Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1211 - Maging Mabait ka Upang Haplusin Kita (3)

Chapter 1211 - Maging Mabait ka Upang Haplusin Kita (3)

Si Jun Wu Xie na nakabihis lalak|i ay naaawang tumingin sa maliit na nilalang. Kung ibang oras lang ito ay hindi niya ito bibigyang pansin. Ngunit...sa sulok ng kaniyang mga mata ay inilibot na niya ang kaniyang paningin sa paligid at nadaanan ng kaniyang tingin ang munting bata na nakatago sa likod ng karwahe.

Nakasabit sa karwaheng iyon ang pare-parehong banner at ang mga nakasulat doon ay hindi pamilyar kay Jun Wu Xie. Sila ay nagmula sa maliit na lugar na tinatawag na Buckwheat Kingdom. Gaano naman kaya kaliit iyon?

Sobrang liit na matatawag nilang malaking bansa na ang Qi Kingdom!

Talaga nga namang napakaliit ng Qi Kingdom. Iyon ang pinakamaliit na kaharian sa kanilang lahat. Hindi ito maikukumpara sa Fire Country at ito ay matatagpuan sa gitna ng bundok. Kinukulang din ang mga ito ng mga yaman para sa kanilang ikabubuhay. Dahil sa napakataas na lokasyon nito, inayawan ito ng ibang mga bansa.

Napansin ni Jun Wu Xie ang Jade Crown na nasa ulo ng bata. Ang Jade Crown na ito ay maaari lang maisuot ng mga Emperor. Kung titignan din ang mga guwardiyang nakapaikot sa bata, masasabing hindi lang ito basta-bastang mga guwardiya.

Hindi nakikisalamuha si Jun Wu Xie sa iba't ibang bansa. Kahit na ito pa ay kasing giliw katulad ng nasa kaniyang harapan ngayon. 

Walang balak si Jun Wu Xie na pansinin ang hiling ng batang lalaki. Malungkot ang bata at ang luha ay namumuo sa mga mata nito. Hindi naman nakapagpigil si Grand Tutor He sa tabi nito.

"Maaari bang tumigil sandali ang Young Master?"

Tumingin si Jun Wu Xie sa matandang lalaki.

"Lahat kami ay galing sa Buckwheat Kingdom at ang batang lalaking ito ay ang Emperor ng Buckwheat Kingdom. Dahil ang Kamahalan ay bata pa, mahilig siya sa mga cute Spirit Beasts. Maaari niyo ba, Young Master na pagbigyan ang kahilingan ng aming Kamahalan?" Tatlong henerasyon na ng mga pinuno ng Buckwheat Kingdom ang pinagsilbihan ni Grand Tutor He. At ngayon lang ang unang beses na magsabi ng ganoong bagay!

Bilang isang kagalang-galang na Grand Tutor, kailangan niyang makipag-negosasyon para punan ang kahilingan ng kaniyang Kamahalan na haplusin ang isang Spirit Beast. At sadyang nakakahiya iyon.

"Sige."

Dahil sa pagpayag na iyon ni Jun Wu Xie, nanigas sa kaniyang kinatatayuan ang Little Emperor at maya-maya ay ngumiti.

Pinakawalan ni Jun Wu Xie ang Sacrificial Blood Rabbit mula sa kaniyang bisig at tumingin sa direksyon ng Little Emperor. Agad namang naintindihan ng kuneho ang ibig sabihin ng kaniyang Mistress at agad itong nagtatalon patungo sa Little Emperor!

Habang pinapanuod ng Little Emperor si Sacrificial Blood Rabbit na patungo sa kaniya, napuno ng saya ang kaniyang puso. Nanginginig ang kamay nito na hinaplos ang kuneho na may malaking tenga.

Nang tanggalin ng Little Emperor ang kaniyang kamay ay lumabas ang tumpok ng balahibo sa likod ng kuneho...kung titignan mo ito ay iisipin mong isa lang iyong buntot…

Hindi naitago ni Jun Wu Xie ang ekspresyon sa kaniyang mukha habang pinapanuod ang Little Emperor na nakikipaglaro sa Sacrificial Blood Rabbit. Mas lalong naglumikot ang buntot ng kuneho at ang batang lalaki ay nag-anyong rabbit spirit.

"Ehem." Napansin ni Grand Tutor He ang tingin ni Jun Wu Xie kung kaya't nagsalita na ito: "Iyan ay ring spirit ng Kamahalan."

Umangat ang isang kilay ni Jun Wu Xie. Hindi pa siya kailanman nakakarinig na ang ring spirit ng isang tao ay isang tumpok ng balahibo…

Ang buntot na iyon, bukod sa taglay nitong kacute-an, posible kayang may iba pa iyong silbi?

Ngunit pinili na lang ni Jun Wu Xie na huwag magsalita tungkol doon. Nagpatuloy ito sa panunuod sa Sacrificial Blood Rabbit na nakikipaglaro sa Little Emperor. Habang nakikipaglaro ang kuneho, hindi nito nakalimutan ang karot na nahulog sa lupa, agad niya iyong kinuha at kinain.

Related Books

Popular novel hashtag