Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 125 - Nanganganinag ang Kamatayan (Pangalawang Bahagi)

Chapter 125 - Nanganganinag ang Kamatayan (Pangalawang Bahagi)

"Long Qi!" May kabaliwan sa mga mata ni Jun Wu Xie, nakakakilabot ang kanyang boses.

"Nandito ako!"

"Pinasok na ng mga manglilingo ang palasyo, dalhin mo ang hukbo para huliin ang Emperador!" Inutos ni Jun Wu Xie ng nanliliit ang mga mata. Nalaman na niya ang lahat sa mukha ng Emperador.

Ninais niyang pabagsakin ang buong palasyo kasama ang kanyang lolo!

"Utusan mo ang lahat ng sundalong nakapalibot sa mga opisyal na wag magtira ng kahit isa! Patayin ang lahat ng masasama!" Ang dalawang utos ni Jun Wu Xie ay nagpaputla sa Emperador na tila isang multo.

Wala na! Tapos na ang lahat!

"Mangyayari po!" Nagmamadaling umalis si Long Qi!

Sa dalawang maiikling utos, binawi ni Jun Wu Xie ang buhay ng mga pamilyang naiwan ng mga pinatay na opisyal, habang palihim na sinenyasan ang halimaw na pumunta sa pintuang-daan ng Palasyo!

Papatayin ko sila!

Lahat sila!

Sumunod sa kanya ang hukbo, papunta sa pintuang-daan ng palasyo. Kinabahan ang hukbo ng Yu Lin, nakabantay sa kanilang mga pwesto. Ramdam nila ang malamig na malisya mula kay Jun Wu Xie.

Pagpatay ng Hari!

Papatayin ni Jun Wu Xie ang Emperador!

"Jun Wu Xie! Tumigil ka! Miyembro ka ng matuwid na Pamilya ng Jun!" Sinbi ng Emperador ng may takot sa nakikita niya.

"Tama ka! Miyembro ako ng Pamilya ng Jun." Bumaluktot ang kanyang mga labi, isang nakabibighaning kagandahan, pero ngayon, kumikilos si satanas sa kanyang ganda.

Lumabas siya sa kadagat-dagatang apoy, para dalhin silang lahat sa IMPYERNO!

Lolo! Ipaghihiganti kita!

"PIGILAN NIYO SILA!" Sinigaw ng Emperador.

Yumuko ang Yu Lin at sumugod sa hukbo ng Rui Lin. Saglit lang ang laban ngunit nakita ang laki ng pagkakaiba ng kanilang lakas. Naubos ang hukbo ng Yu Lin ngunit walang namatay sa hukbo ng Rui Lin!

Nagulat ang mga mamamayang nanonood, na hindi na alam kung ano ang nangyayari.

Ngunit nagtiwala parin sila kay Jun Wu Xie, na tinanggal ang mga masasamang opisyal. Bukod pa roon, kasama ang mataas na tingin ng mga tao sa Pamilya ng Jun, tiyak silang katotohanan lang ang sinabi ni Jun Wu Xie!

Napasok na ng mga manglilingo ang Palasyo! Ititira lang ng Pamilya ng Jun ang Emperador!

Sa labanan, natalo ang hukbo ng Yu Lin at sumugod ang hukbo ng Rui Lin, kinakalabog ang pintuang-daan. Nag-ingay ang pader at ramdam ng mga tao ang yanig ng nito.

"Bakit…. Bakit nagkaganito….?" Nanghina ang Emperador, bumigay ang mga tuhod, at nasalo ni Mo Xuan Fei.

Ilang dekada nang napigilan ng Emperador ang pagtanda, ngunit sa mga pangyayari ngayong gabi, tila sampung taon ang tinanda niya.

Tapos na ang lahat, tapos na…..

May malakas na ingay, at bumagsak na ang pintuang-daan ng Palasyo. Malala na ang uhaw ni Jun Wu Xie sa dugo. Nakasakay siya sa itim na halimaw, pasugod sa Palasyo para maghiganti!

"Wu Xie." Isang kilalang boses ang kumalat. Lahat ng paghihiganti at pagpatay, ang lahat ng malisya na kumukulo kani-kanina lang, ay nawala agad nang marinig niya ang boses. Napatalikod siya.

Sa gitna ng mga tao, isang anyo na matangkad ang lumabas, ang matigas ngunit mapagmahal na tingin sa kanyang mukha, ay kilalang-kilala niya.

Napaluha si Jun Wu Xie, lumabo ang kanyang mga mata, at bumulong siya:

"Lo….. lo….."

Tinignan ni Jun Xian ang kanyang apo ng may paghaling, at lumapit sa kanya.

Umalis ang hukbo ng walang sinasabi sa paglitaw ni Jun Xian, nakayuko, para mapakita ang kanilang katapatan sa kanya.

Sa tabi ni Jun Xian, isang payat na anino ang sumusunod. Isang malaking ngiti ang makikita sa gwapong mukha. Nakatingin lang ang mga mata sa umiiyak na Jun Wu Xie.

Paiyak na ang apo niya.

Related Books

Popular novel hashtag