Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1220 - Nakakapanibago (2)

Chapter 1220 - Nakakapanibago (2)

Bahagyang kumunot ang noo ni Jun Wu Xie. Sa hindi malamang dahilan, biglang naalala niya ang nasa huling karwahe ng Buckwheat Kingdom.

"Sa Middle Realm, mayroong method na ginagawa upang baguhin ang katawan ng isang tao. Ang mga taga Soul Return Place ang nakaimbento noon. Gamit ang spirit ng tao bilang kabayaran, kapalit ng kalakasan nito. Ang kondisyon ng mga tao sa Imperial Palace ng Condor Country ay nahahawig sa method na iyon." Saad ni Fan Zhuo.

"Sa method na iyon, talaga nga namang lalakas ka, pero mawawalan sila ng sariling pag-iisip, sila ay kumikilos ayon lang sa utos sa kanila. Hindi rin sila nakakaramdam ng sakit o ng takot. Dahil sa matagal silang nababad sa lason, hindi na sila agad-agad tinatablan ng lason. Nang maimbento ng Soul Return Palace ang method na ito noon, hindi iyon sinang-ayunan ng Emperor at agad na dinurog ang taong nakaimbento noon. Ngayon, mukhang nakuhang malaman ng taga-All Dragons Palace ang method na iyon at ginagamit dito sa Lower Realm." Nalukot ang mukha ni Fan Zhuo habang sinasabi ang mga bagay na iyon.

May mga limitasyon ang isang katawan, ngunit napaka-tuso ng method na iyon upang gamitin ang spirit ng isang tao bilang kabayaran. Ang mga taong sumailalim sa method na iyon ay hindi na matatawag na tao, kundi para na silang robot.

"Para gamitin iyon dito ng taga-All Dragons Palace, tingin ko ay mayroon silang masamang binabalak."

"Hindi ba sila nakukunsenya? Parang hindi tao kung ituring nila ang mga tao dito sa Lower Realm! Walang gumagawa nito sa Middle Realm kaya naman dito nila sa Lower Realm isinasagawa!" Komento ni Qiao Chu.

Napakababa ng tingin ng mga taga-Middle Realm sa mga taga-Lower Realm. At mas lalo pa nilang binastos ang mga naririto dahil sa method na iyon. 

Bata pa lang nilisan nina Qiao Chu ang Middle Realm kaya naman hindi sila ganon mag-isip. Dahil sa kagustuhang maipaghiganti ang kanilang mga pamilya, matagal na rin nilang kinalimutan ang humahati sa dalawang realm.

Nagsalubong ang mga kilay ni Jun Wu Xie. Sa paghahanap nila sa mapa sa balat ng tao, marami na siyang nasaksihan. Si Ke Cang Ju ng Qing Yun Cla, Gu Ying ng Zephyr Academy, maging si Qu Xing Rui ng Thousand Beast City, para sa kanila, hindi tao kung ituring nila ang mga taga dito sa Lower Realm. Papatay sila ng walang pagdadalawang-isip. Papatay sila kung kailan nila gusto.

 "Aalis sila dito sa Lower Realm." Malamig na saad ni Jun Wu Xie. Kahit na ayaw niyang nakikisali sa gulo ng iba, hindi niya nagustuhan ang ginagawa ng mga ito sa mga tao.

Ang pag-eeksperimento sa tao ay dapat hindi ginagawa sa mundong 'to!

"Maghintay sila hanggang sa matapos natin ang dapat nating gawin. Bibigyan namin ng leksyon ang mga taga-Twelve Palaces. Tignan lang natin kung makatapak pa sila dito!" Mahigpit na kumuyom ang kamao ni Qiao Chu.

"Tama si Qiao Chu. Para matigil ang kasamaan ng taga-Twelve Palaces, kailangan natin silang higitan! Sa kakayahan natin ngayon, hindi pa natin sila pwedeng harapin. Mabibigo lang tayo." Dagdag pa ni Fan Zhuo. Kahit na ayaw na ayaw niya ang ideya ng method na iyon, kailangan nilang mag-isip ng maayos. Hindi sila maaaring magpadalos-dalos.

"Sa ngayon, ang pinakaimportanteng bagay na dapat nating gawin ay ang hanapin ang mapa sa Condor Country. Base sa naobserbahan ko, tueing umaalis ang Emperor ng Condor Country, lagi siyang may kasaman isang lalaki. Kahit na tinatago ng lalaking iyon ang kaniyang spirit aura, nararamdaman kong galing sa All Dragons Palace ang lalaking iyon." Lukot ang mukhang saad ni Rong Ruo. Sensitibo ang kaniyang Hell Butterflies sa pagtukoy ng spirit power ng isang tao.

Related Books

Popular novel hashtag