Nang lumabas si Jun Wu Xie sa kaniyang silid, agad na tumayo si Grand Tutor He naghihintay sa labas. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito, samantalang sina Qiao Chu naman ay napatingin sa kaniya.
"Ang Kamahalan…" Pag-uumpisa ni Grand Tutor He.
"Ligtas na siya." Sa wakas ay saad ni Jun Wu Xie.
Nanginig ang buong katawan ni Grand Tutor He. Walang mapagsidlan ang tuwa sa kaniyang puso. Yumukod ito sa harap ni Jun Wu Xie ng paulit-ulit.
Subalit, ang buhay lang ng munting Emperor ang kaniyang naligtas. Ang ring spirit ng nakatatandang kapatid nito ay nilabanan ang mataas na klase ng lason sa katawan nito pero hindi nito naligtas ang spirit ng munting Emperor. Gayong nagamot na ni Jun Wu Xie ang lason sa katawan ng bata, hindi pa nito nagagawang pagalingin ang spirit ng bata. Labis namang ikinatuwa ni Grand Tutor He ang balitang iyon. Pero kahit na nailigtas na ang munting Emperor, mayroon pero ang pagkasira ng spirit nito ay ang dahilan ng pagbagsak ng katalinuhan nito. Sa madaling salita, ang munting Emperor ay magiging isang mangmang at ignorante na walang kaalam-alam na kahit ano.
Halos himatayin si Grand Tutor He nang marinig niya iyon. Tinibayan niya ang kaniyang loob at nakiusap kay Jun Wu Xie kung maaari ba siyang pumasok sa silid.
Napabuntong-hininga na lang ang grupo habang nakatingin sa kubang likod ni Grand Tutor He.
"Bago ang lahat ng ito, alam ko na kung gaano katuso ang Condor Country. Pero hindi ko akalaing aapihin nila ang isang walang kalaban-laban." Diretso ang mukhang saad ni Fei Yan. Gaano kasama ang Emperor ng Condor Country para galawin ang isang inosenteng bata?
"Tiwala siya sa militar ng Condor Country at lakas ng All Dragons Palace. Sa boung Lower Realm, maliban sa Fire Country, sino pa ba ang kayang labanan sila? O mangahas na sumalungat sa kagustuhan ng Condor Country? Mahina ang Buckwheat Kingdom at kaunti lang ang kanilang populasyon. Kaya ganon na lang kung paglaruan ito ng Emperor ng Condor Country." Lukot ang mukhang sagot ni Rong Ruo. Masakit din para sa kanila ang sinapit ng munting Emperor kahit pa hindi nila ito kilala.
Hindi naman nagsalita si Jun Wu Xie, nakinig lang ito sa kaniyang mga kasama. Hindi siya makaramdam ng pagod kahit na dalawang araw na siyang walang tulog.
"Kapag ba galing ka sa maliit na bansa ay dapat ka nang tapak-tapakan ng iba?" Nagtatagis ang bagang na saad ni Qiao Chu habang mahigpit na nakakuyom ang kaniyang kamao. Alam na nila ang tungkol sa munting Emperor ng Buckwheat Kingdom maging ang tungkol sa nakatatanda nitong kapatid, dahilan para sumilab ang galit sa kanilang mga puso.
"Dahil kampante siyang hawak niya ang alas, ginamit ng Condor Country ang Buckwheat Kingdom bilang babala sa iba pang mga bansa. Ang gusto niyang mangyari ay sumunod at matakot sa kaniya ang mga pinuno ng mga bansa. Ang Buckwheat Kingdom ay napakaliit para mapakinabangan niya kaya ginamit niya ito bilang babala." Dagdag ni Fan Zhuo.
"Magaling." Biglang nagsalita si Jun Wu Xie.
Tumingin namang ang lahat dito.
"Little Xie...anong ibig mong sabihin sa "magaling"? Naguguluhang tanong ni Qiao Chu.
Ngumiti ng masama si Jun Wu Xie at sumagot: "Dahil gustong-gusto ng Condor Country na mang-api ng mas mahina sa kanila, gagawin ko sa kanila iyon." Tumalim ang mga titig sa mga mata ni Jun Wu Xie nang kaniya iyong sabihin. Apihin ang mahihina 'di ba? Ipapatikim niya iyon sa Condor Country para malaman nila kung ano ang tunay na ibig sabihin ng pang-aapi sa mahihina!
"Little Xie...ibig mo bang sabihin…" Agad na naintindihan ni Fan Zhuo ang ibig sabihin ni Jun Wu Xie kaya naman nanlaki ang kaniyang mga mata sa sobrang pagkagulat.
Sumagot naman si Jun Wu Xie: "Ano naman? Ngayon, iibahin ko ang paraan ng aking pakikipaglaro, tiisin iyon ng Condor Country hanggang sa kaya nila!"
Different strokes for different folks ika nga. Para sa Condor Country, hindi siya magdadalawang-isip na gawin sa mga ito ang bagay na hindi niya pa ginagawa, para lang ipatikim sa mga ito ang kanilang hinahanap!