Marahang tumawa si Elder Huang at tumingin sa Emperor ng Condor Country.
"Talaga ngang ikaw ay isang tuso para gamitin ang isang maliit na bansa bilang babala sa ibang mga pinuno. Pinilit mo ang kanilang Imperial Guards na lumaban sa'yo at binigyan ka ng rason para pakilusin ang mga tauhan mo laban sa kanila. Mukhang takot nang sumalungat sa'yo lahat ng pinuno. Sa huli ang kanilang mga sundalo at tauhan ay magiging isa sa mga Poison Men. Ang nasa isip na lang nila ay ang iligtas ang kanilang mga sarili, hindi nila alam na ang kahihinatnan ng lahat ay sa'yo mapupunta ang kanilang mga bans."
"Hindi magtatagala at ang pinakamalakas na pwersa sa Lower Realm ay ang Condor Country."
Hindi ipinahalata ng Emperor ng Condor Country ang kaniyang tuwa nang marinig niya iyon, sa halip ay sumagot siya kay Elder Huang: "Ang karangalang iyon ay hindi matutupad kung hindi dahil sainyo, Elder Huang. Kaya susundin namin ang lahat ng iyong kagustuhan at lahat ng nasa Condor Country ay tutulungan kang matuklasan ang sikreto sa likod ng mapa sa lalong madaling panahon."
Suminghal si Elder Huang at sinabing: "Mabuti at iyong napagtanto. Hinding-hindi ko kakalimutan ang bagay na iyan.:
"Isang malaking karangalan ang magsilbi sa'yo Elder Huang!"
Habang sila ay nag-uusap, isang guwardiya ang sumulpot sa main hall at may dalang balita.
Agad na bumalik sa kaniyang trono ang Emperor ng Condor Country.
"Papasukin niyo siya."
Agad namang pumasok ang guwardiya at lumuhod sa harap: "Kamahalan! May ipinadala ang Emperor ng Fire Country."
"Ano? Fire Country?" Nagitla ang Emperor ng Condor Country sa kaniyang narinig. Kung mayroon man siyang kinatatakutan sa mundong ito, iyon ay ang Fire Country!
'Di hamak na mas malakas ang Fire Country sa Condor Country kaya sila ganon na lang ang kanilang panggigipit sa kanilang mga sarili para pantayan ito. Nito-nito lang ay nakipagkampihan sila sa tatlo pang bansa para lusubin ang Qi Kingdom. At noong mapapabagsak na sana nila ang Qi Kingdom, saka naman dumating ang kupunan ng Fire Country para tulungan ang Qi Kingdom! Hindi lang nila ito iniligatas, inubos din nila ang sandatahan ng apat na bansa!
Kaya ngayong narinig niya ang pangalang Fire Country, hindi maiwasang magitla ng Emperor ng Condor Country!
Kusang lumingon ang kaniyang ulo sa kinaroroonan ni Elder Huang na ngayon ay bahagyang nakakunot ang noo.
Nakaramdam ng kaba nung una ang Emperor, subalit nang makita niyang narito si Elder Huang, kahit papaano ay napalagay ang kaniyang loob. Ano naman kung iyon ay Fire County? Kahit ano pang bansa iyan, hanggat naririto si Elder Huang ay hindi sila dapat matakot!
"Anong balita?"
"Kamahalan,personal kang bibisitahin ng Emperor ng Fire Country." Saad ng guwardiya.
"Sige. Makakaalis ka na." Sagot naman ng Emperor ng Condor Country. Pinipilit niyang kumalma pero ang totoo ay nagimbal siya sa narinig niyang iyon.
[Hindi lang nagpadala ng balita ang Fire Country, gusto pa siya nitong makaharap siya?]
[At mangyayari iyon ngayong araw!]
[Ibig bang sabihin noon ay lihim nang nagparito ang Emperor ng Fire Country? At hindi siya gaanong kalayuan sa Imperial Capital ng Condor Country? O 'di kaya'y...nandito na siya sa loob ng Imperial Capital ng Condor Country?]
Nangilabot ang Emperor ng Fire Country sa isiping iyon. Nito lang ay nagharap sa giyera ang Condor Country at Fire Country. Kahit pa nasa kanilang likod ang All Dragons Palace, nanunuot sa kaniyang buto ang takot niya sa Fire Country.
"Elder Huang...Ito ay…" Nagmamakaawang tumingin ang Emperor ng Condor Country kay Elder Huang.
Agad na sumagot si Elder Huang: "Una, alamin mo ang rason ng kaniyang pagpunta."
Tumango naman ang Emperor ng Condor Country: "Hindi sa natatakot ako. Dahil andito ka Elder Huang, wala kaming dapat ikabahala." Iyon ang sinabi ng kaniyang bibig pero puno ng kaba ang kaniyang dibdib.