Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1221 - Big Brother (1)

Chapter 1221 - Big Brother (1)

Sa residential courtyard sa loob ng Condor Country, halos kakarating lang ng mga taga-Buckwheat Kingdom.

Ang munting Emperor ay inalalayan ni Grand Tutor He sa pagbaba sa karwahe. Inilibot ng munting Emperor ang paningin sa malawak na bakuran ngunit hindi makikita sa mga mata nito ang paghanga. Kumapit ito sa manggas ni Grand Tutor He at nagtanong: "Grand Tutor He, kailan natin makakaharap ang Emperor ng Condor Country?"

Sumagot naman si Grand Tutor He: "Ipinaabot na nila sa Imperial Palace ng Condor Country ang ating pagdating. Bukas ay lalabas ang Emperor ng Condor Country para sa piging ng mga pinuno ng iba't-ibang mga bansa. Maaari mo siyang makita doon."

Napakagat sa labi ang munting Emperor saka tumango, hindi man lang ito ngumiti.

"May bumabagabag ba sa'yo Kamahalan?"

Saglit na nagisip-isip ang munting Emperor tungkol doon bago lumingon sa pinto. Nagdidiskarga na ng mga gamit mula sa karwahe ang mga sundalo ng Buckwheat Kingdom. Ang ilan sa mga ito ay nasa huling karwahe ng kumboy at tinatanggal ang kadena. Nakatitig lang ang munting Emperor sa ginagawa ng mga ito.

Nang tuluyan nang matanggal ang kadena, dalawang sundalo ang pumasok doon at binuhat ang lalaking nasa loob non.

Kakaiba ang ekspresyon sa mukha ng lalaking iyon. Ang balat nito ay nagkukulay dark purple. Walang buhay ang mga mata nito at hinayaan niya lang na buhatin siya palabas ng karwahe. Blanko ang ekspresyon sa mukha nito.

Para namang sinaksak ang puso ng munting Emperor sa tanawing iyon. Muli siyang nagtanong kay Grand Tutor He: "Papayag kaya talaga ang Emperor ng Condor Country?"

Napabuntong-hininga si Grand Tutor He, maging siya ay hindi rin sigurado. Pero dahil ayaw niyang mag-alala ang bata,pilit siyang ngumita at sinabing: "Papayag siya. Kailanman ay hindi nagkaroon ng alitan ang Buckwheat Kingdom at Condor Country. Paniguradong papayag siya."

Yumuko ang munting Emperor at napakagat ng labi.

Maya-maya umalulong nanaman ang lalaking buhat ng sundalo. Ang dark purple na kulay ng balat nito ay naging dark red. Ang payat nitong katawan ay biglang nagkaroon ng makikisig na masel at sa isang alulong lang nito ay tumilapon ang dalawang sundalong nagbubuhat dito!

Ang dalawang sundalo ay matangkad at makisig ang pangangatawan. Ngunit napalipad ang mga ito ng isang lalaki lang. Tumama sila sa pader, dahilan para sila ay magsuka ng dugo!

Gulat na gulat si Grand Tutor He. Ang ibang mga sundalo ng Buckwheat Kingdom ay agad na kinuha ang kadena. Nasa dalawampung katao ang pumaikot sa lalaki hawak ang kadena. Saglit na nanahimik ang lalaki at maya-maya lang ay nagpakawala ng alulong. Naglalabasan ang mga ugat nito sa katawan.

Nakatitig lang ang munting Emperor sa pangyayari, hindi ito makagalaw sa kinatatayuan. Tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. Hindi niya pinansin ang paghila sa kaniya ni Grand Tutor He, sa halip ay tumakbo ito sa nagwawalang lalaki.

"Royal Brother...Royal Brother huwag! Sila ay sundalo ng Buckwheat Kingdom, ikaw mismo ang pumili sa kanila. Pakiusap...tama na...Huwag ka nang manakit ng mga tao…" Umalingawngaw ang iyak ng munting Emperor sa bakuran. Puno ng lungkot at hinanakit ang mga mata ng sundalong nakapaikot sa kanila.

Sinong mag-aakala na ang lalaking ito na ngayon ay wala sa tamang pag-iisip ay ang dating Emperor ng Buckwheat Kingdom. Ang nakakatandang kapatid ng munting Emperor...

Related Books

Popular novel hashtag