Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1241 - Ang Tunay na Ibig Sabihin ng Pang-aapi sa Mahina (2)

Chapter 1241 - Ang Tunay na Ibig Sabihin ng Pang-aapi sa Mahina (2)

Maaaring malakas nga ang Condor Country pero hindi pa rin sila papantay sa Fire Country!

Gagamitin ni Jun Wu Xie ang kaniyang titulo bilang Emperor ng Fire Country para turuan ng leksyon ang Condor Country!

"Pero ang mga taga-All Dragons Palace ay nasa Condor Country." Pagpapaalala ni Hua Yao.

Kung sa lakas lang ay walang sinabi ang Condor Country sa Fire Country. Pero kung mayroong taga-Twelve Palaces na nasa likuran ng Condor Country, hindi sila nakakasiguro.

"May All Dragons Palace ang Condor Country, mayroon bang magiging kakampi ang Fire Country?" Nakangising saad ni Jun Wu Xie.

Natigilan ang lahat sa sinabing iyon ni Jun Wu Xie.

Ilang segundong tumitig si Fan Zhuo kay Jun Wu Xie bago humagalpak ng tawa.

"Posible nga ang sinasabi ni Jun Wu Xie. Seven Palaces sa loob ng Twelve Palaces ang may hawak ng mapa sa puntod ng Dark Emperor, kaya sila ay nagbabantay sa bawat isa kaya hindi nila ibubunyag sa bawat isa ang kanilang plano o impormasyong nalalaman. Ang All Dragons Palace ay mayroong Condor Country bilang kanilang tuta, bakit hindi gagawin iyon ng ibang palace? Mas malakas ang Fire Country sa Condor Country. Kaya naman ang mga taga-All Dragons Palace ay hindi malalaman na walang suporta nag Fire Country mula sa ibang palace."

Magkakalaban ang nasa Twelve Palaces pero hindi nila iyon pinapahalata. Kapag iniisip nila na mayroong kakampi ang Fire Country na taga-Twelve Palaces, hindi sila makikisali para lang sa kapakanan ng Condor Country.

Isa pa, dating mayroong taga-Twelve Palaces sa loob ng Fire Country.

"Ibig mo bang sabihin Little Xie, mag-iingat ang mga taga-All Dragons Palaces na sila ay matunugan?" Nakataas ang isang kilay na tanong ni Hua Yao.

Tumango si Jun Wu Xie. 

Kapag ang dalawang bansa ay mayroong taga-Twelve Palaces sa kanilang likuran, kailangan nilang maglaban ayon sa kanilang mga lakas.

Sa harap ng Fire Country, magpapatuloy bang magmalaki ang Condor Country?

"Para isipin ng All Dragons Palace na mayroon ngang taga-Twelve Palaces ang Fire Country, kailangan nating magpakita ng lakas. Pwedeng magpanggap ang iba satin na tayo ay mula sa Twelve Palaces, pero tingin ko ay hindi iyon sapat." Saad ni Fan Zhuo. Sa huli ay hindi pa rin naman sila maituturing na Purple Spirits.

"Ye Sha." Kunot noong tawag ni Jun Wu Xie.

Agad namang sumulpot si Ye Sha sa tabi ni Jun Wu Xie.

"Ano pong maipaglilingkod ko, Young Miss?"

"Kaya mo bang magpanggap na ikaw ay taga-Twelve Palaces?" Tanong ni Jun Wu Xie. Kahit kailan ay hindi niya pa nakitang gumamit ng spirit power si Ye Sha.

Sumagot naman si Ye Sha: "Gayong hindi ako gumagamit ng spirit power, kung iyon ang iyong kagustuhan Young Miss, pwede kong itransform ang aking kapangyarihan." Matapos sabihin iyon ay ginamit ni Ye Sha ang kaniyang kapangyarihan, ang itim na usok sa kaniyang katawan ay napalitan ng Purple Spirit glow. Napaka-puro noon kung titignan ng isang tao, dahilan para ikagulat iyon nina Qiao Chu!

"Mahusay." Tumango-tango si Jun Wu Xie.

"Bukas, padalhan mo ang Emperor ng Condor Country ng diplomatic notice na nagsasabing ang Emperor ng Fire Country na si Jun Xie ay bibisita sa kaniya!" Malamig na saad ni Jun Wu Xie.

Ngayon, gusto niyang makamit ang hustisya para sa mga sundalo ng Qi Kingdom na namatay, ang Rui Lin Army na nakipaglaban hanggang sa kanilang huling hininga para sa Lin Palace at para sa munting Emperor ng Buckwheat Kingdom! Inaasam niyang tapakan ang Emperor ng Condor Country sa harap ng lahat!

Sa loob ng Imperial Palace ng Condor Country, galit na galit ang Emperor. Nagbabaga ang mga mata nitong nakatitig sa opisyal na nasa kaniyang harapan.

"Mga walang silbi! Hindi niyo pa ba nahahanap ang salarin?"

Nitong nakaraang linggo, inatake ang courtyard at marami ang namatay. Mayroon na siyang inatasan para mag-imbestiga pero wala pa ring konklusyon ang mga ito.

Dahil sa nangyari sa loob ng Imperial City at naitakas pa ang munting Emperor ng Buckwheat Kingdom, iyon ay isang malaking sampal sa kaniya! Labis siyang napahiya at hindi iyon maatim ng Emperor ng Condor Country!

Nanginginig ang boses na sumagot ang opisyal: "Dinagdagan ko na ang mga taong nag-iimbestiga tungkol doon, hindi magtatagal ay malalaman na nila kung sino ang mga nangahas!"