Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 124 - Nanganganinag ang Kamatayan (Unang Bahagi)

Chapter 124 - Nanganganinag ang Kamatayan (Unang Bahagi)

Alam ng Emperador at ni Mo Xuan Fei na wala nang silbi ang pag-mumukmok.

Panalangin nalang ang magagawa nila, mabagal ang mga alagad nila sa paghatid ng kanilang utos. Dalawa nalang ang pwedeng mangyari, buhay pa si Jun Xian, o sasamahan nila siya sa kamatayan!

Dumaan ang malamig na hangin, ngunit hindi ito kasing-lamig ng eksena sa harap ng mga mamamayan. Ang nakakasakal na amoy ay sumira sa kanilang mga sikmura, ngayong gabi, ang Kaharian ng Qi ay nawalan ng isang-katlo ng kanilang mga opisyal, ang kanilang mga ulo, nakahilera sa harap ng palasyo, sa alikabok.

Pagkatapos tumumba ng huling opisyal, tinaas ni Jun Wu Xie ang kanyang kamay. Umatras ang hukbo, pinunasan ang kanilang mga patalim, at binalik ito sa saha, ngunit hindi maaalis ang mga buhay na binawi ng mga ito noong gabing iyon.

Nginitian ni Jun Wu Xie ang Emperador.

Natakot ang Emperador sa ngiting iyon habang siya'y nakatayo sa taas ng pader. Natakot siya sa mga posibleng mangyari pagkatapos ng ngiting iyon at nagmamadaling sinabi: "Wu Xie, mabuti ang iyong ginawa na burahin ang mga salot na lumilibot sa Qi. Tunay ka ngang apo ni Jun Xian, may gantimpalang matatanggap ang Palasyo ng Lin!"

Nawala ang ngiti ni Jun Wu Xie at nanlamig ang kanyang mga mata, pinawisan naman ang Emperador sa titig niya.

Ito ang unang pagkakataong nabanggit sa kanya ng Emperador si Jun Xian, at naintindihan niya ang ibig-sabihin nito.

Mabuti, ito ang nais niya!

Naghanda ang Emperador sa takot para sa kanyang buhay, at piniling pakawalan si Jun Xian.

Ngunit…..

Tahimik na naghintay si Jun Wu Xie, hindi nagpakita ng pagbabalik-loob sa kabutihang-loob ng hari, at umupo sa itim na halimaw.

Nairita ang Emperador ngunit walang nagawa kundi lunukin ito. Hindi tatanggapin ni Jun Wu Xie ang salita lang. Gusto niyang makita si Jun Xian mismo!

Sa kanilang titigan, nagdadasal lang ang Emperador na madala nila si Jun Xian na ligtas at mabuti.

Si Jun Xian lang ang pwedeng magpatigil kay Jun Wu Xie at makakapanatili ng katahimikan sa tagapamahala at sa sakop.

Lumipas ang oras, dumadaloy ang pawis ng Emperador sa kanyang mukha.

Ang nagmamadaling mga yapak ay narinig na papalapit mula sa likod at tumalikod ang Emperador, namutla na tila multo.

Ang Bating na kanyang pinadala para itigil ang trahedya ay bumalik na hinihingal – hindi kasama si Jun Xian!

"Nasaan na siya? Nasaan na si Jun Xian!?" Tahimik na sumigaw ang Emperador.

Paiyak na aang Bating, "Mahal… na… ha..Hari…. nang dumating ang inyong alipin… wala nang laman… la…lawa nalang ng dugo ang naiwan…."

Muntik nang mapaluhod ang Emperador sa balita.

Dugo…..

Dugo ba iyon… ni Jun Xian!?

Matagal na niyang nais na mamatay si Jun Xian. Sa balitang dala ng bating, baligtad ang kanyang nararamdaman!

Patay na si Jun Xian! Hindi siya pagbibigyan ni Jun Wu Xie!

Nawalan siya ng pag-asa, hindi siya makaharap sa pintuang-daan ng palasyo. Puno ng takot ang mga mata, dumadaloy ang pawis pababa sa kanyang mukha.

Buburahin ni Jun Wu Xie ang Palasyo! Wala siyang ititira!

"Mahal na hari!" Biglang tumawag ang malamig na boses, tila isang matalas na patalim, na tumagos sa kanya.

"O….. oh?" Pinilit ng Emperador na maging kalmado. Hindi pwedeng malaman ni Jun Wu Xie na napatay na si Jun Xian!

Sinuri ng malamig na titig ang grupong naguusap sa taas ng pader.

Sa pagkakataong iyon, nagliyab ang mga matang iyon, at dumaloy ang malisyang may pagpatay papunta sa mga nasa taas ng pader.

Sinubok siya!

Related Books

Popular novel hashtag