Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1268 - Ang Iyong Pagbabalik (2)

Chapter 1268 - Ang Iyong Pagbabalik (2)

Inangat ni Jun Wu Xie ang kaniyang ulo at tumingin sa kaakit-akit na baba na iyon, at isang

liwanag ang kumislap sa kaniyang mata.

Napansin ni Jun Wu Yao ang kilos nito at isang ngiti ang namutawi sa kaniyang labi, bahagya

siyang yumuko upang masdan si Jun Wu Xie na nakatingin sa kaniya na nanlalaki ang mata.

Naisip na sobrang nakakaakit ito sa sandaling iyon, hindi niya napigilan ang sarili na magtanim

ng halik sa tungki ng maliit nitong ilong.

Namula ang mukha ni Jun Wu Xie at mabilis siyang yumuko.

Si Jun Wu Yao na nasa likuran niya ay bahagyang tumawang nanunudyo.

"Talaga bang mapapagaling siya ng Soul Calming Jade?" Tanong ni Jun Wu Xie habang

nararamdaman ang hindi maipaliwanag na init sa kaniyang mukha. Ang hindi pamilyar na

emosyong iyon ay nagbigay sa kaniya ng hindi komportableng pakiramdam at kinailangan

niyang baguhin ang usapan at ibalik ang tingin sa anyo ng munting Emperor.

Tumingin si Jun Wu Yao kay Jun Wu Xie habang sinusubukang ibahin ang paksa at naisip niya

iyon ay nakakatuwa. Ngunit hindi siya nababahala na ipilit iyo at matiyaga na lamang niyang

niyakap si Jun Wu Xie sa kaniyang braso at sinabi: "Magagawa nito, ngunit mangangailangan

ito ng mahabang oras. Ang Scarlet Blood sa katunayan ay isang binagong anyo mula sa isang

bagay na kung tawagin ay Scarlet Darkness sa Midlle Realm ngunit mayroong isang malaking

problema doon. Ang Scarlet Blood at Scarlet Darkness ay ibinatay sa parehong konsepto

ngunit ang Scarlet Blood ay kulang ng isang kritikal na elemento, ang bunga nito ay isang

produkto na mas mababa."

Ang sulyap ni Jun Wu Yao ay natuon sa munting Emperor na nakahiga sa kama.

"Scarlet Darkness? Ano iyon?" Mausisang tanong ni Jun Wu Xie.

Tumatawang sumagot ni Jun Wu Yao: "Ang bagay na iyon ay mula sa Dark Region. Matagal na

panahon na ang nakalipas, ang Dark Emperor ay ginamit ang Scarlet Darkness upang gumawa

ng grupo ng makapangyarihan na tagasunod at hindi nalalaman kung saan ang ibang

kapangyarihan sa Middle Realm ay nalaman ang ilang impormasyon tungkol doon at nais

tularan ang buong bagay na iyon, ngunit ang nagyari sa huli ay aso ang naiguhit at nabigong

ipinta ang tigre na nakita nila sa kanilang kaisipan (Translator's Note: Chinese idiom maluwag

na isinalin - Ang bigong pagkopya ng isang bagay at sa huli'y mababa ang kinalabasan.) Ang

Scarlet Blood ay hindi kumpleto at bagaman na nakagawa sila ng makapangyarihan na mga

mandirigma, at hindi nila nagawang mabuhay ng matagal pagkatapos niyon. Ang

kapangyarihang nakuha sa halaga ng spirit at buhay ng isang tao, ay wala gaanong gamit."

[Ang magkaroon ng buhay na tatlong araw, kahit gaano pa sila kalakas, ano ang makakamit

nila?]

[Sa tatlong araw, hindi ba't sa huli ay magiging tumpok lamang sila ng buto sa ialim ng lupa?]

"Ang Soul Calming Jade ay isang mahalagang kayamanan para sa spirit bodies at bagama't

kalahati lamang iyon, ay magiging pektibo pa rin ang gamit nito."

Tahimik na makinig si Jun Wu Xie at ang puso niya sa wakas ay nakaramdam ng

kaginhawahan.

Marahil ay talagang pagod lamang siya, o dahil siguro sa paglitaw ni Jun Wu Yao kaya

nakaramdam si Jun Wu Xie ng kaligtasan. Yakap ng mga braso ni Jun Wu Yao, si Jun Wu Xie ay

nakaidlip.

Binuhat ni Jun Wu Yao ang natutulog na si Jun Wu Xie sa kaniyang braso, dinala sa silid nito

upang makapagpahinga. Pagkatapos ay tumalikod upang mulang magtungo sa silid ng

munting Emperor.

"Lord Jue." Nanatili si Ye Mei sa tabi ng higaan ng munting Emperor upang bantayan ito ngunit

sa pares ng mga matang iyon na nakatingin sa munting Emperor, ay walang anumang bahid ng

simpatya.

"Dapat ba siyang patayin ng inyong lingkod?" Ang boses ni Ye Mei ay matindi at puno ng

kagustuhang pumaslang.

Lahat ng napeste ng Scarlet Blood, ay isang uri ng insulto kay Jun Wu Yao at hindi nila dapat

payagan na manatili itong buhay.

Naglakad palapit sa tabi ng higaan ng munting Emperor si Jun Wu Yao at minasdan ang piraso

ng Soul Calming Jade na nasa harapan ng dibdib ng munting Emperor na unti-unting nagiging

likido ang anyo habang sumasama sa katawan ng munting Emperor at sinabi: "Ang mga tao sa

Middle Realm ay talagang sinubukang mabuti na gayahin ang karangyaan ng Night Regime

ngunit sila'y bigo. Ye Mei, alam mo ba kung sa anong paraan naging iba sa inyo ang munting

batang ito na nasa higaan?"

Umiling si Ye Mei.

"Hindi ko alam."

Naningkit ang mata ni Jun Wu Yao at ang sulok ng labi niya ay napangisi.

"Ang Scarlet Blood ay matagumpay na nagaya ang lahat na mayroon sa Scarlet Darkness,

ngunit may isang bagay na hinding-hindi magagawang kopyahin at siguradong hindi

mapapalitan. Alam mo ba kung ano iyon?"

"Hindi alam ng inyong lingkod." saad ni Ye Mei.

Dahan-dahang itinaas ni Jun Wu Yao ang kaniyang kamay, at gamit ang kuko sa kaniyang

hinlalato, at kinaskas niya ang balat sa kaniyang hinlalaki.