Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1263 - Ang Pagbabalik (2)

Chapter 1263 - Ang Pagbabalik (2)

Ang buwan ay tila isang mabagsik na karit ang hugis, at sa ilalim ng kalangitan ng gabi, ang

pulang dugo ay malayang dumaloy. Sa makapal na kagubatan na tumitibok pagkatapos ng

isang pagpaslang, maging ang hangin ay tila nabahiran ng malapot na dugo.

Sa ilalim ng sinag ng buwan, isang matangkad at balingkinitang anyo ang nakatayo sa luntiang

damuhan na basang-basa ng dugo, ang lilang mga mata ay nagniningning sa sobrang tuwa na

dala ng matinding pagpaslang.

"Lord Jue!" May nakita si Ye Mei sa paghahalungkat nito sa tambak ng mga bangkay na nasa

tabi at dinala iyon sa kamay ni Jun Wu Yao.

Tinapunan ito ng mabilis na tingin ni Jun Wu Yao at pagkatapos ay sinabi: "Itago mong

mabuti."

"Masusunod!" Kinuha ni Ye Mei ang bagay na iyon na may mantsa ng dugo at itinagong

mabuti sa loob ng kaniyang kasuotan at agad sinabi: "Nakatanggap ako ng balita na pinadala

ni Ye Sha at sinasabing ang Young Miss ay nagawang burahin ang Condor Country at hinati ang

lupain ng Condor Country sa pagitan ng BUckwheat Kingdom at Qi Kingdom. Sa ilalim ng utos

ng Young Miss, si Ye Sha ay may tinutugis na lalaki mula sa All Dragons Palace at ang Young

Miss ay nakaalis na at pabalik na sa Qi Kingdom."

Ang isa sa kilay ni Jun Wu Yao ay napataas at ang sulok ng labi niya ay napangisi.

"Ang kilos ng munting bata ay nagiging suwabe. Isang bansa lamang iyon ng mga insekto, hindi

mahalaga kung mawasak iyon o hindi."

"Kung gayon Lord Jue, babalik na rin ba tay?" Tanong ni Ye Mei.

Kinawit ni Jun Wu Yao ang kaniyang daliri at lahat ng dugo na nasa lupa ay tila nahatak ng

isang hindi makitang puwersa, nagtipon at umikot sa daliri ni Jun Wu Yao, at kalaunan ay

nagsama-sama at naging isang butil ng dugo.

Inilagay ni Jun Wu Yao ang buti sa kaniyang bibig, at inangat ang kaniyang mata upang masdan

ang buwan na nasa dakilang kalangitan ng gabi.

"Kinakailangan na natin bumalik."

"May isang bagay pa…" Pag-aalangan ni Ye Mei. Tungkol sa bagay na iyon, hindi siya nang-

ahas na sabihin ang tungkol doon.

"Magsalita ka." Utos ni Jun Wu Yao.

"Nadiskubre ni Ye Sha ang presensiya ng Scarlet Blood at Poison Men sa Condor Country… Ang

All Dragons Palace ay tila nais gamitin ang dalawang paraan na iyon upang magkaroon ng

kontrol sa kapangyarihan sa Lower Realm."

Katatapos pa lamang sabihin iyon ni Ye Mei nang maramdaman niya ang hangin sa paligid ay

tila bumaba ng ilang grado!

Maging ang tunog ng hangin ay tila naglaho.

Naningkit ang mata ni Jun Wu Yao, ang lila nitong mata ay napuno ng nakakahindik na kislap

ng pagpaslang.

"Ang basura mula sa Middle Realm ay nang-aahas pa rin na gamitin ang Scarlet Blood?"

Huminga ng malalim si Ye Mei upang tawagin ang kapangyarihan niya at maiwasan na

masugatan siya sa malakas na aura ni Jun Wu Yao.

"Ang Twelve Palaces ay kinikimkim pa rin ang masamang intensyon nila nang napakatagal na

panahon. Sa mga nagdaang taon, nang ipahinto ni Lord Jue ang Scarlet Blood, silang lahat ay

sumunod at hindi naglakas-loob na kumilos nang padalus-dalos ngunit ang hindi pagsang-ayon

ay tila nabubuo muli sa kanilang mga ulo. Lord Jue… kailangan ba natin ipadala ang

impormasyong ito sa Dark Regions?"

Naningkit ang mata ni Jun Wu Yao habang nag-iisip at itinaas ng bahagya ang kamay upang

yugyugin ito ng kaunti.

"Hindi pa ito ang tamang panahon."

Nangalit ang ngipin ni Ye Mei at nagpatuloy: "Ang Scarlet Blood ay orihinal na ginawa ng mga

hangal ng Twelve Palaces na ibinatay sa Scarlet Darkness ni Lord Jue. Ang mismong pag-iral ng

matabang at mababang kopya na iyon ay isang insulto kay Lord Jun at kung walang balak si

Lord Jue na isiwalat ang balita sa Dark Regime, kung gayon ako'y nagsusumamo kay Lord Jue

na maglabas ng kautusan sa inyong lingkod upang harapin ang mga basurang iyon mula sa

Twelve Palaces."

[Para magdusa sa isang kahihiyan ang Lord, iyon ay dahil sa kawalan ng kakayahan ng mga

kampon!]

[Maaari silang mamatay, ngunit hindi nila dapat payagan ang sinuman na magdulot kay Jun

Wu Yao maski kaunting kahihiyan.]

Tumingin si Jun Wu Yao sa mukha ni Ye Mei na puno ng matinding galit, at bigla itong

humalakhak ng malakas.

"Sa sandaling ito, ay wala talaga ako sa kagustuhan na paglaruan ang mga insekto. Kailangan

muna nating magbalik sa Qi Kingdom, at sa halip ay ihandog ang malaking regalo na ito kay

Little Xie. Hindi ba't nais niyang mahanap ang libingan ng Dark Emperor? Ngayon ang tamang

panahon."

Pinigilan ni Ye Mei ang kaniyang galit at nayamot dahil sa pagkabigo, ngunit sa huli ay

tumango siya at sinabi: "Masusunod, aking Lord!"

Ang gabi ay tahimik at walang ingay. Ang mga boses nila Jun Wu Yao at Ye Mei ay naglaho sa

katahimikan ng makapal na kagubatan, iniwan sa lupa ang napakaraming bangkay. Isang

bugso ng simoy ng gabi ang dumaan, at ang hanay ng natuyong mga bangkay kung saan ang

kahuli-hulihang patak ng dugo ay hinugot mula doon ay agad naging abo sa ilalim ng

malamyos na ihip ng hangin, at kumalat sa ilalim ng damuhan.

Related Books

Popular novel hashtag