Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1242 - Ang Tunay na Ibig Sabihin ng Pang-aapi sa Mahina (3)

Chapter 1242 - Ang Tunay na Ibig Sabihin ng Pang-aapi sa Mahina (3)

Nagpatuloy sa pagmumura ang Emperor ng Condor Country dahil sa sobrang galit.

"Mga wala kayong silbi! Hinayaan niyong makatakas ang mga lintik na iyon ng ganon-ganon na lang! Wala man lang kayong nahuli kahit isa!"

Hindi sumagot ang opisyal. Gusto nilang pigilan ang mga kabataang iyon pero sila ay mga 'di-pangkaraniwang bata! Silang lahat ay Purple Spirit user, paano malalabanan ng ordinaryong sundalo iyon? Maswerte na nga lang sila at hindi naubos ang mga sundalong nasa Imperial Capital.

Dahil sa takot na sumagot sa Emperor, nanatili na lang na tahimik at nakaluhod ang opisyal.

Madalas na ang Condor Country ang nang-aapi sa ibang mga bansa, pero mayroong isang nangahas at nagsimula ng gulo sa loob mismo ng Imperial Capital ng Condor Country? 

"Mga basura! Lumayas kayo sa harapan ko! Kapag wala pa rin kayong naibibigay na resulta sa lalong madaling panahon, alam niyo na ang gagawin niyo!"

Nanginig ang opisyal at agad na nilisan ang main hall.

Nang siya ay makaalis, isang lalaking kuba ang biglang sumulpot sa main hall.

Bakas pa rin ang galit sa Emperor ng Condor Country. Nang makita niya ang matanda, agad itong tumayo sa kaniyang trono at sinalubong ito. "Elder Huang!"

Marahang tumango ang matanda. Ito ang matandang kasama noon ng Emperor ng Condor Country sa courtyard.

"Hindi pa rin nalilinis ang nangyari?" Tanong ni Elder Huang.

Tumigas ang ekspresyon sa mukha ng Emperor ng Condor Country saka sumagot: "Dahil walang silbi ang mga iyon. Wala pa rin silang lead kung sino ang may gawa noon. Pero huwag kang mag-alala Elder Huang, mahahanap ko rin ang mga lintik na iyon! Nagsimula sila ng gulo sa Imperial City at itinakas ang Emperor ng Buckwheat Kingdom. Hindi ko sila papatawarin!"

Tumingin si Elder Huang sa Emperor ng Condor Country at nagsalita: "Nakapasok sila sa courtyard at nagawa pa nilang patayin ang libu-libong sundalo, nailigtas din nila ang Emperor ng Buckwheat Kingdom. Narinig kong mayroon silang kasamang dalawang Guardian Grade Spirit Beast. Hindi sila basta-bastang tao, hindi madali na hulihin sila…"

Natigilan ang Emperor ng Condor Country. Narinig niya din iyon. Noong pinasok ang courtyard at niligtas ang Emperor ng Buckwheat Kingdom, anim na tao ang may gawa noon at silang lahat ay Purple Spirit user at mayroon nga silang kasamang dalawang Guardian Grade Spirit Beast. Hindi ito nagawang labanan ng kaniyang mga tauhan. Pinakilos niya na ang kaniyang mga tauhan para mapaniwala si Elder Huang.

"Kalimutan mo na muna sa ngayon. Ang batang iyon na may lason ng Scarlet Blood ay hindi rin naman magtatagal. Kahit saan pang lupalop nanggaling iyon, nagpunta lang naman sila para isalba ang bata, hindi na kailangang paglaanan ng panahon ang mga iyon. Tingin ko ay patay na ang batang iyon." Saad ni Elder Huang saka tumawa. Naaalala niya pa nung una niyang nakita ang bata.

"Oo! Masusunod kung iyon ang iyong gusto, Elder Huang." Sagot namang ng Emperor ng Condor Country, pasimple niyang pinunasan ang namuong pawis sa kaniyang noo.

"Ang huling dalawang Emperor ng Buckwheat Kingdom ay namatay dahil sa'yo at ang Imperial Family bloodline ng Buckwheat Kingdom ay ubos na. Kahit na maliit lang ang bansang iyon, mapapakinabangan natin sila. Anong balak mo?" Tanong ni Elder Huang habang matamang nakatingin sa Emperor ng Condor Country.

Bahagyang nagulat ang Emperor ng Condor Country sa tanong na iyon: "Nangahas ang mga sundalo ng Buckwheat Kingdom na manggulo sa loob ng Imperial Capital ng Condor Country. Batid ko ang kanilang nais na magsimula ng giyera. Magpapadala ako ng mga tao sa Buckwheat Kingdom sa mga susunod na araw. Ilang sandali lang ang ating hihintayin at sila ay babagsak."

Maaaring walang silbi ang mga sundalo ng Buckwheat Kingdom pero ang mga mamamayan doon ay mapapakinabangan niya. Maaarin niyang gamitin ang mga iyon at gawing isa sa mga Poison Men!