Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1213 - Magkakasamang Maglakbay (1)

Chapter 1213 - Magkakasamang Maglakbay (1)

Maganda ang reputasyon ng Buckwheat Kingdom, wala pang masamang feedback ang naririnig tungkol sa Kingdom na ito. Simula nang makausap ito ni Jun Wu Xie ay hindi pa nagpapakita ng kagaspangan ang mga ito.

Masayang nakikipaglaro ang munting Emperor sa Sacrificial Blood Rabbit at Lord Meh Meh. Kung titignan ang batang Emperor ngayon ay animo hindi ito isang pinuno, para lang itong isang munting prinsipeng sinusulit ang kaniynang pagkabata. Nang maging Emperor si Jun Wu Xie ng Fire Country, akala niya ay siya na ang pinakabatang Emperor sa lahat. Ngunit mas bata pa pala ang Emperor ng Buckwheat Country.

Walo o siyam na taong gulang ay marami pang hindi naiintindihan sa mundo. Ngunit ito ay naatasan na at itinalaga sa trono bilang tagapamahala ng kanilang lugar. 

"Grand Tutor! Grand Tutor! Tingnan mo!" Nasasabik na saad ng munting Emperor habang karga sina Lord Meh Meh at Sacrificial Blood Rabbit sa magkabilang bisig. Hindi sila gaanong mabigat bagkus nagpalit ang mga ito sa kanilang mas maliit na anyo. Walang balak ang kuneho at tupa na tumanggi sa pagbuhat sa kanila ng munting mperor. Ang tanging nasa isip lang nila ngayon ay ang karot na kanilang nginunguya.

Natatawang tumingin si Grand Tutor He sa munting Emperor.

"Mukhang tuwang-tuwa ang Kamahalan sa dalawang Spirit Beast na ito."

Nagningning ang mga mata ng munting Emperor at mabilis na tumango.

"Si Young Master ay patungo rin sa Imperial Capital. Hingin ba natin ang kaniyang pahintulot na sumabay na satin?" Tanong ni Grand Tutor He.

"Sige!" Mabilis na sumang-ayon ang batang lalaki. Hindi man lang ito nagdalawang-isip sa ideyang iyon.

 Tumingala si Jun Wu Xie sa kalangitan. Iniisip nito na ganon na lamang kabukas ang puso ng mga taga-Buckwheat Kingdom simula sa kanilang Emperor pababa.

Kung mayroon siyang masamang balak sa mga ito, malamang ay patay na ang mga ito ngayon.

"Totoo ba?" Tanong ng Emperor. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. 

"..." Tumango lamang si Jun Wu Xie bilang kasagutan.

Tuwang-tuwa ang Emperor at lumundag sa damuhan kasama ang dalawang Spirit Beast. Si Jun Wu Xie naman ay natuon ang atensyon sa mabalahibong buntot sa likuran ng bata.

[Hmm, siya ay tao, hindi siya hayop.]

Ilang beses niya iyong kailangang sabihin sa kaniyang sarili. [Ito...Hindi niya ito pwedeng galawin!]

Nang tapos nang makipaglaro ang munting Emperor sa dalawa, hindi niya pa rin mabitawan ang mga ito. Kaya naman binigyan niya pa ito ng pagkain at tubig. Samu't-saring gulay at prutas ang inabot niya sa dalawang hayop.

Tuwang-tuwa naman sina Lord Meh Meh at Sacrificial Blood Rabbit at hindi nagpakita ang mga ito ng pagtanggi na hawakan ng batang lalaki.

Nasanay na sila kay Jun Wu Xie maging ka Fan Zhuo na minsan ay dumarating at hinahaplos sila.

Nang saglit na tumigil ang kumboy, naghanda na sila para sa kanilang paglalakbay. Dahil sa kailangan pa ring tignan ni Jun Wu Xie ang dalawang Spirit Beasts at ayaw diin namang mawalay ng munting Emperor sa mga ito, walang nagawa si Jun Wu Xie kundi ang sumama sa iisang karwahe kasama si Grand Tutor He at ang munting Emperor.

Akmang hahakbang na sana papasok si Jun Wu Xie sa karwahe nang may marinig silang pag-ungol sa dulo ng kumboy!

Nagbago ang ekspresyon sa mukha ng lahat. Maging ang munting Emperor na kanina ay nakangiti ay nagulat at ibinaba ang dalawang Spirit Beasts.

Lumingon si Jun Wu Xie sa pinanggalingan ng tunog. Ang tunog na iyon ay parang nagmula sa huling karwaheng kasama sa kumboy. Nakasara ang karwaheng iyon ngunit dinig na dinig pa rin ng lahat ang malakas na tunog na nagmula doon. Maya-maya ay makikitang umuuga ng malakas ang karwahe!

Ang ingay na iyon ay tila nanggaling sa isang bayolenteng halimaw.

"Grand Tutor! Grand Tutor!" Kumapit ang munting Emperor sa manggas ni Grang Tutor He. Napuno ng pag-panic at pag-aalala ang mata ng bata,

Nagsalubong naman ang kilay ni Grand Tutor He habang nakatingin sa mga sundalong nakapalibot na ngayon sa karwahe. Pinipigilan nilang huwag matumba ang karwaheng iyon.

Hindi nila alam kung anong nasa loob ng karwaheng iyon at ganon na lamang ito kalakas na halos masira na nito ang sasakyan!