Nang matapos gawin lahat ng kailangan asikasuhin, si Jun Wu Xie at ang kaniyang mga kasama
ay itinakda na ang kanilang paglalakbay patungo sa Heaven's End Cliff upang matuklasan ang
lihim ng libingan ng Dark Emperor.
Ang lahat ay sumakay na sa karwahe at umalis na sa Imperial City ng Qi Kingdom.
Si Jun Wu Xie ay nasa parehong karwahe kung nasaan si Jun Wu Yao at sa loob rin ng
karwaheng iyon, si Lord Meh Meh at ang Sacrificial Blood Rabbit ay binaluktot ang kanilang
mga sarili upang magsumiksik kay Jun Wu Xie, ang mata nila ay puno ng pag-iingat habang
nakatingin kay Jun Wu Yao.
Tanging ang pusang itim ang kalmadong nakahiga sa braso ni Jun Wu xie ngunit maging ang
tingin sa mga mata nito ay kakaiba rin.
Si Jun Wu Yao ay minamasdan din si Jun Wu Xie. Iniisip niya kung ano ang nangyari sa dalaga
nitong nakaraan sapagkat ito'y nagbago at naging isang nilalang na inilagay siya sa pagkawala.
Nang ang paris ng malinaw at malamig na matang iyon ay nakatingin sa knaiya, tila may bahid
ito ng tuwa at parang hindi naman iyon naiiba sa noon, ngunit gayunman ay pakiramdam ni
Jun Wu Yao na may nagbago kay Jun Wu Xie.
Ang muling pagpunta sa Heaven's End Cliff, si Jun Wu Xie at ang kaniyang mga kasama ay
hinandang mabuti ang kanilang mga sarili sa pagkakataong iyon. Ang kanilang naranasan
noong nakaraan sa Heaven's End Cliff ay sariwa pa rin sa kanilang mga isip at kahit na
nakumpleto na nila ang mga mapa, ay hindi pa rin sila nangahas na maging pabaya. Sa lugar
na iyon na kinuha na ang hindi mabilang na buhay ng mga tao, ang kaunting pagkakamali ay
maaaring maging kapalit din ang kanilang buhay.
"Sa oras na mabuksan ang libingan ng Dark Emperor, ay siguradong mayroong mapapansin na
kung ano ang Middle Realm, at paniguradong maraming tulad nila ang magpupunta sa Lower
Realm sa mga sandaling iyon. Naisip na ba ni Little Xie kung paano haharapin ang tungkol
doon?" Tanong ni Jun Wu Yao habang nakaupo at hawak ang kaniyang baba, nakatingin kay
Jun Wu Xie na nakauop salungat sa kaniya, ngunit ramdam pa rin niya na ang pagbabago na
nangyari sa munting nilalang ay medyo nakakapagtaka.
Ngunit masasabi rin na ang pagbabagong iyon ay ikinagalak rin niya,
Tila ang distansiya sa pagitan nila sa hindi inaasahan ay nagpalapit din sa kanila.
Bahagyang tumango si Jun Wu Xie. Sa sandaling iyon, ay napag-isipan na niya ang tungkol
doon. Ang mga tao mula sa Middle Realm ay pinasakit ang kanilang mga utak sa kakahanap ng
libingan ng Dark Emperor at naggugol na ng matinding sikap upang sa huli ay wala. Kung alam
lamang nila na ang libingan ng Dark Emperor ay nabuksan na ng isang tao, ang epekto ng
rebelasyong iyon ay siguradong matindi para sa kanila kaysa sa anumang bagay na nangyari
noon.
Ang magmay-ari lamang ng jade ay nagagawa ang isang inosente na maging kriminal. Sa oras
na malaman ng mga tao mula sa Middle Realm na sila ang nagbukas ng libingan ng Dark
Emperor, ang uri ng mapanganib na pag-uusig na kanilang kakaharapin ay mas matindi kaysa
sa kanilang inaakala.
"Bagama't ang mga tao mula sa Twelve Palaces ay hindi pa rin nagtatagumpay na mahanap
ang eksaktong kinaroroonan ng libingan ng Dark Emperor, paniguradong maglalagay sila ng
kanilang mga tauhan upang bantayang mabuti ang lugar. Sa oras na buksan ninyo ang libingan
ng Dark Emperor, iyon ay hindi makakaligtas sa kanilang paningin. Kaya iminumungkahi ko na
hangga't wala pa kayong sapat na lakas, ay huwag muna kayong aalis sa libingan ng Dark
Emperor." Saad ni Jun Wu Yao, bakas sa boses nito ang pagiging seryoso.
Anong uri ba ng hindi mapipigilan na gayuma mayroon ang libingan ng Dark Emperor para sa
Middle Realm, ay malinaw at hindi na kailangan pa pag-isipan.
Upang makuha para sa kanilang mga sarili ang kayamanan na mayroon ang libingan ng Dark
Emperor, ay magbabayad sila kahit magkano, at si Jun Wu Xie kasama ang kaniyang grupo, ay
magiging puntirya ng lahat sa MIddle Realm.
Nanigas ang labi ni Jun Wu Xie. Paanong hindi niya malalaman na ang pagbukas ng libingan ng
Dark Emperor ay simula pa lang ng lahat.
Sa oras na tumungtong sila sa libingan ng Dark Emperor, ibig din nun sabihin ay pinili nila na
kalabanin ang buong Middle Realm.
Kung wala silang taglay na kakayahan upang protektahan ang kanilang sarili, kahit na makuha
nila ang lahat na nasa loob ng libingang ng Dark Emperor, sa huli ay makukuha rin iyon sa
kanila ng mga tao mula sa Middle Realm.
At lahat ng pagsisikap na ibinigay nila sa huli ay upang ihatid lahat ng iyon sa kamay ng
kalaban.
"Iniisip ko na ako'y sumulong sa Purple Spirit habang nasa loob ng libingan ng Dark Emperor."
Determinadong saad ni Jun Wu xie habang nakatitig kay Jun Wu Yao.
Siya ay isa ng blue spirit at upang makasulong sa Purpel Spirit sa maiksing oras ay talagang
mahirap makamit. Ngunit ang kasalukuyang sitwasyon ay walang ibinibigay sa kaniya na
pagpipilian kundi ang sumugal.
Ang lahat ay magsisimula pa lamang.