Dahil sa naranasan na siklab ng digmaan, ang Qi Kingdom ay unti-unting bumabawi mula sa
pinsala na tinamo nila sa malupit na labanan. Ang apoy mula sa digmaan ay hindi tinupok ang
loob ng mamamayan ng Qi Kingdom habang sinsikap na makalaya sa pagdurusa, muling
itinayo ang kanilang bayan gamit ang dalawa nilang mga kamay.
Ang Rui Lin Army ang hukbo na nagtamo ng matinding kawalan. Matapos halos laaht ng
napinsala ay gumaling, ay nagsimula silang kumalap ng mga bagong mandirigma na sasama sa
kanila sa Rui Lin Army.
Ang mga kabataan na nagsikap ipagtanggol ang kanilang bansa, ay dumaluyong mula sa lahat
ng sulok, buong puso na nais maging miyembro ng Rui Lin Army, kung saan isang araw ay
magagawa nilang lumaban para ipagtanggol ang kanilang bayan.
Sa loob ng panahong iyon, maaaring sabihin na si Long Qi ay abala at tila ang kamay niya ay
nakahiwalay sa kaniyang katawan araw-araw. Bago iyon nang hindi pa inilalahad ng Rui Lin
Army ang balita, ay marami nang mga tao ang matiyagang naghintay sa loob ng Imperial City
ng Qi Kingdom. At ngayon, ang balita na tumatanggap na ang Rui Lin Army ng mga bagong
kasap ay halos kalalahad pa lamang at ang bilang ng mga tao na nagpupunta upang sumali ay
mailalarawan sa paparating na mga alon.
Bawat araw, si Long Qi ay nauupo sa harapan ng kampo ng Rui Lin Army at magsasagawa ng
mahigpit na pagsusuri sa mga kabataan na nais sumali sa kanila, sa sobrang abala niya ay hindi
na niya magawang uminom ng tubig.
Ang mga mandirigma na hinahanap ng Rui Lin Army upang sumali sa pagkakataong iyon ay
kinakailangan na nasa edad na labing-anim hanggang dalawampu't dalawang taon. Ang Rui Lin
Army ay maraming tao nang naitatag at sa malaki at maliit na labanan, ang naunang
henerasyon ng kanilang mandirigma ay isa-isang bumagsak na may bagong dugo na pupuno sa
mga agwat nang paulit-ulit. Ngunit matapos ang malaking digmaan, ang Rui Lin Army ay halos
nawalan ng kalahati sa kanilang tauhan at nangangailangan iyon ng mahabang panahon upang
makumpleto, bago nila muling itayo ang Rui Lin Army. Samakatuwid, ang nais ni Jun Xian ay
mga kabataan, at kapag ang kanilang magaspang na talim ay nahasa upang maging matalim at
matalas na mga talim, ang mga ito'y nasa edad na ng kasibulan.
At sa pangangalap na iyon ng Rui Lin Army, ay mayroong isang patakaran na hindi nila
maaaring baliin kahit kaunti. Katapatan!
Ang mahinang kapangyarihan ay maaaring pakintabin, ang mahihinang katawan ay maaayos
sa pamamagitan ng malakas na pagsasanay. Ngunit kung ang paniniwala at pagkatao ay hindi
buo, kung gayon kahit gaano pa kahusay ang isang tao, ay hindi sila tatanggapin ng Rui Lin
Army.
Lahat ng mga kalalakihan na lagpas na sa limitasyon, ay malungkot. Ang iba pa sa kanila ay
nagtungo kay Long Qi upang tanungin kung nangangailangan sila ng mga tauhan sa likod ng
organisasyon, at tatanggapin nila kahit na italaga sila sa mga kakaibang trabaho o kahit
maging tagapag-luto para sa Rui Lin Army…
Lahat ng mga katanungang iyon, ay halos magpabaliw kay Long Qi kung saan hindi niya alm
kung siya ba'y matatawa o maiiyak.
Abala pa rin si Long Qi nang dalhin sa kaniya ng isang mandirigma ng Rui Lin Army ang balita.
Sa sandaling marinig niya iyon, ay agad itong tumayo at ibinigay sa isang mandirigma ang
kaniyang mga trabaho para sa pangangalap, bago siya umalis upang magtungo sa loob ng
campo ng Rui Lin Army.
Sa parade square, ay nagsasanay si Jun Qing ng mga panibagong grupo ng mandirigma na
nagpalista. Ang dahilan kung bakit naging napakalakas na hukbo ng Rui Lin Army, ay hindi
dahil sa korona mula sa tatlong salita na ang basa ay "Rui Lin Army", nakakamtan din iyon sa
patuloy na mahigpit na pagsasanay, hindi nagpabaya, na napanatili ang katanyagan ng Rui Lin
Army.
Babdidilat sa mga bagong kasapi na kasasali pa lamang sa kanilang hukbo at sila'y sumailalim
na sa matinding pagsasanay, walang kahit na anong bakas ng awa sa mata ni Jun Qing. Ang
mga paghihirap na dinaranas nila sa ngayon, ang magbibigay sa kanila ng malaking
pagkakataon na makabalik ng buhay mula sa battlefield na kanilang haharapin sa hinaharap.
Kung ang mga kabataang ito'y malalagpasan ang paunang pagpili ay hindi pa rin nalalaman
kung gaano sila tatagal sa Rui Lin Army, sapagkat pagkatapos ng susunod na taon, ang Rui Lin
Army ay magsasagawang muli ng pagsusuri para sa mga tauhan na hindi nakamit ang marka.
At sa lahat ng mga hindi nakamit ang mga kinakailangan ay kinakailangan na lisanin ang Rui Lin
Army.
"Young Lord!" Mabilis na pumasok sa loob si Long Qi, at may ibinulong sa tainga ni Jun Qing.
Ang matapang na mukha ni Jun Qing ay biglang nabakasan ng tuwa, at agad inutisan ang mga
bagong kasapi na ipagpatuloy ang pagsasanay, bago tumalikod upang mabilis na lisanin ang
parade square.
Ang grupo ng mga kabataan na walang awang sinanay ni Jun Qing ay itinaas ang kanilang hapo
na mga ulo habang habol ang hininga na nakatingin sa papaalis na si Jun Qing, bakas sa
kanilang mukha ang kalituhan.