Isang malinaw na patak ng pulang dugo ang namuo sa hinlalaki ni Jun Wu Yao.
"Lord Jue!" Tawag ni Ye Mei dala ng matinding gulat.
Pagkatapos ay hinayaan ni Jun Wu Yao na tumulo sa labi ng munting Emperor ang dugo, ang
matingkad na patak ng dugo ay dahan-dahang umagos mula sa labi ng munting Emperor
patungo sa bibig nito.
"Ang kulang doon,ay tanging dugo ko lamang." Saad ni Jun Wu Yao na marahang tumawa, ang
mata niya ay puno ng pangungutya.
Sa ilalim ng Heavens, walang iba bukod sa kaniya ang makakagawa ng tunay na Scarlet
Darkness.
"Lord Jue, paano mo nagawa ito…" Bulalas ni Ye Mei habang hindi makapaniwala na nakatitig
kay Jun Wu Yao. [Ang kaniyang Lord Jue ay tunay na ginamit ang kaniyang sariling dugo at
ibinigay sa munting bata mula sa Lower Realm… Paano nangyari ito!?]
"Basta makapagpapasaya ito kay Little Xie." saad ni Jun Wu Yao at tumalikod na upang umalis
nang walang pasubali. Wala siyang pakialam kung mabuhay o mamatay ang munting Emperor,
at wala rin siyang malasakit sa kapakanan ng munting Emperor. Ang tanging alam niya ay
nagmamalasakit si Jun Wu Xie, at umakto lamang siya dahil doon. Kung hindi, ang buhay at
kamatayan sa Lower Realm ay hindi mahalaga sa kaniya.
Huminga ng malalim si Ye Mei at minasdan ang munting Emperor na nakahiga sa kama, ngunit
sa pagkakataong iyon ay naglaho na ang pagnais niyang pumaslang.
Ang dugo ng Dark Emperor ay isang bagay na maraming tao ang naghahangad na magkaroon.
Hindi mabilang na mga tao sa Middle Realm ang gumugol ng matinding pagsisikap, upang
makakuha ng isang patak ng dugo ng Dark Emperor, ngunit wala sinuman ang nagtagumpay.
Ngunit ang munting nilalang na ito mula sa Lower Realm ay naging mapalad ngayon…
Hindi na tinapunan ni Ye Mei ng sulyap ang munting Emperor pagkatapos niyon at agad na
sinundan si Jun Wu Yao palabas.
Nang magising si Jun Wu Xie, ay nakaupo sa tabi ng higaan si Jun Wu Yao at nakangiting
nakatingin sa kaniya. Nang makita ang guwapong mukhang iyon sa kaniyang pagmulat, ay
hindi sinasadya na sumikdo ang puso ni Jun Wu Xie.
Si Lord Meh Meh at ang Sacrificial Blood Rabbit ay palaging natutulog kasama si Jun Wu Xie
ngunit sa hindi malaman na kadahilanan ngayong araw, silang dalawa ay nakabaluktot na
parang mga bola at nagtatago sa sulok ng silid. Nang makita nilang magising si Jun Wu Xie, ang
mata ng dalawang hayop ay napuno ng pagkabalisa, tila nakaranas sila ng matinding kaapihan
at naghahanap ng proteksyon mula sa kanilang Mistress.
Subalit…
Hindi napansin ni Jun Wu Xie ang pagmamakaawa sa kanilang mga mata.
"Gaano ako katagal nakatulog?" Marahang tanong ni Jun Wu Xie habang nakatingin kay Jun
Wu Yao.
"Hindi gaanong matagal." Nakangiting tugon ni Jun Wu Yao.
Bumangon si Jun Wu Xie at ang pusang itim na nasa tabi ay iwinasiwas ang kaniyang buntot at
humikab, tamad na lumukso sa sahig.
Tumingin sa dalawang munting hayop na nagsusumiksik sa isang sulok at hindi nangahas na
gumalaw, ang mukha ng pusang itim ay pareho tulad ng dati.
Matapos bumangon, ay pinakain muna ni Jun Wu Yao si Jun Wu Xie bago ito umalis upang
suriin ang kalagayan ng munting Emperor.
Kapapasok pa lamang niya sa silid ng munting Emperor nang siya ay magulantang sa kaniyang
nakita at hindi nakagalaw sa kaniyang kinatatayuan. Ang munting Emperor na nakahiga at
hindi kumikilos nitong mga nakaraan at hindi gumagawa ng anumang ingay ay nagising ng
walang nakakaalam. Ang bagay na lalong nagpatahimik kay Jun Wu Xie ay…
Nakikita niya ang munting Emperor na nginunguya ang kaniyang kumot…
Ang binurdahang kumot ay pinunit ng munting Emperor at ang kumpol ng mga bungkos na
bulak ay nakakalat sa buong higaan, ngunit ang munting Emperor ay nanatiling walang
muwang na nginunguya ang kumot, at isinubo pa nito ang bungkos ng mga bulak na nalaglag
sa kaniyang bibig!
Si Jun Wu Xie ay nakaramdam pa rin ng kaunting pagkagulat at agad siyang lumapit upang
kunin palayo ang kumot mula sa kamay ng munting Emperor.
Ang munting Emperor ay tila nagulat ng ilang sandali at ang mukha niya ay mukhang naapi,
tumingala siya kay Jun Wu Xie at kimi na nagsalita: "Yit blanky…"
"..." Hindi mahanap ni Jun Wu Xie ang salita. Ito ang unang pagkakataon na nagsalita ang
munting Emperor matapos niyang matamaan ng Scarlet blood, ngunit ang mga salita na
sinasabi nito ay hindi nagbibigay ng kahit anong saya sa kaniya.
[Anong ibig mo sabihin na "yit blanky"!?]
[Gaano ba ito kagutom!?]
"Ipagutos mo na maghanda ng pagkain at dalhin dito." Saad ni Jun Wu Xie kay Ye Sha na nasa
kaniyang tabi habang hinihilot ang kaniyang sentido.