Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1214 - Magkakasamang Maglakbay (2)

Chapter 1214 - Magkakasamang Maglakbay (2)

"Bilis! Kunin niyo ang mga kadena at ipulupot sa karwahe!" Utos ni Grand Tutor He.

Mabilis namang gumalaw ang mga sundalo, kinuha nila ang makapal na kadena mula sa isang karwahe at ipinaikot sa karwaheng umuuga.

Ngunit nagpatuloy ang alulong mula sa loob.

Diretso lang ang reaksyon sa mukha ng mga sundalo, tila hindi man lang sila nagulat sa sitwasyong kanilang kinakaharap.

Tahimik na pinakinggan ni Jun Wu Xie ang tunog, sa una ay aakalain mong isa itong halimaw ngunit kapag pinagtuunan ng pansin ay tila galing iyon sa tao.

[Sa loob ng karwaheng iyon ay isang lalaking bilanggo?]

Napakagat sa labi ang munting Emperor habang nakatingin sa karwaheng natatalian ng kadena. Bakas pa rin sa mga mata nito ang pag-aalala ngunit hindi makikitaan ng takot.

Kaya naman napaisip si Jun Wu Xie na parang may kakaiba sa nangyayari.

Sa saglit na oras ay nagkaroon na siya ng ideya sa personalidad ng munting Emperor at sa itsura nito ay mukhang hindi pa ito ganoon katapang. Sa sitwasyon ngayon, dapat ay nakikitaan na ito ng pagkatakot. Ibig sabihin lang ay kilala nito ang taong nasa loob.

Pagkatapos ng ilang sandali ay natigil na ang pag-iingay sa loob ng karwahe at natigil na rin iyon sa pag-uga.

Napabuga ng malakas na buntong-hininga si Grand Tutor He pagkatapos ay nagsalita: "Mayroong pasyente sa loob ng karwaheng iyon at nagiging katakot-takot siya pag siya ay inaatake ng kaniyang sakit. Natatakot kaming baka saktan niya ang kaniyang sarili at ang mga tao sa kaniyang paligid kung kaya naman ito na lang ang naiisip naming solusyon. Sana ay hindi kayo tinakot noon, Young Master."

Umiling si Jun Wu Xie, ngunit sa kaniyang puso ay puno ng katanungan.

Anong sakit mayroon ang taong iyon at nagiging ganoon ito kalakas? Halos limang sundalo ang humahawak sa bawat sulok ng karwaheng iyon ngunit hindi pa rin nila nagawang mapigilan ang pag-uga. Idagdag pang ito ay isang pasyente, hindi pa rin ito dapat ganoon kalakas.

Nakuha naman agad ni Jun Wu Xie ang nais iparating ni Grand Tutor He. Ayaw na nitong magbigay pa ng detalye tungkol doon at si Jun Wu Xie naman ang tipo ng taong ayaw nang makisawsaw sa problema ng iba. 

Matapos ng nangyari kanina ay tila tumamlay ang munting Emperor. Nang sila ay makapasok na sa kanilang karwahe, ilang beses nitong nilabas ang ulo nito sa bintana at nililingon ang karwaheng nasa dulo ng kumboy. Ang malaki nitong mata ay nakikitaan ng kalungkutan.

"Kamahalan, pagod ka na, dapat lang sigurong ikaw ay magpahinga muna." Saad ni Grand Tutor He. Umupo na ang munting Emperor at nahiga sa kandungan ni Grand Tutor He hanggang sa ito ay nakatulog. Ang noo nito ay bahagya pa ring nakakunot.

Nalukot ang mukha ni Grand Tutor He nang makita ang ekspresyon sa mukha ng tulog na bata.

Hindi nagtanong si Jun Wu Xie tungkol doon at alam niyang hindi niya na iyon dapat tanungin.

Sa mga sumunod na araw, kasama ni Jun Wu Xie ang mga taga-Buckwheat Kingdom sa paglalakbay. At sa mga araw na kasama niya ang mga ito, nakita niyang parang hindi lang pinuno ang munting Emperor kundi ito rin ang nagsisilbing pinagmumulan ng kasiyahan ng grupo.

Simula kay Grand Tutor He hanggang sa mga sundalo, tila anak nila kung ituring ang munting Emperor.

Mabuti na lang at mabait ang batang ito at wala ito gaanong hinihiling. Malala na ang pag-utos nito sa mga sundalo na kumuha ng mga prutas na ipapakain nito kay Lord Meh Meh at Sacrificial Blood Rabbit.

Sa loob ng mga araw na iyon, ay busog na busog naman ang dalawang Spirit Beast. Animo'y sila ay baboy na maya't-maya lang pagkain. Bukod sa kumain at matulog, wala na silang ibang gagawin kundi ang hayaan ang munting Emperor na haplusin sila.

Dalawang beses pang naulit ang pangyayari sa huling karwahe ngunit maayos naman nilang napanghawakan ang sitwasyon.

Dahil sa laging prutas at gulay ang kinakain ng dalawang hayop, tila hindi na nila maalala ang lasa ng damong madalas na ipakain sa kanila ni Jun Wu Xie. Kaya naman ng makita nila ang damo sa paanan ni Jun Wu Xie ay tumakbo ang mga ito doon at nagsimulang kumain.

Related Books

Popular novel hashtag