Dahil sa taglay na kacute-an ng kuneho ay nagkaroon ito ng pagkain ng walang kahirap-hirap. Si Lord Meh Meh naman ay tulo laway na nanonood na animo'y hindi ito isang Spirit Beast.
Sa loob-loob nito ay gusto nitong kainin iyon, ngunit wala na lang siyang nagawa kundi ang mag-iwas ng tingin at umiyak: "Meh meh meh."
Ngunit sa sulok ng mata nito ay nakikita niya pa rin ang Sacrificial Blood Rabbit na hawak ang karot.
Para sa isang katulad ni Lord Meh Meh na nabuhay na maraming kinakain, kahit na sagana naman si Jun Wu Xie sa pagbibigay sa kaniya ng magandang klase ng damo, hindi pa rin nito mapigilan ang sarili na maghanap pa ng maghanap ng pagkain.
Dahil sa pag-ungol na iyon ni Lord Meh Meh, nakuha nito ang atensyon ng Little Emperor. Kaya naman napatingin ito dito at muling nagningning ang mga mata.
Nag-angat ito ng tingin kay Lord Meh Meh pagkatapos ay kay Jun Wu Xie. Ang mga tingin nito ay parang nagsasabing: [Gusto ko silang haplusin..Gusto ko silang haplusin...gustong-gusto ko silang haplusin…]
Sa oras na ito, hindi na nagpaalam pa si Grand Tutor He para sa kaniyang Kamahalan.
Gamit ang paa ni Jun Wu Xie ay marahan niyang tinabig si Lord Meh Meh at itinuro ang Little Emperor. Agad naman iyong naintindihan ni Lord Meh Meh. Ang mga mata nito ay nakatuon sa karot na kinakain ng Sacrificial Blood Rabbit na nangangalahati na.
Gustong haplusin ng Little Emperor si Lord Meh Meh ngunit nang akmang hahaplusin niya na ito ay umatras ang tupa. Animo'y ayaw nitong magpahaplos sa Little Emperor.
Nang makita ni Grand Tutor He na tila iiyak nanaman ang Little Emperor, pumunta siya sa karwahe at kumuhang muli ng karot at ibinigay sa Little Emperor.
Dahil doon…
Lumapit na si Lord Meh Meh sa batang lalaki.
Nasa kaliwa ng Little Emperor ang kuneho at nasa kanan naman nito ang tupa. Salitan niyang hinahaplos ang mga ito. Ang buntot nito ay masayang kumukumpas sa kaniyang likod. Nakatuon lang ang atensyon nito sa dalawang Spirit Beast na nasa kaniyang tabi.
Halos hindi makuntento ang batang lalaki sa paghaplos sa dalawang Spirit Beast…
Tumikhim si Grand Tutor He dahil sa sobrang kahihiyan. Humarap ito kay Jun Wu Xie at nagsalita.
"Kung hindi niyo mamasamain Young Master, ayos lang bang makisalo kayo samin sa pagkain?"
Hindi nagtagal si Jun Wu Xie sa seremonyas at agad na umalis kanina upang mapabilis ang kanilang paglalakbay, hindi rin siya nagkaroon ng sapat na pahinga. Maging ang mga baon niyang pang-siga ay hindi niya nagamit.
Nagdala si Grand Tutor He para kay Jun Wu Xie dahil nakikini-kinita niya nang may gagawing kahihiyan nanaman ang kaniyang Kamahalan. Maging ang mga sundalo ay nahihiya na para sa kanilang Kamahalan.
"Taga-Condor Country ba kayo, Young Master?" Pag-iiba ng paksa ni Grand Tutor He upang bawasan ang tensyon sa paligid.
"Umiling si Jun Wu Xie. "Nagpunta lang ako para magikot-ikot sa lugar."
Tumango si Grand Tutor He, sumasang-ayon siyang maganda nga ang tanawin sa Condor Country. "Maaari ko bang malaman kung saan kayo magpupunta pagkagaling niyo dito, Young Master? Kung iisa lang naman tayo ng dadaanan pwedeng-pwede namin kayong isabay."
Maliit lang ang Buckwheat Kingdom at kaunti lang ang populasyon. Hindi sila gaanong istrikto sa mga patakaran . Idagdag pa ang kasalukuyan nilang Emperor. Kaya naman hindi maitatangging sila ay mababait at palakaibigan.
"Imperial Capital." Sagot ni Jun Wu Xie.
Ngumiti si Grand Tutor He. "Tignan mo nga naman ang pagkakataon. Papunta rin kami ng Imperial City. Ayos lang ba sainyo na makisabay samin, Young Master?" Habang nagsasalita ay nakatingin si Grand Tutor He sa Little Emperor. Halata naman ang dahilan ng imbitasyon ay dahil sa ayaw pang mahiwalay ng Little Emperor sa dalawang mabalahibong nilalang.
Saglit na natahimik si Jun Wu Xie bago tumango.
Maganda ang reputasyon ng Buckwheat Kingdom, wala pang masamang feedback ang naririnig tungkol sa Kingdom na ito. Simula nang makausap ito ni Jun Wu Xie ay hindi pa nagpapakita ng kagaspangan ang mga ito.