahit ano pa ang

dapat niyang gawin, ay siguradong magiging sulit.

Pagkatpos asikasuhin iyon, ay ibinigay ni Jun Wu Xie ang kaniyang reseta kay Mu Chen sa kung

paano mapapalawak ang meridian ng isang tao. Sa paglalakbay na ito sa Heaven's End Cliff,

hindi niya alam kung gaano katagal bago siya muling makakabalik kaya nais niyang maiayos

ang mga bagay-bagay upang maiwanan niya ang mga ito na kampante ang kaniyang puso.

Sa reseta kung paano mapapalaki ang meridian ng isang tao, nais ni Jun Wu Xie na hatiin ni

Mu Chen ang elixir sa tatlong bahagi matapos makumpleto ang mga ito, at upang makapag-

bigay ng tuloy-tuloy na tustos sa Qi Kingdom, Fire Country at Buckwheat Kingdom sa isang

permanenteng batayan. Sa pagnanais niya na hindi na pahirapan ang Lower Realm ng Middle

Realm, ang kinakailangan upang mangyari iyon ay kung ang mga tao mula sa Lower Realm ay

magiging tunay na malakas!